DIGI-Know na ‘social media capital’ of the world ang Pinas, pero #1 sa ‘digital illiteracy’?

July 12, 2024



Karl Mateo Aragon | eBoto.PH user


Mga Pilipinong netizens, digital literacy ang sandata sa malaking hamong kinahahaharap laban sa data breach, online scams, at fake news!


Ka e-Boto, welcome sa digital age! Ngayon, lahat ng impormasyon ay easily accessible at your fingertips. How convenient, ‘di ba?


Pero sa likod ng real-time and instant na pag-browse sa social media, nakatago ang iilan sa mga panganib ng internet.


Maaari itong magresulta sa pagkalat ng maling impormasyon, pagnakaw ng ating personal na data, at iba pang klase ng krimen sa online world.


Sa isang Senate budget hearing, inamin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary for Connectivity, Cybersecurity, and Upskilling Jeffrey Ian Uy na nasa tuktok ng digital illiteracy ang Pilipinas.. 


Pumapangalawa naman ang bansa sa online child abuses sa South East Asia. Ipinapakita ng mga datos na ito ang malubhang suliranin sa digital literacy na kailangan ng agarang solusyon.


Ayon sa Break Poverty Foundation, ang “digital illiteracy” ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan ng isang tao na makasabay sa pag-unlad ng teknolohiya, lalo na sa mga device tulad ng computers at smartphones. 


Ang tawag naman sa mga hindi pamilyar sa paggamit ng mga digital na kagamitan sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay “digital illiterate.”


Digital divide, hadlang sa pagkamit ng digital literacy

Kahit na nakapagtala ang DataReportal ng 84.45 milyong social media users na katumbas ng 72.5% ng kabuuang populasyon sa Pilipinas, limitado ang access ng mga ordinaryong Pilipino sa internet infrastructure at capacity-building programs para sa mas malawakang pagpapalaganap ng cybersecurity.


“One of the reasons is poverty,” sagot ni DICT Secretary Ivan John Uy sa tanong ni Senator Win Gatchalian kung bakit nanguna ang bansa sa digital illiteracy. 


“But primarily, in terms of cybersecurity, we lack the necessary tools in order to identify perpetrators of these crimes and to track them,” dagdag niya.


Pagtugon sa problema ng internet connectivity, sagot ng DICT

Sa pamamagitan ng Universal Internet Subscription for Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (UISG) project ng Free Wi-Fi for All Program, nakapaglunsad ang DICT ng 3,914 na bagong Access Points (AP) na magbibigay ng internet connection sa 1,499 na liblib na lugar sa ating bansa.


Ayon kay Program Project Director na si Paul G. Tuason, ang inisyatibo ng DICT ay nagtagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mga Regional Offices ng ahensya at mga local government units. 


“As we continue to expand our reach and deploy advanced technologies, we’re bringing the promise of a more connected and empowered Philippines to life,” sabi niya.


Ariel

Sep 04, 2024 11:58 am

Teaching and learning basic digital skills in the classroom is one way of upskilling and reskilling the youth on the proper way of dealing with social platforms. Mahalaga na matutunan ng kabataan ang TAMA at WASTONG PAGGAMIT ng mga ito.

John Patrick

Jul 13, 2024 12:05 pm

Totoo 'to! Marami pa rin ang mangmang pagdating sa tamang paggamit ng social media. Kaya madami nabibiktima ng online scams e. Ang kalayaan natin sa paggamit nito ay may kaakibat na panganib at responsibility din. Dapat aware tayo dito.

Vincent

Jul 14, 2024 10:42 pm

Magturo sa paligid na kailangan turuan

Angela

Jul 14, 2024 11:58 pm

Nako, the ironyyyy

Catherine

Jul 16, 2024 08:47 pm

Kahit maturuan marami paring mga taong gagamitin ang social media sa masasamang paraan.

Page 1 of 4.4


eboto.ph