DIGI-Know na noong March 20, pasado na sa third and final reading ng House of Representatives ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na nagtatakda ng pagbabago sa ating Konstitusyon?
Kapag nagtuloy-tuloy ‘to, mare-relax ang mga limitations ng Konstitusyon sa pagpapapasok ng mga dayuhang investors sa Pilipinas!
‘Di lang yan! Kapag mababago ng administrasyong Marcos ang 1987 Constitution, ito ang magiging unang beses na mababago ang pinakamakapangyarihang batas ng bansa sa loob ng 37 years!
Kaya mag-throwback muna tayo sa mga nakaraang pagtatangka para sa Charter change (Cha-Cha) sa Pilipinas para amyendahan o i-revise ang ilang provisions ng 1987 Constitution!
Ratification ng 1987 Constitution
1987: Ang kasalukuyang Philippine Constitution ay na-ratify o naging batas sa ilalim ng administrasyon ni President Corazon Aquino.
Na-ratify ang 1987 Constitution pagkatapos ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay former President Ferdinand Marcos Sr.
Ramos Administration
1997: Sa ilalim ng administrasyon ni ex-President Fidel Ramos, isinulong ang Charter Change sa pamamagitan ng People's Initiative.
Paano na-push?: Noong 1997, isinulong ang People’s Initiative sa pangunguna ng People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA).
Itinaguyod ‘to ni Jose Almonte, ang national security adviser ni Ramos noon, para magtayo ng parliamentary system of government at amyendahan ang Article 7, Section 4 ng 1987 Constitution na nagbabawal sa re-election ng isang nakaupong presidente.
Gamit ang signature campaign na umabot sa 11.5 milyong pirma, ipinasa ‘to sa Supreme Court para sa desisyon.
👎Bakit nag-fail ang Cha-cha ng administrasyong Ramos?
Ayon kay retired Supreme Court Justice Adolfo Azcuna, tinanggihan ‘to ng Korte dahil ang hinihinging pagbabago ay isang revision at ‘di lang basta amendment, na lampas sa kapangyarihan ng People's Initiative.
Sa ilalim ng Ramos administration, ‘di nagtagumpay ang Charter Change dahil dito.
Estrada Administration
1999-2000: In-entertain ni former President Joseph Estrada ang ideya ng Charter change, partikular sa pagbuo ng isang parliamentary form of government.
Paano isinulong: Sa panahon ni Pangulong Estrada, tinangka niyang baguhin ang Konstitusyon sa kabila ng pagiging kritiko niya sa Cha-Cha noong panahon ni President Ramos.
Itinatag ni President Estrada ang Constitutional Correction for Development (Concord) para alisin ang mga restriksyon sa foreign ownership ng mga negosyo sa bansa.
Kahit na hindi naging tiyak kung paano ito isusulong, may mga haka-haka noon na magkakaroon daw ng Constituent Assembly (Con-Ass).
Batay ang mga haka-hakang ‘to sa mga pahayag ni President Estrada na ang mga lawmakers ng bansa ay may mandato mula sa taumbayan para ma-improve ang Konstitusyon.
👎Bakit nag-fail ang Cha-cha ng administrasyong Estrada?
Hindi nakakuha ng sapat na momentum ang Cha-cha sa ilalim ni President Estrada dahil sa impeachment niya noong 2000 sa mga kasong perjury, plunder at iba pa.
Arroyo Administration
2005-2006: Mayroong mga Cha-cha attempts sa ilalim ng termino ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo sa iba’t ibang paraan, tulad ng Constituent Assembly, Constitutional Convention at People's Initiative.
Binuo noong panahon ni President Arroyo ang Consultative Commission to Propose the Revision of 1987 Constitution para planuhin ang mga panukala para sa federalism at liberalisasyon ng ekonomiya.
Ngunit sa huli, isang amendment lang ang itinulak ni President Arroyo - ang pagpapalit sa presidential-bicameral system patungong parliamentary-unicameral system.
👎Bakit nag fail ang Cha-cha ng administrasyong Arroyo?
Idineklara ng Supreme Court na unconstitutional, o labag sa Konstitusyon, ang People's Initiative ni Arroyo noong 2006.
Hindi rin ito nagtagumpay dahil sa kawalan ng suporta mula sa Korte Suprema, Kongreso, at iba't ibang sektor ng lipunan.
Noong 2008, nagtangka ulit ang administrasyong Arroyo na isulong ang Cha-cha sa pamamagitan ng constituent assembly, pero nabigo rin ito dahil sa malawakang protesta at legal challenges.
Aquino Administration
Hindi pabor si President Benigno Aquino III sa Charter Change, mas pinili niyang mag-focus sa kanyang "Daang Matuwid" na plataporma.
Walang significant Cha-Cha attempts na naganap sa termino ni Aquino.
Duterte Administration
2016-2022: Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ninais niyang baguhin ang buong 1987 Constitution para magbigay daan sa isang Federal form ng gobyerno.
Kasama sa mga panukala ang limitadong proteksyon sa free speech at posibleng pagbuwag sa Office of the Vice President, Office of the Ombudsman, at Judicial and Bar Council.
Nais rin gawin ni Duterte na isang fiscally-autonomous constitutional commission ang Commission on Human Rights (CHR).
👎Bakit nag fail ang Cha-cha ng administrasyong Arroyo?
Sa kalagitnaan ng administrasyon ni Duterte, nagkaroon ng COVID-19 pandemic. Naiba tuloy ang priority ng administrasyon ni Duterte!
Marcos Administration
2023-Present: Noong March 19, 2024, inaprubahan ng Philippine House Committee on Constitutional Amendments sa third and final reading ang "Resolution of Both Houses No. 7" o ang tinatawag na “economic charter change,” para baguhin ang ilang economic provisions sa 1987 Constitution ng Pilipinas.
Luluwagan ng RBH No. 7 ang 40% limit sa foreign ownership para sa mga public utilities, edukasyon, at advertising firms.
Samantala, ang "Resolution of Both Houses No. 6" ng senado nakabinbin pa rin sa Philippine Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
👎 Magiging failure rin kaya ang Cha-cha ng Administrasyong Marcos?
Malalaman natin sa mga susunod na buwan! Kasalukuyang in progress ang charter change attempt na ‘to.
Noong March 31, 2024, binatikos ng ilang legislators ang isang Pulse Asia survey na nagsasabing 88% ng mga Pilipino ang ‘di pabor sa kasalukuyang Charter change attempt.
Sabi ng House leaders na sina Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez and Majority Leader Manuel Jose Dalipe, “biased and leading” daw ang survey questions.
PALAISIPAN: Kung tama ang survey ‘di pala pabor ang majority ng mga mamamayan sa Cha-cha, bakit nagmamatigas ang ilang mambabatas na i-push ito?
Sources:
https://www.rappler.com/newsbreak/193825-past-attempts-charter-change-philippines-failed/
https://thediplomat.com/2021/02/a-brief-history-of-charter-change-attempts-in-the-philippines/
Luisa Mae
Apr 13, 2024 10:16 am
Wag na yan
Maria
Apr 08, 2024 07:03 pm
Pwede naman ang Chacha basta support lang ng Pinoy
Edward
Apr 08, 2024 10:37 pm
Dpende , kung pabor lng sana ang mga pilipino siguro Hindi mag fail
Marilyn
Apr 11, 2024 12:35 pm
oo wag na itong ipilit dahil papalpak ito
Luisa Mae
Apr 13, 2024 09:16 am
Wag na ituloy,marami pang mas dapat bigyan tuon
Page 1 of 7.6