CENSORSHIP O HINDI

August 12, 2022



🧐 CENSORSHIP O HINDI? 

 

Ipinatatanggal ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang ilang libro sa mga paaralan at silid-aklatan dahil sa pagiging "subersibo" at "kontra-gobyerno" ng mga ito, kaugnay ng Section 9 ng Anti-Terrorism Law na tungkol sa pag-uudyok ng terorismo.

 

Bilang tugon, sinabi ng mga manunulat ng mga nasabing libro na “isang uri ng karahasan ang pigilang maipakita ang iba’t ibang danas ng mga Pilipino at isang uri ng terorismo ang magtakda kung ano lamang ang maaaring isulat at paano isulat ang mga ito.”

 

Ang utos na ito ng KWF ay “isang porma ng censorship na nagsusuko ng akademikong kalayaan sa mga anti-intelektuwal at tiwaling puwersa ng kasinungalingan at paninikil,” ayon naman sa Departamento ng Humanidades ng University of the Philippines Los Baños (UPLB).

Hinggil naman sa paratang kay KWF Chief Arthur Casanova na hinayaan niya ang pagpapalimbag ng mga “subersibong” materyales, sinabi niyang dumaan ang mga ito sa proseso ng pagsusuri ng KWF at ang akusasyong subersibo ang mga ito ay mapanganib at maaaring yumuyurak na sa malayang pamamahayag at akademikong kalayaan.

 

💬 Ano’ng masasabi mo, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section!

 

References:

https://www.cnnphilippines.com/news/2022/8/12/KWF-stops-distribution-of--subversive--books.html

https://www.facebook.com/reuel.aguila/posts/pfbid05vMy2rEyQAr5jxKcxgZs9ji6cubrVakkKPTyUvKpVyk4XzDjjVPL2nqKTpLnEzCvl

https://twitter.com/benok_castillo/status/1557642663213481984

https://twitter.com/rapplerdotcom/status/1557914996319092736/photo/


Anne

Mar 24, 2023 06:55 pm

hindi dapat ito tanggalin

Miguel Enrico

Mar 24, 2023 10:38 pm

hindi dapat maalis paano kung ito ay makakatulong para maiwasan o maaring makatulong para mas maging maayos ang pamamalakad dahil sa ibang pagaaklas

Jerwin

Mar 25, 2023 02:30 am

Huwag na dapat itong alisin

Anna Patricia

Mar 25, 2023 05:20 pm

Bakit kailangan ito tangalin kung ma kakatulong ito sa atin at sa ating bansa dapat na hindi ito matangal

Aaron

Mar 30, 2023 03:40 am

bakit ito tatangalin malaking tulong ito sa ating bansa ito ay makakatulong para maging bukas ang isipan ng mga kabataan sa mga nangyaring karahasan para ito ay maiwasan na sa kasalukuyang panahon meron namang ibang paraan pwede namang limitahan nalang pero sana ay wag nang tanggalin

Page 1 of 10


eboto.ph