HINDI BUONG KWENTO! (NEEDS CONTEXT): John Amores ng Jose Rizal University, NCAA Sportsmanship Awardee nga ba noong 2018?

November 09, 2022



  • Ang buong JRU juniors team, hindi lamang si Amores, ang awardee ng Sportsmanship award ng NCAA Season ‘94.

  • Mga team at kanilang eskwelahan lamang ang pwedeng maging sportsmanship awardee, at hindi indibidwal na players.

  • Nag-viral ang photo ni Amores na hawak ang naturang award matapos ito manuntok ng players ng College of St. Benilde sa isang match.


(1.5-min. read) - Nag-viral ang social media posts na nagpapakita ng larawan kung saan naka-pose si John Amores, isang basketball player mula sa Jose Rizal University (JRU) na hawak ang sportsmanship award ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season ‘94. Ito ay kulang sa konteksto.


Sportsmanship Award ng JRU

Bagamat tinanggap ni Amores ang award, ang buong juniors team ng JRU Heavy Bombers ang awardee, hindi lamang si Amores. Ayon sa isang report ni Randolph Leongson ng sports news site na Spin.PH, si Amores lamang ang player na present sa awarding ceremony ng JRU, at dahil dito, sa kaniya ipinresenta ang nakuhang parangal. Subalit hindi lamang si Amores ang awardee, kundi kasama nito ang buong team ng JRU. Makikita rin sa Facebook post ng JRU Heavy Bombers noong 2018 na kuha ang larawan ni Amores na may hawak na trophy kasama nito si NCAA Management Committee member Paul Supan ng JRU.


Dagdag pa rito, hindi mga individual players ang binibigyan ng NCAA sportsmanship award, kundi mga team at ang mga eskwelahang nirerepresenta nito, tulad ng pagkapanalo ng University of Perpetual Help System DALTA ng sportsmanship award sa NCAA Season 97.


Insidente ng panununtok

Nag-viral ang photo ng award na tinanggap ni Amores matapos itong manuntok ng kalabang players sa laro ng JRU at College of St. Benilde (CSB) nitong Nobyembre 8 sa Season ‘98 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament. Makikita sa video ng match na nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Amores sa mga miyembro ng kabilang team hanggang sa sinugod niya ito. Tatlong miyembro ng team ng CSB Blazers ang tinamaan nang pagsusuntukin ni Amores. Agad namang inescort ito palabas at itinigil ang laro kahit na may 3:22 pang natitira sa orasan.


Hindi ito ang unang insidente ng pananakit ni Amores sa ibang manlalaro. Nitong Nobyembre 8, ipinahayag ng University of the Philippines (UP) men’s basketball team na magfa-file ito ng kaso laban kay Amores matapos nito suntukin si UP recruit Mark Belmonte sa isang preseason game noong Hulyo.


Nitong Nobyembre 9, isang araw matapos ang insidente, ipinahayag ng NCAA na indefinitely suspended si Amores.



SOURCES:

[1] https://www.spin.ph/basketball/ncaa-men/the-truth-about-john-amores-sportsmanship-award-a2437-20221109 

[2] https://www.facebook.com/118290381655392/posts/1196635233820896/ 

[3] https://www.gmanetwork.com/ncaa/sports/basketball/832502/in-photos-rookie-mvp-rhenz-abando-at-the-ncaa-season-97-individual-awards-ceremony/story/ 

[4] https://www.spin.ph/basketball/ncaa-men/ 

[5] https://fb.watch/gH2bEU_HsB/ 

[6] https://sports.inquirer.net/484791/ncaa-john-amores-throws-punches-as-csb-jru-game-halted-after-ugly-brawl 

[7] https://www.spin.ph/basketball/ncaa-men/john-amores-escorted-out-as-ncaa-officials-weigh-penalties-a2437-20221108 

[8] https://www.spin.ph/basketball/amores-hit-with-indefinite-ban-for-punch-as-belmonte-undergoes-surgery-a1374-20220726 

[9] https://twitter.com/ABSCBNNews/status/1590256627902390272

Aaron

May 29, 2023 04:45 pm

Buong team ang naka tangap ng sportmanship awardee at hindi yon individual players. Dahil malabo na bigyan yan ng sportsmanship awardee dahil sa pinakita niyang ugali sa nakaraan nyang issue na sinuntok ang kanyang kalaban

Ariel

Sep 06, 2024 02:35 pm

Laging tandaan na dapat ang mga atletang Pinoy sa larangan ng "sports" ay palagiang ipakita ang pagiging "isports". Violence shouldn't be an option. Di yan nakaka pogi points!

Presley Joy

Apr 05, 2023 11:50 pm

Ahhhhh buong team naman pala kasi yung tumanggap at hindi lang si Amores. Kasi kung siya lang yung naka tanggap sana hindi siya nag padala sa emosyon at nanuntok hahaha.

Carlo

May 29, 2023 08:18 pm

meron pala yang sportsmanship awardee sa panununtok ba ng mga kalaban? HAHAHAH

Alyssa

May 31, 2023 08:13 pm

buong team naman Yung tumanggap at Hindi lang siyA, dahil malabo na bigyan siya ng sportsmanship dahil sa pinakita niyang ugali

Page 1 of 10.2


eboto.ph