![](https://api.eboto.ph/proxy/uploaded-files/2023_02_22_16_19_13___underage_1677054209533.jpg)
Warning! ⚠️
Alam mo bang isinusulong ngayon sa Kamara ang pagmumulta at pagpataw ng parusa sa mga magbebenta ng alak sa menor de edad? 🍺
Sa inihaing panukalang batas na House Bill 6976 ni Rep. Reynan Arrogancia (Quezon, 3rd District), bukod sa bawal na pagbebenta ng alak sa menor de edad, ipagbabawal din ang mga sumusunod:
✅pagkonsumo ng nakakalasing na inumin ng mga menor de edad o “underage alcohol consumption”,
✅pagbebenta ng alcohol ng menor de edad, at
✅misrepresentasyon bilang isang taong nasa legal na edad
Samantala, aabot ng Php 10,000 hanggang Php 50,000 ang multa para rito. Bukod pa ito sa community service o rehabilitative counselling para sa mga lalabag.
Ayon kay Rep. Arrogancia, mahalaga ang panukalang batas na ito upang maiwasan ang pagkakalulong ng kabataan sa alak o alcholol, at sa iba pang bisyo. Makakaapekto rin ang “underage alcohol drinking” sa pag-develop ng utak ng bata, kasama na rin ang risky behavior. Natuklasan din na maraming Pinoy ang binge drinker, na nagreresulta sa domestic violence, rape at physical abuse.
Noong 2013, nag-akda na rin ng “Anti-Underage Drinking Act” si Rep. Angelina Tan ng 4th District ng Quezon. Bukod sa pagbabawal sa pag-inom ng alcoholic beverages, ipinagbabawal rin nito ang mga menor-de-edad na pumasok sa beer houses, videoke bars, at night clubs.
Samantala, noong 2022, inihain rin nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap ang House Bill 1753 na naglalayong magkaroon ng minimium legal drinking age sa Pilipinas.
Ang pag-inom ng alcohol ay nagdudulot ng tinatayang 2.5 milyong pagkamatay bawat taon – malaking bahagi nito ay nangyayari sa mga kabataan.
Ano’ng masasabi mo rito, ka-eBoto? Sang-ayon ka ba sa panukalang batas na ito?
Mary Ann
Mar 22, 2023 11:12 am
Sang ayon po, para mabawasan narin ang hindi magandang epekto nito sa mga kataan tulad ng early pregnancy, aksidente at kung ano ano pa na dulot ng pagkalasing.
Anna Patricia
Mar 22, 2023 11:58 am
Sang ayon po ako na i sulong ang batas na ipag bawal ang pag bebenta ng alak sa mga menor de edad dahil ma kakatulong ito upang maiwasan ang pag dami ng na giging alcohol adik at maiwasan ang maagang pag kakasakit o ano mang komplikasyon sa katawan ng isang kabataan.
Jerwin
Mar 22, 2023 01:21 pm
Yes, sang ayon ako sa panukalang ito, dahil ito ay naglalayon kung anong makabubuti sa bawat tao lalo na sa mga kabataan ngayon. Sana walang iresponsableng tao ba magbenta ng alcohol beverages sa mga menor de edad, nawa'y sila ay sumunod sa mga panuto at batas ng bansa
Reynaldo
Mar 22, 2023 02:15 pm
Sa aking opinyon, hindi rin lang sana para sa mga kabataan ang pagkondena ng pamahalaan sa pagsulong ng anti alcohol drinking, sana ay ipatupad din ito pati na rin sa iba, ito ay upang makabawas din sa mga suliranin ng ating bansa.
Michael
Mar 22, 2023 06:41 pm
sang ayon ako upang sa ganon ay matutukan ng mga mag aaral ang kanilang pag aaral ... Ang lahat ay may tamang panahon
Page 1 of 20.8