BUDOL ‘YAN: PBBM, ipina-cancel raw ang isang Philippine Airlines flight para mailipad sya sa Switzerland?

January 18, 2023



  • Walang katotohanan ang isang post na nagsasabing ipinakansela ni PBBM ang isang PAL flight dahil ginamit nito ang eroplano papuntang Switzerland.

  • Ayon sa PAL, ang eroplanong ginamit ni Marcos kasama ang kanyang delegation ay iba sa eroplanong dapat na gagamitin para sa cancelled Manila-Vancouver flight.

  • Maaaring inakala ng netizen na nag-post sa social media tungkol dito na pareho ang flight sapagkat parehas na Boeing 777 ang modelo ng dalawang magkaibang eroplano.


(2-min. read) - Walang katotohanan ang kumalat na post ng isang netizen kung saan sinasabi nitong mayroon umanong ipinakanselang flight ng Philippine Airlines (PAL) noong Enero 15 si President Ferdinand Marcos, Jr. maipalipad ito at ng kanyang delegasyon papuntang Switzerland para sa World Economic Forum. 


Flight, na-cancel dahil kay Marcos?

Nitong Enero 15, lumipad si Marcos, kasama ang kanyang delegasyon, papuntang Davos, Switzerland para sa darating na World Economic Forum ngayong Enero 16-20. Sa araw rin na ito ay kumalat ang isang post sa social media na nagsasabing si Marcos daw ang dahilan ng pagpapakansela ng isang flight ng PAL na sa post ng netizen ay na-identify nito bilang “777 flight to Vancouver”.


“PAL had to cancel its 777 flight to Vancouver today because Junior commandeered it for his trip to Switzerland, then for the very first time in PAL's history — all the crew, including pilots, stewards and stewardesses were forced to sign Non-Disclosure Affidavits (NDA),” sabi ng netizen sa kanyang Facebook status.


Pahayag ng PAL

Sabi ni Cielo Villaluna, spokesperson ng PAL, noong Enero 13 pa kinansela ang B777 Manila-Vancouver flight ng PAL. Ito’y dalawang araw bago nakatakdang lumipad si Marcos pa-Davos. Dagdag niya, bagamat pareho ang modelo ng eroplano na ginamit ni Marcos at ng cancelled Manila-Vancouver flight, magkaiba ang registry number ng mga ito.


The Manila - Vancouver flight originally slated to depart Sunday, 15 January 2023 was cancelled last Friday, 13 January 2023 due to an aircraft situation (tech issue). Its assigned aircraft - B777 with registry RP-C7773 - is currently grounded for maintenance,” ani Villaluna. Dagdag niya, binigyan ng pagkakataon ang mga pasahero na magpatuloy sa kanilang biyahe sa pamamagitan ng replacement flight.


Maaaring inakala ng netizen na nag-post ng fake news na ipinakansela ni Marcos ang PAL flight sa kadahilanang parehong Boeing 777 ng PAL ang eroplanong ginamit, ngunit nilinaw ng PAL na magkaiba ang registry numbers ng dalawang eroplano.


Samantala, nasa Switzerland naman si Marcos, kasama ang delegasyon ng gobyerno kabilang ang aabot sa 7 business tycoons, upang dumalo sa winter session ng World Economic Forum sa Davos. Ang World Economic Forum ay isang international organization na nagpopromote ng public-private cooperation.


SOURCES:

[1] https://globalnation.inquirer.net/209707/marcos-flies-to-switzerland-for-davos-confab 

[2] https://www.facebook.com/cielo.villaluna.3/posts/890253472098685 

[3] https://news.abs-cbn.com/business/01/15/23/pal-denies-canada-flight-canceled-due-to-marcos-trip 

[4] https://www.philippineairlines.com/en/inflight-experience/airfleet/airfleet-plane-list/pal-operating-fleet/boeing-777-300er 

[5] https://business.inquirer.net/382597/7-ph-business-tycoons-join-marcos-jr-in-davos-for-2023-world-economic-forum 

[6] https://www.reuters.com/business/davos-2023-what-you-need-know-about-wef-monday-2023-01-16/ 

[7] https://www.weforum.org/events/world-economic-forum-annual-meeting-2023

Anne

Mar 24, 2023 09:46 pm

matalino po ang ating presidente hindi nya po gagawin yung mga ganon bagay, nga marites nga naman may nakita lang na ganon kung ano yung iniisip nila yun agad yung ichichika nila eh mali naman

Miguel Enrico

Mar 24, 2023 10:11 pm

alam din ng pangulo na ang oras ay mahalaga para sa isat isa kayat Hindi nya ito kayang gawin lalo na kung ito ay ika sisira nya

Patrick

Mar 24, 2023 10:15 pm

hindi nya gagawin ang bagay na yan kung ikaka sira nya

Mary Ann

Mar 25, 2023 08:53 am

Malinaw naman na nakasaan dahilan ay aircraft issue (tech problem). Ang hirap satin onting may nangyaring anumalya na pwedeng imasira ng kilalang personalidad at igigiit sakanya. Bakit naman gagawin yun ng ating Pangulo na makaalis lang siya hahayaan nh hindi makaalis ang iba. May tinatawag tayong coincidence guys, baka naman kase ganon lang ang nangyare. Alamin sana muna!

Virginia

Mar 25, 2023 11:01 am

Matalino ang pangulo ntin d nya ccrain ang pangalan nya

Page 1 of 12


eboto.ph