Daily News Digest for March 2, 2023
Ka-e-Boto! Gusto mo bang malaman at mas maintindihan kung anong mga balita ang pumatok nitong nakaraan? Halika, isa-isahin natin ‘yan! 😀
😡 Mga taga-NAIA na nagnakaw diumano sa isang turista, timbog! 😡
🤔 ‘Special powers’ para sa pangulo, DA, hinihingi ng Kamara? 🤔
Inilutang sa Kamara ang pagbibigay ng special powers sa Department of Agriculture o sa pangulo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain. Ito ay kasunod ng briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa epekto ng inflation sa national government programs.
🙏 Tatay Elmer, nag-viral sa social media dahil todo kayod para sa dialysis ng anak 🙏
Nag-viral ang 73 anyos na lolo na nagbebenta ng mga crocheted goods para makalikom ng pondo para sa dialysis treatment ng kanyang anak. Ito ay matapos i-post ng isang estudyante mula sa Davao ang kanyang pagsisikap online. Nasa P50-P250 bawat isa ang kanyang mga crocheted items, kabilang ang mga coin purse, cell phone holder, at water bottle carrier.
⚖️ Disqualification cases laban kay Sen. Raffy Tulfo, ibinasura! ⚖️
Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan na ma-disqualify si Raffy Tulfo sa pagtakbo sa halalan sa senado noong Mayo 2022. Ayon sa Comelec, kulang sa argumento at labag sa kanilang jurisdiction ang petisyon na inihain ni Julieta Licup Pearson noong May 10, 2022 laban kay Tulfo.
🇵🇭 WPS, dapat na raw ideklarang “national marine protected area”? 🇵🇭
Inirerekomenda ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines na ideklara ng pamahalaan ang West Philippine Sea (WPS) bilang isang "national marine protected area." Ayon sa grupo, mahalaga ang WPS sa ekonomiya at suplay ng pagkain ng bansa. Ang panawagang ito ay ginawa kasabay ng patuloy na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
💰 Pagtaas ng gastusin, naging hadlang sa pag-unlad ng mga lokal industriya 💰
Ayon sa ulat ng S&P Global, tumaas ang Purchasing Managers' Index (PMI) o ang sukatan sa manufacturing output sa 52.7 mula sa 53.5 noong Enero. Ipinapakita nito na nahihirapan ang manufacturing sector sa bansa dahil sa sa pagtaas ng mga gastusin sa produksyon at mga problema sa suplay ng raw materials. Sa kabila nito, may mga positibong aspeto rin dahil nagdaragdag ng inventory ang ilang kumpanya para sa inaasahang paglago ng demand sa mga susunod na buwan.
May mga katanungan ka ba, komento, opinyon, o suggestion? Tara, iwan mo rito yan sa link na ‘to kung Anong Say Mo. 😀
CJ
Mar 15, 2023 11:21 am
Ang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon! Dapat meron na talagang gawin ang gobyerno nito.
Mary Ann
Mar 22, 2023 11:21 am
Bilis ng inflation, action!!!
Anna Patricia
Mar 22, 2023 11:44 am
Sa bilis ng pag taas ng bilihin ay kasimbilis din ng pag hirap ng mga mamamayan dapat na bigyan action ng gobyerno ito halimbawa nalang ng ibaba ang presyo o bigyan ng sapat at na wawastong sweldo ang mga trabahante.
Jerwin
Mar 22, 2023 02:00 pm
Sana mas bigyang pansin ang agrikultura ng bansa kaysa sa pag import ng mga goods, tulungan ang mga mamamayang ang pangunahing trabaho ay ang pagsasaka at pagtatanim.
Presley Joy
Mar 24, 2023 01:17 pm
1k ngayon parang 20 nalang, ang mamahal ng bilihin. Balot na 12 pesos dati 20 na😭
Page 1 of 16.6