Bryan James Uy | UP Diliman, eBoto.PH volunteer
Nagmamantika ka na rin ba? Dahil sa El Niño ‘yan! Alamin natin ang epekto at dahilan ng weather phenomenon na pumiprito sa ‘tin ngayon!
Sa mga nakaraang linggo, sobra na talaga ang init. Napilitan na rin ang iba’t ibang local government units na magdeklara ng state of calamity o ‘di kaya naman ay mag-suspende ng klase sa mga paaralan.
Pero bakit nga ba mataas ang air temperature mula April hanggang ngayong Mayo?
Summer na, El Niño pa!
“Summer” season ngayon sa Pilipinas sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Dahil summer na, aasahan daw natin ang pagdami ng mga “warm” at “dry” days sa bansa.
Pagkatapos ng Amihan season na nagdala ng cool North East winds, dumating na sa bansa ang tag-init.
Pero dahil apektado na ng El Niño ang halos buong Pilipinas, mas matindi pa ang epekto ng tag-init ngayong 2024.
Mapapanood sa diagram na ‘to ang pagbabago ng weather pattern sa Pacific Ocean mula El Niño hanggang La Niña. Image source: Irish Weather Online
Ayon sa American pay television network at flagship channel na National Geographic, ang El Niño ay isang climate pattern na may ‘unusual warming’ o di-karaniwang pag-init ng ibabaw na parte ng East Pacific Ocean.
Tuwing El Niño, lumilipat ang pagdaloy ng warm surface seawater papunta sa East Pacific dahil sa paghina ng trade winds o ng hangin sa ibabaw ng dagat na umiihip mula East hanggang West.
Kapag humina ang trade winds, bumabaliktad ang daloy ng hangin sa Pacific Ocean.
Kaya kung may El Niño, kapansin-pansin na ‘di masyadong malakas ang hangin na nararamdaman natin.
Epekto ng El Niño sa South East Asia at South America
Ayon sa National Weather Service ng Estados Unidos, dahil sa pagbabago sa klase ng klima sa South America at East Pacific Region, mas lalong lumalakas at mas madalas ang ulan at baha. Sabi nila, ito raw ang tinatawag na El Niño-Southern Oscillation (ENSO) climate pattern change. Kasama sa ENSO ang El Niño.
Sa ENSO, may tatlong phases: may El Niño, ENSO-Neutral at La Niña.
Kasi nga cycle siya, dumaan sa tatlong estado na ‘yan ang South Pacific Ocean.
Pagdating sa ENSO-Neutral, balik sa normal ang temperatura ng dagat, pati na rin ang panahon sa Pacific Ocean.
Pero ‘pag El Niño naman, baliktad ang kuwento, sobrang init at iba ang kondisyon.
Kapag La Niña naman, bumababa ang temperatura ng dagat at mas madalas ang pag-ulan dito sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Southeast Asia.
Trade winds at pag-ihip ng hangin sa dagat papuntang South East Asia sa normal conditions. Image source: National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA)
Tuwing may El Niño sa South East Asia, nagkakaroon ng “drought” o tagtuyot.
May negatibong epekto ‘to sa mga water systems at agrikultura ng mga apektadong bansa, tulad ng Australia, Indonesia at Pilipinas.
Umiihip papuntang South America ang warm water tuwing El Niño. Image source: National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA)
Ayon pa sa NWS, nagkakaroon ng El Niño events kada tatlo hanggang limang taon. Tumatagal naman daw ang El Niño mula siyam na buwan hanggang isang taon.
Epekto ng El Niño sa agrikultura, pangingisda
Ibinahagi ng Department of Agriculture noong May 2 na umabot na sa P5.9 bilyon ang halaga ng pinsalang dala ng El Niño sa agrikultura.
Apektado rin ng El Niño ang fishing industry. Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ng US, nagma-migrate at namamatay ang mga “catchable marine species” gaya ng mga isda at squid dahil sa weather phenomenon na ‘to.
Pero hanggang kailan tayo magtitiis sa El Niño?
Sa advisory ng PAG-ASA sa unang linggo ng Abril, may 62% chance na magkaroon ng La Niña sa June-July-August season.
Maria
May 03, 2024 10:11 pm
Maraming pgamitan ang ulan dapat aware nalang sa pagsasaka sa pagtatanim
Luisa Mae
May 04, 2024 09:10 am
Okay naman if maging tag ulan naman dapat lang na maging aware Ang lahat
Acel
May 04, 2024 03:31 pm
Sa usaping kahandaan ay masasabi kong handa naman ako dahil hindi ako direktang apektado subalit marami pa rin ang walang pribilehiyo na katulad ng sa akin at maraming kabuhayang maaapektuhan sakaling dumating ang La Niña.
Mary Caroline
May 04, 2024 10:15 pm
Yes expected na po na may la niña after ng el ñiño. Kasi the more init ang weather mas more nag eevaporate kaya nga konti nalng ang tubig sa mga dams. We have to get ready sa lajat ng mga sakuna para safe lahat
RUSSELL
May 05, 2024 12:26 am
Ang patuloy na paglala ng kondisyon ng klima ay dahil sa patuloy na pagkasira natin sa mundo. Taon taon ng nararanasan ang El Niño at La Niña pero panahon naman ngayon para may gawin tayong positibong pagbabago; at sa huli, tayo rin ang makikinabang nito.
Page 1 of 7.8