Anong pwedeng gawin ng gobyerno laban sa ‘data breach’?

October 13, 2023



Kamakailan, ang Philippine Statistics Authority (PSA) at PhilHealth ay naging biktima ng mga cyber attack.

Imagine mo, dahil may nakakuha ng data mo, biglang may random na taong aware na sa complete name mo, contact number mo, pati na kung saan ka nakatira at kung anong pangalan ng mga mahal mo sa buhay. Nakakatakot, no?

Pero ano nga ba ang data breach? Paano tayo naaapektuhan nito, at ano ang pwedeng gawin ng gobyerno laban dito?


🔒 Data ng mga Pilipino, na-kompromiso?
Kinumpirma ng PSA nitong October 12, 2023 na nagkaroon ng ‘data breach’ sa system nito. Ang PSA ay isang government agency na namamahala sa pag-collect ng statistics nating mga citizens. 


Sa mga data na kinolekta ng PSA mula sa atin, partikular na naapektuhan ng data breach ang Community-Based Monitoring System (CBMS) – isang system na ginagamit ng mga Local Government Units (LGU) para sa kanilang data collection.

Ayon sa PSA, hindi apektado ang Philippine Identification System at Civil Registration System. Patuloy pa ang investigation upang malaman kung gaano nga ba karaming impormasyon ang naapektuhan ng data breach.

Bago ito, inatake naman ng ransomware ang PhilHealth. Ang ransomware ay isang mas matinding uri ng cyber attack kung saan ang data ay hinostage ng mga hacker hanggang sa magbayad ang biktima. Ang atake sa PhilHealth ay mas komplikado dahil sa posibilidad na may international syndicate na sangkot at ang mga datos na nawala ay posibleng hindi na maibabalik.

🏴‍☠️ Ano ba ang DATA BREACH? Paano ka maaapektuhan nito?
Ang 'data breach' ay isang insidente kung saan ang mga sensitibong, protektado, o pribadong data at information ay na-expose, nawala, o ninakaw mula database.


Imagine mo, biglang may random na taong nakakuha ng complete name mo, contact number mo, pati na kung saan ka nakatira at kung anong pangalan ng mga mahal mo sa buhay. Nakakatakot, no?

Dahil dito, maaari rin tayong maging biktima ng iba't ibang uri ng scam o fraud, lalo na kung makukuha ng mga text scammers ang mobile numbers natin.

🖥️ Anong pwedeng gawin ng gobyerno laban dito?
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga datos ng mamamayan, kailangan ng masusing pag-aaral at pagpaplano ng gobyerno.

Una, maaaring magkaroon ng mas malakas na encryption system sa lahat ng online na transaksyon at databases. Para hindi basta-bastang manakaw ang data!

Pangalawa, pwedeng gawing modern ang cybersecurity infrastructure sa bansa, tulad pagpapalakas ng firewall. Catch up naman tayo sa modern tech, no?

Pangatlo, dapat magkaroon ng regular na pag-audit at pag-inspect sa mga database upang tiyakin na walang mga vulnerabilities. Parang sinisigurado mong naka-lock pa rin ang data na iniingatan mo!

Pang-apat, pwedeng magkaroon ng masusing training para sa lahat ng empleyado ng gobyerno patungkol sa cyber security upang maiwasan ang mga pagkakamali sa loob ng sistema. Para maiwasan ang human error!

Riza

Oct 14, 2023 07:45 am

Tama dapat nang mas higpitan ng gobyerno ang kanilang systema at tayo ay nasa modern world na din naman kung sabihin ng iba kaya handa tayo sa mga hakbangin nila basta ay gawin din nila ang parte nila at ingatan ang ating mga personal data.

Shejane

Oct 17, 2023 08:25 pm

maging praktikal na dahil kinakailangan na natin mag doble ingat

Emanuel

Oct 19, 2023 10:36 pm

Dapat mas maging aware tayo lalo na sa pagbibigay o pagbabahagi natin ng mga personal na impormasyon natin

Jasper Carl

Oct 20, 2023 11:32 pm

Dapat tlaga mahigpit ang gov

Jerlyn

Oct 27, 2023 02:15 pm

Dapat paghigpitan Ang magiging election ngayung2023

Page 1 of 13.4


eboto.ph