Dapat na nga bang buwagin ang partylist system sa bansa?

February 27, 2023



Dapat na nga bang buwagin ang partylist system sa bansa? 🧐


Suportado ni Sen. Robin Padilla, ang chairman of the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, ng mga panukalang i-abolish na ang partylist system na aniya ay "corrupted" na.


“Kung umabot tayo sa constitutional convention, dapat ang partylist system ang mauuna,” ayon sa senador. Dagdag niya,  katawa-tawa na may mga mayayaman tayong binoboto bilang partylist representative para kumatawan sa mga nasa laylayan.


Bukod kay Sen. Padilla, ito rin ang saloobin ni Sen. Bato Dela Rosa na nagsasabing maituturing nang isang ‘redundancy’ ang partylist system dahil may mga kinatawan naman na ang bawat

distrito o mga lugar sa Pilipinas.

Nanindigan naman si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na nagsasabing ang layon ng partylist system ay para magkaroon ng kinatawan ang marginalized sector sa pamahalaan.


📌 Ano ang partylist system?


Originally, ang partylist ay binuksan para sa mga underrepresented na sektor o grupo ng komunidad tulad ng manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, at iba pa. Subalit nilinaw ng Korte Suprema noong 2013 na ang partylist ay isang sistema ng proporsyonal na representasyon na bukas sa iba't ibang uri ng mga grupo. Ito umano ay hindi eksklusibo sa mga marginalized na sektor at bukas maging sa mga political organizations.


Sa ilalim ng 1987 Constitution, 20% ng kabuuang bilang ng representatives ay dapat partylist representatives.


📌 Mga isyu laban sa partylist groups


Ayon sa Kontra Daya, election watchdog, 70% ng mga partylist groups ay ginagamit lamang bilang backdoor para sa economic at politikal na interes.


Noong 2022, nasa 120 sa 177 partylist groups ang kwinestyon dahil sa koneksyon nila sa political clans and malalaking negosyante, malabong adbokasiya; at pending na kaso at criminal charges (kasama ang pork barrel scams). 


Marlon

Mar 22, 2023 03:21 am

test

Jerwin

Mar 22, 2023 02:08 pm

Kung sakali, mangyari na sa susunod na halalan ay mas inspeksyunan ang mga partylist ng sa ganon ay mas makakasigurado sa kung anong hangad nito o tulong na ibibigay nito sa isang larangan.

Reynaldo

Mar 22, 2023 02:34 pm

Sa pagbuo ng partylist system, ay mas kailangang mas busisiin ng mabuti kung ano talaga ang layon nito, kung ito nga ba ay para sa nga mamamaynag Pilipino o oara lamang sa oansarili nilang interes.

Anna Patricia

Mar 22, 2023 10:24 pm

Sa aking palagay ay kahit hindi na buwagin ang party list mas higpitan at salain muna ang mga tatakbong partido at dapat na makasiguro muna na ito ay makakabuti sa ating bansa o isa lamang silang palamuti sa balota.

KRISTA MAE

Mar 24, 2023 01:21 pm

Dapat busisiin o salain munang mabuti ang bawat partylist.

Page 1 of 17.6


eboto.ph