💬 Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa isang forum na panahon na upang paikliin ang taon ng pagkuha ng college degree ng mga estudyante sa Pilipinas. Ayon kay Pascual, mas mainam na wala nang general education subjects pagdating ng kolehiyo. Sa halip, dapat magpokus na lamang ang mga estudyante sa major subjects at mga partikular na kasanayang kailangan sa workforce.
💬 Tinutulan naman ito ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND). Ayon sa kanila, hindi lang pagiging “employable” ang dapat tutukan ng mga unibersidad, kundi pati ang pagiging kritikal at malikhain ng mga estudyante. Iginiit nila na ang isang komprehensibong general education program ay nagsisilbing pundasyon upang magsuri at makapagbigay ng solusyon sa mga problema ng lipunan ang mga mag-aaral.
💬 Ayon din kay CHED Chairman Prospero de Vera, kailangan muna ng sapat na ebidensya, pag-aaral, at konsultasyon sa mga eskwelahan bago ikonsidera ang mungkahing ito. Dagdag niya, "In policy making, we should not just use general statements that we have because that is our personal thinking. It must be based on assessment."
🧐 Ka-eBoto, ano’ng say mo? React ❤️ kung ikaw ay sang-ayon at 😢 naman kung hindi!
ℹ️ References:
https://news.abs-cbn.com/news/08/30/22/panukalang-pag-alis-sa-gen-ed-subjects-sa-kolehiyo-tinutulan?fbclid=IwAR0yuUjf_tROBRsdmGXHuaB6E4036-_L7Jd5HtYzc9hdOTNbqOCxrIVKAbk
https://www.facebook.com/.../a.370779956.../7870136299726309
https://www.onenews.ph/articles/shortening-college-years-should-be-evidence-based-ched?fbclid=IwAR3AaCjFviP_phbLI0sLWbqG86NHZXFsLM6_V6Za2UnW5SgT3LIq-lnrS5I
Anne
Mar 24, 2023 05:15 pm
opo para makapagtrabaho na ang mga nakatapos ng pagaaral dahil mas nagmamahal na ang mga bilihin ngayon
Patrick
Mar 24, 2023 06:57 pm
oo dahil nasasayang ang ilang taon nila aa pag aaral sa halip na sila ay nag ttrabaho na
Aaron
Mar 25, 2023 12:00 am
Sang ayon ako at sana ay gumawa ng batas ang gobyerno na dapat ay babaan ang standard sa trabaho
Jerwin
Mar 25, 2023 02:36 am
❤, maraming natutulungan ang bagay na yan at mas maraming tao ang magkakatrabaho at mabigyan ng suporta ang kanilang pamilya at mas magiging advantage din ito sa ekonomiya ng bansa
Mary Ann
Mar 25, 2023 07:58 am
Sang ayon ako na mabawasan ng taon sa kolehiyo at ang pag aralan nalang ay ang mga major subjects.
Page 1 of 15.2