Nararamdaman mo na ba ang patuloy na paglobo ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas?
Mas lalo pang tumaas ang inflation rate sa bansa. Ito ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin kagaya ng gulay at prutas, gayundin ang bayad sa kuryente at tubig. Pag mas mataas ang inflation rate, ibig sabihin ay mas mabilis rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Umabot na sa 8.7% ang consumer price index sa bansa, pinakamataas simula noong Nobyembre 2008. Ito ay di hamak na mas mataas sa target range ng pamahalaan na 2-4% lamang.
Ano-ano nga ba ang mabuti at masamang dulot ng inflation sa isang bansa?
Jerwin
Mar 22, 2023 03:31 pm
Mas kailangan pagtuunan ng pansin ang ating sekta ng agrikultura, bigyan ng agarang solusyon uoang saganon ay magkaroon tayo ng maraming supply ng gukay at prutas upang hindi na o mabawasan ang pagangkat natin sa ibang bansa at mapigilan ang inflation rate ng bansa
Reynaldo
Mar 22, 2023 09:02 pm
Mas maraming masamang dulot ang inflation sa ating bansa, mula sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin kumpara sa saktong kinikita lamang ng ating mga kababayan. Patuloy ang pagtaas ng mga presyo ngunit hindi naman tumataas ang kita ng mga empleyado. Kailangang siyasating mabuti kung mkakabuti ba ang pagtataas ng bilihin ukol sa pagtaas din ng mga pangunahing kinakailangan ng ating bansa katulad petrolyo.
Anne
Mar 24, 2023 05:13 pm
maraming dulot na masama sa atint bansa ang inflaction
Patrick
Mar 25, 2023 07:03 am
dahil sa inflatuon ay naghihirap tayo
KRISTA MAE
Mar 26, 2023 02:28 pm
masama ang maidudulot ng inflation sa ating bansa.
Page 1 of 15