Sa kabila ng mga pagtutol ng mga concerned groups, experts at mga mambabatas, pasado na noong March 20 sa third and final reading sa Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7. Layunin nitong baguhin ang 60-40 foreign ownership restriction ng 1987 Constitution.
Kapag natuloy ang charter change (o cha-cha, ang proseso ng pagbabago sa Konstitusyon), pwede nang magmay-ari ang mga foreigners ng 100% share sa ilang mga negosyo sa bansa.
Ngayon, balikan natin ang drama, tensyon at pasikut-sikot ng cha-cha push sa ilalim ng administrasyong Marcos mula 2022 hanggang 2024!
#Throwback: Cha-cha sa panahon ni Marcos Jr.
November 16, 2022
Muling binuhay ni Constitutional Amendments Committee Chair Rep. Rufus Rodriguez ang pag-push na amyendahan ang 1987 Constitution para sa economic at political reforms.
Nauna nang iminungkahi ni Rodriguez ang isang constituent assembly (con-ass) noong 2019 para sa constitutional amendment.
December 13, 2022
Anim na buwan matapos umupo sa puwesto si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ibinunyag ng Makabayan bloc na balak ng House of Representatives na ituloy ang cha-cha sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinsan ni Marcos.
Sabi ng Makabayan, may nakatakdang hearings para talakayin ang House Bill No. 4926 para sa isang constitutional convention (con-con) pagdating ng December 2023.
January 26, 2023
Sinimulan ng House Committee on Constitutional Amendments ang mga hearings at public consultations para sa charter change sa 19th Congress.
February 20, 2023
Pagkatapos ng pitong public consultations, inaprubahan ng House ang panukala para sa isang constitutional convention.
March 1, 2023
Sinimulan ng Kamara ang mga hearings sa pagpapatupad ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 para sa isang Constitutional Convention (con-con) para amyendahan ang 1987 Constitution.
Ipinanukala nina Rep. Rodriguez at Speaker Romualdez ang House Bill 7352.
Nakasaad naman sa RBH No. 6 na bawat delegate para sa con-con ay makakatanggap ng P10,000 daily allowance para sa convention mula November 21, 2023 hanggang June 30, 2024.
March 6, 2023
Inadopt ng Kongreso ang RBH No. 6 sa isang 301-6-1 (yes-no-abstain) vote.
April 4, 2023
Inilarawan ng isang Pulse Asia survey na 41% lamang ng mga Pilipino ang pabor sa cha-cha habang 45% ang kontra dito. May 44% naman ang nagsabing kaunti lang ang alam nila tungkol sa Constitution.
September 28, 2023
Matapos mawalan ng momentum sa nakaraang mga buwan, muling nanawagan si Romualdez na amyendahan ang mga economic provisions ng Konstitusyon.
December 2023
Ipinahayag ni Romualdez na itutuloy ulit ng mga mambabatas ang cha-cha sa 2024. Sinabi naman ni Pres. Marcos na pinag-aaralan na ng administrasyon ang mga proposed amendments sa Cha-cha.
January 8, 2024
Sa unang linggo pa lang ng 2024, lumitaw na ang mga corruption at bribery allegations hinggil sa isang People’s Initiative (PI) campaign para sa charter change.
Na-alarma ang ilang miyembro ng Kamara matapos mapag-alamang may ilang mayors na namimigay ng P100 para pumirma sa PI petition para sa cha-cha, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.
January 9, 2024
Nag-viral ang “EDSA-Pwera” ad, isang pro-charter change (cha-cha) advertisement. Base sa pag-aaral ng eBoto.PH, puno ito ng disinformation.
Kinumpirma ng law firm na kumakatawan sa People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA), isang pro-Charter change group, na sangkot sila sa pag-air ng ad. Itinanggi naman ng grupo na pinondohan sila ng gobyerno.
January 15, 2024
Sa gitna ng mga bribery allegations sa Kamara, inatasan ni Marcos ang Senado na manguna sa pag-review ng Konstitusyon.
Tinanggap naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang direktiba na manguna sa mga usapin sa Cha-cha.
January 23, 2024
Sa isang manifesto na pinirmahan ng lahat ng 24 na senador, ni-reject ng Senado ang pagtatangka ng House of Representatives na baguhin ang charter sa pamamagitan ng people's initiative campaign.
Itinanggi naman ni Romualdez na sangkot siya sa bribery para sa PI.
January 29, 2024
Ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na ititigil na ng ahensya ang pagtanggap ng mga PI signature sheets. Ayon sa poll body, pagaaralan nito ang mga alituntunin para sa proseso ng people's initiative.
February 6, 2024
Sinimulan ng Senado ang mga hearings para sa Cha-cha proposals, matapos ilantad ang pamamahagi ng “ayuda” kapalit ng mga signatures para sa PI.
February 19, 2024
Inihain ng mga lider ng Kamara ang RBH No. 7, na layuning amyendahan ang ilang specific economic provisions ng 1987 Constitution.
February 28, 2024
Binaliktad ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang posisyon tungkol sa pagdaraos ng plebiscite para sa Charter change kasabay ng 2025 elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, maaaring isabay ang plebiscite sa 2025 midterm elections, sa kabila ng posibilidad na magkakaroon ng “mas mahabang balota.”
March 5, 2024
Sa gitna mga talakayan para sa RBH No. 7, tinutulan ng Department of Education (DepEd) ang charter change resolutions na nagpapahintulot ng 100% foreign ownership ng mga paaralan sa Pilipinas.
March 7, 2024
The House Committee of the Whole approves Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 on its first reading.
Inaprubahan ng House Committee of the Whole ang RBH No. 7 sa first reading nito.
March 13, 2024
Inaprubahan ng Kamara ang RBH No. 7 sa second reading nito.
March 20, 2024
Inaprubahan ng Kamara ang RBH No. 7 sa third and final reading nito sa isang 288-8-2 (yes-no-abstain) vote.
What’s next sa usaping Cha-cha?
Ngayong pasado na sa third and final reading ang RBH no. 7, ano na ang next steps para sa pag-push ng Cha-cha, for better or for worse para sa future ng Pilipinas?
Mag-agree muna kayo!
Dapat munang ma-finalize ng Kamara at Senado, na may magkaibang versions ng Cha-cha proposals, kung paano sila boboto sa amendments - magkasama ba o hiwalay?
Plebiscite kasabay ng 2025 elections?
Kailangang mag-decide ang administrasyon kung itutuloy ba ang sabayang plebiscite at halalan sa 2025.
Ang plebisito (o plebiscite in english) ay isang klase ng botohan na ang mga mamamayan mismo magde-decide para sa isang partikular na isyu o panukalang batas.
Information drive
Importante ang pag-spread ng information sa publiko tungkol sa mga pagbabago para informed tayo. Ano’ng sense ng Plebiscite kung ‘di gets ng mga botante kung ano ang pinagbobotohan nila?
Rose Joy
Mar 27, 2024 12:42 pm
mas mahalaga paring may protection at incentives ang mga Filipino owner ng mga business
Maria
Mar 27, 2024 07:39 pm
Priority pa rin sa sariling bansa sa business dahil dapat tangkilikin ang mga produktong Pinoy
Dominador
Mar 27, 2024 07:51 pm
hindi ako pabor sa cha cha. baka makawawa ang pilipinong negosyante.
Rose
Mar 28, 2024 05:05 am
Dapat ay una nating tinatangkilik ay ang ating mga produkto dahil mga kapwa din nating pilipino ang malulugi kapag ganon ang nangyari
JOSETTE
Mar 28, 2024 01:42 pm
Dapat pinoy muna ang unahin para mapalago pa ang mga businesses natin.
Page 1 of 8.6