BUDOL ‘YAN: Ayon daw kay Ilocos Rep. Sandro Marcos, kung mahal ang red onions, white onions ang bilhin?

November 29, 2022



  • Edited ang isang quote card na nagpapakitang sinabi ni Ilocos Rep. Sandro Marcos na kung mahal ang red onions, white onions na lang ang bilhin.

  • Hindi rin mahahanap ang quote card sa SMNI social media accounts, kahit na logo umano nito ang nakalagay sa fake quote card.

  • Humingi ng paumanhin si LP Secretary-General Teddy Baguilat matapos nito i-share ang fake quote card sa Twitter na inakala niyang lehitimo.


(1.5-min. read) - Edited ang isang quote card na nagpapakita ng komento umano ni Ilocos Representative Sandro Marcos, anak ni President Bongbong Marcos, sa presyo ng red onions sa bansa. Pinabulaanan rin ito ni Marcos at binansagang ‘fake news’.


Ang quote card

Nagsimulang mag-viral sa social media ang fake quote card ni Marcos sa noong Nobyembre 26. Nakalagay sa quote card ang logo ng Sonshine Media Network International (SMNI) broadcast network at ang pahayag ni Marcos katabi ng kanyang larawan.


Why the big fuss about the prices of red onions? Common sense dictates that you use white onions when red onions are expensive and alternatively, you should use red onions when white onions are expensive. Simple problems need simple solutions." ayon kay Marcos sa card.


Sa isang instagram story, pinabulaanan ni Marcos ang nasabing quotation. “More fake news, never said this or gave any interview,” ani Marcos. “Try harder guys,” dagdag niya.


Kung sisilipin rin ang official social media accounts ng SMNI, ang network na involved ang logo sa fake quote card, walang makikitang anumang post na naglalaman ng nasabing pahayag ni Marcos. 


Sa katunayan, kawangis sa format at template ng quote card ang isang totoong pahayag ni Marcos na ipinost ng Inquirer noong October 11 kung saan sinabi nito na mahina ang Piso dahil malakas ang dolyar. Nagmimistulang edited ang format na ito para pagmukhaing lehitimong sinabi ni Marcos.


Baguilat, nabiktima ng fake news

Nabiktima rin si Liberal Party officer at 2022 Senatorial candidate Teddy Baguilat ng fake news matapos nitong i-post sa Twitter ang isang komento hinggil sa nasabing quote card. Ani Baguilat, na inakalang lehitimo ang balita, “In short, ang gusto nila sabihin, mag tiis kayo. Pag ganyan ang problem-solving skills ng leaders natin, kawawa tayo. Sana solusyonan kung bakit nahihirapan ang farmers kya nagmahal ang sibuyas.


Nang sitahin ito ni Marcos, humingi ito ng paumanhin. “Sorry I have to be more cautious sa fake news. I think the quote attributed to Cong. Sandro that I commented [on] is not true. I apologize. My bad,” sabi ng LP Secretary-General. “For us who fight misinformation should take the lead in verifying info we shared. I haven’t. Sorry po,dagdag niya.



SOURCES:

[1] https://www.facebook.com/RadyoPilipinasIligan/posts/516602877158464 

[2] https://mb.com.ph/2022/11/26/sandro-calls-out-red-onions-statement-as-fake-news/ 

[3] https://www.facebook.com/inquirerdotnet/posts/447866150857679 

[4] https://mb.com.ph/wp-content/uploads/2022/11/113998.jpeg 

[5] https://mb.com.ph/2022/11/26/sorry-po-baguilat-apologizes-after-sharing-fake-news-on-cong-marcos/ 

Anne

Mar 24, 2023 09:51 pm

tama medyo maliit ang presyo ng white onions kaya karamihan na ngayon ay white onions ang binibili

Patrick

Mar 24, 2023 10:19 pm

mababa ang presyo ng white onions kaya ang iba ay ito nlng ang binibili

Aaron

Mar 25, 2023 01:52 am

dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin ngayon mas pinipiling maging practical ng karamihan para mas maka tipid at gastusin nalang sa mga pangunahing pangangailangan

KRISTA MAE

Mar 25, 2023 04:23 pm

Tru, kaya mas pinipili na nila ngayon ang white onions.

Zoren

Mar 30, 2023 09:16 pm

Where people can save money, especially in today's difficult life. People will buy alternative products that are cheaper and taste almost the same. Let's go where we can save money!

Page 1 of 11.6


eboto.ph