#Halalan2025: Dates to remember para sa darating na 2025 Midterm Elections!

June 07, 2024



Charles Masirag | eBoto.PH




Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga importanteng petsa para sa 2025 midterm elections sa Pilipinas.


Gaganapin ang eleksyon sa ikalawang Lunes ng Mayo 2025 o sa May 12, 2025.


Ang election period naman ay mula January 12, 2025 hanggang June 11, 2025.


Para sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, bukas ang voter registration hanggang September 30, 2024.


Magsisimula naman ang filing ng Certificates of Candidacy ay mula October 1 hanggang October 8, 2024.


Ang substitution ng mga kandidato ay pinapayagan hanggang October 8 o hanggang tanghali ng araw ng eleksyon kung ito ay dahil sa disqualification o kamatayan.


Para sa mga national candidates, magsisimula ang campaign period mula February 11 hanggang May 10, 2025, na may kabuuang 90 days.


Ang local candidates naman ay may 45-day campaign period mula March 28 hanggang May 10, 2025.


Ang mga Filipino citizens sa abroad ay maaaring bumoto mula April 13 hanggang May 12, 2025.


Ang local absentee voting ay naka-schedule naman mula April 28 hanggang 30, 2025.


Sa panahon ng election period, bawal ang ilang mga aksyon tulad ng suspension ng mga elected local officials mula provincial hanggang barangay level, paggamit ng security personnel ng mga kandidato, ilegal na pagpapalaya ng mga bilanggo.


Ipagbabawal rin ng Comelec ang pag-i-isyu ng appointments, promotions at paglikha ng mga bagong posisyon sa mga government agencies. Bawal din ang pag-release, pag-disburse o paggastos ng public funds nang walang pahintulot mula sa Comelec.


Ang mga importanteng petsa na dapat tandaan ay kasama ang August 31, na siyang huling araw ng “Register Anywhere” Program. 


Ang period mula September 1 hanggang 28, 2024, kung kailan ang mga political parties ay magkakaroon ng conventions para pumili o mag-nominate ng mga kandidato. 


Ang huling araw ng pagsusumite ng statements of contributions and expenditures ay sa June 11, 2025. Magkakaroon din ng liquor ban sa May 11, 2025, ang bisperas ng araw ng eleksyon.

Dianne Chelsie

Jun 07, 2024 04:29 pm

Yes! Boboto ako dahil karapatan ko ito. Karapatan natin ito. At pagkakataon natinito na pumili ng mga mamumuno sa ating bansa. Kaya wag nating sayangin ang chance na to. Piliin ang tama at wasto! Doon tayo sa may nagawa na at may magagawa pa. Piliin natin yung kayang tumindig para sa bayan. Handang ipaglaban ang kabutihang para sa lahat. Vote wisely!

Karl Mateo

Jun 08, 2024 02:03 pm

Sabi nga ng COMELEC, ang taong 2025 ay maituturing nating 'super election' dahil tatlong eleksyon ang magaganap (National and Local Elections, Bangsamoro Election, at Barangay Election) sa parehong taon. Kaya naman, oras na ito upang gamitin natin ang ating karapatan na bumoto ng mga lider na tunay na magsisilbi sa ating bayan. Patunayan natin na deserve naman ng ating bansa na mapagsilbihan ng mga lider na may puso, galing at talino! ❤️

Joselito

Jun 07, 2024 04:40 pm

Handa na akong bumoto at boboto ako nang tama at wasto.

Luisa Mae

Jun 07, 2024 05:39 pm

Sa 2025 Midterm Elections, OO, boboto ako. Ang pagboto ay isang mahalagang responsibilidad bilang mamamayan upang makilahok sa pagpili ng mga pinuno at opisyal ng ating bansa. Ito ang aming pagkakataon upang ipahayag ang aming opinyon at kontribusyon sa pagpapaunlad ng ating lipunan. Ang pagboto ay isang paraan ng pagpapakita ng aming pagnanais para sa tunay na pagbabago at pag-unlad ng bansa.

Ralyn

Jun 07, 2024 06:52 pm

Ready na , Vote Wisely Po tayo

Page 1 of 9.4


eboto.ph