Ayuda para sa crisis situation, ibabalik na ng DSWD!

January 11, 2023



Inaasahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy na ang pagproseso at pagpapalabas ng cash aid sa ilalim ng program na ito. Ito ay pansamantalang itinigil noong Disyembre para sa financial audit ng ahensya.

Sa mga susunod na araw, pwede nang makatanggap ng ayuda mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang sinuman basta nahaharap sa maituturing na crisis situation. Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, “Ito ay pang-edukasyon, medikal, pamasahe kung gusto mong bumalik sa iyong probinsya, pagpapalibing, at kahit mga pambili ng kagamitan o pagkain kung walang-wala ka na.”

Narito ang ilan sa requirements na maaaring hingin:
  • Dokumento ng iyong pagkakakilanlan
  • Mga dokumentong sumusuporta sa basehan ng claim (hal. medical abstract at referral para sa dialysis o kontrata sa punerarya kung namatayan pero wala pang death certificate) 
  • Kung nasunugan o binaha ang mga dokumento, pwede ang referral mula sa barangay o LGU na nagpapatunay na ikaw ay biktima ng kalamidad

Dagdag ni Asec. Lopez, “Maaari po kayong tumanggap ng P10,000 na cash assistance, P3,000 hanggang P10,000. Pero 'yung ating mga guarantee letters na ibinibigay doon sa ating pampalibing o sa ospital, maaari naman po 'yan umabot ng hanggang P250,000.” Paalala rin niya na ang pagkuha ng ayuda ay may limitasyon kagaya ng isang beses sa isang taon na pag-claim ng pera para sa education assistance at pamasahe sa pagbalik sa probinsya.

Noong 2022, umabot sa apat na milyong Pilipino ang nagclaim ng AICS. Bukod sa programang ito, nangako rin ang DSWD na lalo pa nilang palalakasin ang iba pa nilang mga programa kagaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Social Pension Program, feeding programs, at Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services ngayong 2023.

References: 

Jerwin

Mar 22, 2023 03:53 pm

Marapat lang na ibalik, mas mabuti kung huwag ng alisin ang ayuda for crisis situation upang mas matulungan ang mga nangangailangan.

Anne

Mar 24, 2023 07:04 pm

tama lang na ibalik nila ang pagbibigay ayuda for crisis situation para matulungan nila ang mga naapektuhan nito

Patrick

Mar 25, 2023 06:55 am

dapat lamang na ibalik ang ayuda, dahil madami ang mga kinakapos sa pangangailangan

Mary Ann

Mar 25, 2023 07:52 am

Dapat lang na ito ay maibalik dahil malaking tulong ito kapag may krisis na nangyari.

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 11:45 am

mabuting maibalik pero dapat sa mga taong nangangailangan lang para masuportahan sa kanilang pamumuhay at pagsasakripisyo para sa bansa

Page 1 of 14.6


eboto.ph