Barangay, demokrasya, at pagboto
Sa kasaysayan, ang barangay, isang unit ng komunidad ng ating mga ninuno, ay halaw mula isang bangang pandagat - na tinatawag ring barangay - na nagdala sa kanila sa teritoryo ng Pilipinas.
Sa umpisa, ang barangay ay isang maliit na grupo ng mga pamilya at isa o higit pang pinuno. Matapos ang ilang daang taong pag-unlad ng social structure na ito, makikita na ang barangay ngayon bilang isang lokal na unit ng pamahalaan na may politikal na impluwensya sa kanilang komunidad.
Mahalagang makialam sa mga aktibidad ng barangay sapagkat obligasyon nito ang ilang mga praktikal na proyektong nakabubuti para sa pangaraw-araw na buhay at kabuhayan ng mamamayan.
Kabilang sa mga proyektong ito ay ang health at social services, sanitation, pag-hatol ng katarungan sa mga lokal na alitan, maintenance ng public works at mga kalsada, edukasyong pang-lokal, at iba pa.
Ibig sabihin nito, importanteng gamitin ng ng bawat Pilipino ang suffrage, o karapatang bumoto, dahil ang demokratikong kapangyarihan ng publiko ang magpapasya sa ating ikabubuti at sa ikabubuti ng ating mga komunidad.
SK at ang tungkulin ng kabataan sa pulitika
Ang Sangguniang Kabataan (SK) naman ay isang konseho sa bawat barangay na layuning maging representasyon ng kabataan sa lokal na komunidad. Binibigyan rin nito ng pagkakataong mamuno ang kabataan sa kani-kanilang mga lokal na gobyerno at palahukin ang kanilang sektor sa demokratikong pagpapasya.
Malayo na ang narating ng SK, ang politikal na kalayaan ng SK, at ang mandato nito. Ang SK ay nagsimula noong panahon ng diktador na si Ferdinand Marcos, Sr. Bilang “Kabataang Barangay” (KB), isang organisasyon na ibinenta ng diktadurang Marcos sa mga kabataan bilang alternatibo sa mga militanteng grupong kabataan na lumaban sa mga abuso ng batas militar sa panahong iyon.
Sa pamamagitan ng KB, hinumog ng rehimeng Marcos ang mga kabataan sa kani-kaniyang lokalidad ayon sa “guiding philosophies of the New Society,” at bilang depensa nito laban sa pag-aaklas ng mga kabataan laban sa diktadura.
Napasakamay rin ng pamilyang Marcos ang liderato ng Kabataang Barangay nang italaga si Imee Marcos ng kaniyang ama bilang National Chairperson nito, tulad ng makikita sa isang archival footage mula sa isang pagtitipon ng KB noong 1977.
Sa kasalukuyan, ilang dekada matapos ang diktadurang Marcos, isa nang ganap at lehitimong unit ng mga lokal na pamahalaan ang SK.
anthony
Oct 26, 2023 12:43 pm
OO pinaka importante sumali o makilahok sa mga activity sa barangay na ito
Aaron
Oct 28, 2023 01:58 am
mahalaga ang partisipasyon ko bilang mamamayan ng aking barangay dahil malaking bagay ito sa lahat para mailuklok natin ang taong satingin natin ay makaka tulong sa ating barangay
Roselyn
Oct 29, 2023 03:38 pm
dahil kabaranggay mo mga tao staka Lugar mudin iyon inaalala molang ang pag usbong nang iyong baranggay
John mike
Oct 29, 2023 07:31 pm
Oo dahil ka baranggay mo ang mga humahabol dapat ang iboto yung matutulogan tayo at Hinde yung puro porma lang
Rozell
Oct 29, 2023 08:45 pm
may karapatan kang makielam dahil kasama ka sa mga sinasakop at dapat lang na iboto ang mga karapatdapat
Page 1 of 13