
Hindi food pills ang kinakain ng astronauts sa space, taliwas sa sinabi ni SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta.
Ang kinakain ng astronauts ay kadalasang puréed, powdered, canned, o di kaya’y freeze-dried upang ma-preserve at maipadala sa kanilang missions.
Hanggang sa ngayon, nananatiling science fiction ang paggamit sa food pills bilang pamalit sa totoong pagkain.
(2-min. read) - Hindi totoong food pills ang kinakain ng astronauts sa kanilang space missions, taliwas sa punto ni SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta sa isang talakayan kasama ang DOST. Sinabi ni Marcoleta na maaari raw gamitin ang food pills para maibsan ang gutom ng mga mahihirap.
Ano ba ang kinakain ng astronauts?
Kumakain ng totoong pagkain ang astronauts, ngunit iba ang porma ng kanilang pagkain dahil sa mga espesyal na konsiderasyon sa zero-gravity conditions kung saan sila namumuhay. Ayon sa website ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng US, nag-iiba ang preparasyon depende sa tipo ng pagkain. Ang ilan, maaaring makain sa kanilang natural porma, ang ilan ay kailangang i-hydrate o dehydrate. Sa isang video, ipinakita ng isang astronaut ng NASA kung paano sila kumakain sa kanilang missions.
Paliwanag ng Kennedy Space Center ng NASA, sa mga naunang space flights, ginagawang purée ang pagkain na dinadala sa labas ng planeta. Kinalaunan, naging freeze-dried o di kaya’y powdered ang meals ng astronauts.
Bukod pa rito, salungat rin sa pahayag ni Marcoleta, hindi posibleng mabuhay ang isang tao gamit lamang ang food replacement pills, ayon kay New York University professor Domingo Pinero. "The short answer is no, it can't be sustainable long-term. We know we can keep individuals on elemental diets as long as all the essential nutrients are supplied, which is very hard, but there are problems in the long run," sagot ni Pinero nang tanungin kung maaari bang mabuhay ang isang tao gamit ang food pills.
Ang food pills bilang pamalit sa pagkain ay hanggang sa ngayon nananatili lamang bilang isang aspeto ng science fiction, ayon kay BBC writer Matt Novak.
Food pills para sa mahihirap?
Disyembre 7, sa kalagitnaan ng confirmation hearing ng Commission on Appointments, nang tinalakay ni Marcoleta ang kaniyang suggestion kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum. Sa isang video, maririnig ang suggestion ni Marcoleta kay Solidum na kung sakali raw ay makaimbento ang ahensya ng food pills, maaari raw itong ipamahagi sa ating mahihirap na kababayan.
"I'm thinking aloud na kung sakali pong makaimbento tayo nung kinakain nila, ibibigay ko po sa mga mahihirap na kababayan natin. Even for months hindi sila kakain, hindi sila mamatay," ani Marcoleta.
Sa tingin ni Marcoleta, kapag nakakain ng food pill ang isang tao, pupwedeng kahit hanggang dalawang linggo itong hindi kakain. “Kung sakali lang, matulungan natin the poorest of our poor, naimbento po ninyo ‘yung pildoras (pill) or whatever… ‘pag ininom po ng mahirap, in two weeks lang… na hindi siya bumili ng pagkain, na hindi siya nagluto, malaking bagay na po,” sabi ng kongresista.
Ayon naman kay Solidum, wala pang nalilikhang food form na tulad ng food pills sa bansa. Ayon sa kanya, ang tanging pagkaing ipinapamahagi ng gobyerno na pangmaramihan ay pagkain tuwing disasters, ngunit ang shelf life lamang nito ay 6 months
SOURCES:
[1] https://www.youtube.com/watch?v=nrc5hz94Byo&t=6450s&ab_channel=CommissiononAppointments
[2] https://www.youtube.com/watch?v=hRHgROGjYq8&ab_channel=GMANews
[5] https://www.rmg.co.uk/stories/topics/what-do-astronauts-eat-space
[6] https://www.nasa.gov/audience/foreducators/stem-on-station/ditl_eating
[7] https://www.youtube.com/watch?v=E36F4XG5zcY&t=18s&ab_channel=WIRED
[9] https://www.kennedyspacecenter.com/blog/food-in-space
[11] https://www.bbc.com/future/article/20120221-food-pills-a-staple-of-sci-fi
Anne
Mar 24, 2023 09:50 pm
hindi totoo yan may mga pagkain ang astronauts na hndi kaaya ayang tignan o sabi ng iba ito raw ay hindi kaaya aya ang amoy, hindi po pills ang ang kinakain ng mga astronauts
Patrick
Mar 24, 2023 10:18 pm
hindi totoo yan hindi pills ang pagkain ng astronauts
Aaron
Mar 25, 2023 01:43 am
Bawat dalawang buwan, isang automated na spacecraft, tulad ng 'Automated Transfer Vehicle' ng European Space Agency o 'Progress' spacecraft ng Russian, ay dumadaong sa ISS na puno ng sariwang prutas, tubig at mga pre-packaged na pagkain. -ugaliin kumalap pa ng impormasyon para maka iwas sa fakenews ligtas ang may alam
ROSALY ANN
Mar 26, 2023 01:54 am
Basta may mailabas lang at masabing may ambag kung ano ano na talga ang ikinakalat huwag naman ganun
KRISTA MAE
Mar 26, 2023 12:54 pm
Hindi totoong pills ang pagkain ng astronauts jusko may masabing may ambag lang ano ano na inilalabas hahaha
Page 1 of 11.6