Gab Ramos | eBoto.PH volunteer, UP Diliman
DIGI-Know na may espesyal na araw ang para sa cultural diversity?
Kada May 21, sa pangunguna ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), sine-celebrate natin ang World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Development.
Sa araw na ito, pinapahalagahan natin ang iba't ibang kultura, tradisyon, wika at kaugalian sa buong mundo.
Malaking bagay ito dahil ayon sa UN, ang diyalogo sa pagitan ng iba't ibang kultura ay may mahalagang papel sa pag-abot ng kapayapaan at pangmatagalang pag-unlad.
Cultural exchange
Alam mo ba yung tinatawag na cultural exchange?
Sa madaling salita, ito ‘yung pagpapalitan ng iba’t ibang ideya, tradisyon, pagkain at iba pang aspeto ng kultura sa pagitan ng mga tao o grupo mula sa magkakaibang lugar.
Para itong pag-se-share ng kung anong meron tayo sa iba at ganoon din sila sa atin.
Isipin mo ‘yung Silk Road network na nagsimula noong 2nd century BC sa China. Hindi lang silk ang binebenta dito (kahit sobrang valuable nito!), dito rin nagpapalitan ng ideas at technologies na nag-revolutionize sa iba't ibang lipunan at kultura sa mundo.
Parang noong panahon na nakilala ng mga Europeans ang papermaking mula sa China dahil sa Silk Road, na-develop at umunlad ang paraan ng pag-record at pagpapakalat ng information.
O kaya dahil sa gunpowder na nakuha ng Europeans mula sa Arabian scholars sa pamamagitan ng kalakalan sa Silk Road, nag-improve ang weaponry at warfare.
May compass din na na-develop sa China na tumulong sa navigation at global trade.
Ito ang nararating ng cultural diversity at cultural exchange! Dahil sa effort para makipag-ugnayan, nagkaroon tayo ng mas makulay na human experience.
Pinoy pride at modern times
Hanggang ngayon, ramdam pa rin natin ang impact ng cultural exchange. Recently, ang Jollibee Chickenjoy kinilala bilang “Best Chain Fried Chicken in America” noong 2022.
Wow, ‘di ba? Filipino cuisine going global!
Hindi lang basta pagkain ang Jollibee, simbolo rin ito ng cultural identity at tradisyon ng mga Pilipino. ‘Yung success ng Jollibee, nagpapakita kung paano nagiging global phenomenon ang iba't ibang culinary traditions sa iba’t ibang dako ng mundo.
Imagine, bawat kagat mo ng crispy chicken, parang nadadala ka sa cultural experience ng Pilipinas.
Sports at kultura
Higit pa sa kalakal at kaalaman ang cultural exchange. Kaya nitong pagdugtungin ang mga tao kahit sa gitna ng digmaan.
Katulad ng “Christmas Truce” noong World War I, ‘di ba? Sa gitna ng laban, pansamantalang itinigil ng mga sundalo ang labanan para mag-celebrate ng Christmas.
Nangyari ang Christmas Truce noong World War I, sa Pasko ng 1914.
Pansamantalang huminto ang labanan sa Western Front, partikular sa Belgium at France, nang lumabas ang mga sundalo mula sa magkabilang panig, mga Germans, British, French, at nagkita sa no man's land.
Nagpalitan sila ng mga regalo tulad ng pagkain, sigarilyo at alak. Nagkaroon din ng kantahan ng Christmas carols at paglalaro ng football (soccer) sa ilang lugar.
Ang ganitong pangyayari ay nagpapakita ng kapangyarihan ng cultural exchange.
Sa kabila ng hidwaan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga sundalo na makilala ang isa’t isa at magbahagi ng kani-kanilang mga tradisyon.
Ipinapakita nito na ang mga karaniwang tao, sa likod ng mga uniporme at armas, ay may kakayahang magpakita ng pagkakaintindihan at pagkakaibigan.
World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Development
Ang World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Development ay paalala na dapat pahalagahan ang cultural differences.
Subukan mo lumabas sa comfort zone mo at mag-explore ng iba't ibang kultura.
Pwede kang magluto ng bagong recipe mula sa ibang bansa, like try mo ‘yung Filipino spices para magaya ang Jollibee taste.
Matuto ka ng ilang phrases ng ibang lengguwahe para magbukas ng komunikasyon o kaya ay manood ng pelikula na naka-set sa ibang cultural context.
Bawat step patungo sa pag-unawa, nagpapalakas ng bonds na nagko-connect sa atin bilang isang global community!
Dianne Chelsie
Jun 03, 2024 09:49 pm
Isinasabuhay ko ang intercultural understanding sa aking pang-araw araw na buhay sa pamamagitan ng pagiging bukas sa pakikipag-ugnayan at pakikisamalamuha sa mga taong may iba't ibang kultura. Bilang isang guro, araw-araw kong nakakasama ang aking mga studyante, at nakikita at nalalaman ko ang kanilang mga kultura, tradisyon at paniniwala na nagiging daan upang mas mapalawak ang kaalaman ko tungkol rito. Di lang ito basta pang-unawa kundi maging pagtanggap at pagrespeto na din sa ating pagkakaiba-iba. Nagreresearch din ako at umaattens sa mga events na nagsho-showcase ng iba't ibang kultura ng ating bansa. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ako ng mas malalim na kaalaman at koneksyon sa iba't ibang tao mula sa iba't ibang kultura.
Luisa Mae
Jun 03, 2024 05:18 pm
Sa aking pang-araw-araw na buhay, isinasabuhay ko ang intercultural understanding sa pamamagitan ng pag-attend sa mga cultural events at festivals. Sa pamamagitan ng pagsali at pagtangkilik sa mga ganitong pagdiriwang, natututo ako at nakikisalamuha sa iba't ibang kultura. Ito ay isang paraan para magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at respeto sa mga kaibahan at pagkakaisa ng mga iba't ibang cultural groups.
Maria
Jun 03, 2024 06:51 pm
Pag adapt sa kultura nng pakikisalamuha sa iba ang paraan na pagkaroon ng value at respeto
Edward
Jun 03, 2024 06:56 pm
Makikipag salamuha at pakikisama sa Bawat pilipino at ibat ibang kultura.
Maricel
Jun 06, 2024 12:50 am
makakatulong ang pakikipag ugnayan natin sakanila araw-araw
Page 1 of 8