Hot topic ngayon ang planong pagtatayo ng karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas. Ano nga ba ang say ng ilang eksperto at mamamayan ukol dito?
SUMUSUPORTA SA EDCA:
- Mapapalakas pa ang ating kakayahan ipagtanggol ang mga kapwa Pilipino - Dahil sa joint patrols kasama ng US na mangyayari sa ilalim ng EDCA, mas mababantayan ang mga Pilipino, lalo na ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.
- Makakatanggap tayo ng mga makabagong military equipment at infrastructure - Magkakaroon ng access sa mga makabagong military equipment mula sa US ang Pilipinas sa tulong ng EDCA.
- Maaaring mabawasan ang mga kaso ng harassment sa ating mga kababayan - Maaaring magdalawang-isip ang ibang bansa na guluhin ang ating mga kababayang naiipit ng kaguluhan sa West Philippine Sea.
- Maaaring mabalanse ang tension sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa West Philippine Sea - Maaari nitong mapantayan ang mga military facilities na pinatayo ng Tsina sa mga isla ng bansa, tulad ng sa Spratlys group of islands.
- Susuportahan ng EDCA ang paglago ng ekonomiya at pagkakaroon ng trabaho para sa mga Pilipino - Ang $82 million infrastructure investments ng US para sa pagpapatayo ng panibagong sites sa ilalim ng EDCA ay maaaring makapagbigay ng trabaho sa mga kalapit na komunidad.
TUMUTUTOL SA EDCA
- May posibilidad na mas maipit tayo sa gulo ng US at China, partikular na sa isyu ng Taiwan - Kung mas lalalim pa ang relasyon ng US at Pilipinas dahil sa EDCA, maaaring madamay ang Pilipinas sa posibleng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng US at China.
- Walang kasiguruhan na tutulong ang US kung maipit sa kaguluhan ang Pilipinas - Nakadepende pa rin sa kongreso ng US kung ano ang kanilang magiging tugon kapag tumindi pa ang tensyon sa West Philippine Sea
- Maaaring maging hamon sa pagkakaroon ng soberanya o kalayaan ng Pilipinas - Ayon sa ilang grupo, papalakasin lamang ng EDCA ang impluwensiya ng US sa Pilipinas.
- Maaaring nitong palalain pa ang tensyon sa West Philippine Sea - Mariin ang pagtutol ng China sa hakbang na ito ng US kaya’t may posibilidad na mas magpakita ng pwersa ang China bilang tugon sa EDCA
- Maaaring maramdaman sa ating ekonomiya ang pagtutol ng China sa EDCA - China ang second-largest trading partner ng Pilipinas pagdating sa imports ($34.5 billion) at exports ($12.9 billion). Maaari itong maapektuhan kung tututol ang China sa lumalawig na presensya ng US sa bansa.
References:
https://www.philstar.com/headlines/2023/02/03/2242198/protesters-call-edca-junking
https://ph.usembassy.gov/united-states-philippines-announce-four-new-edca-sites/
Anne
Mar 24, 2023 05:12 pm
sang ayon po ako sa kung ano man ang kanilang gagawin sa ating bansa
Patrick
Mar 24, 2023 10:00 pm
sang ayon ako dahil sa tingin ko ay makakatulong ito sa ating bansa
Miguel Enrico
Mar 25, 2023 08:35 am
okay din ang planong iyon sang ayon po ako kasi makakatulong sya at sana hindi ito maging mitsa sa pagsimula ng gulo ng tsina
KRISTA MAE
Mar 26, 2023 02:27 pm
Sang ayon naman ako kung magiging maganda ba ito sa ating bansa
Mary Ann
Mar 27, 2023 11:12 pm
Sumasang ayon po ako sa mga ganitong batas sapagkat kung ito ay maraming benepisyo upang mapagayos ang sistema ng batas ay talagang magandang halimbawa ito.
Page 1 of 15.8