Ano nga ba ang trabaho ni Kap at ng SK officers?

October 25, 2023



Sa ilalim ng Local Government Code of the Philippines, ang Punong Barangay at SK officers (Chairperson, Secretary, at Treasurer) ay may mga kapangyarihan at responsibilidad na gawin ang mga sumusunod:


Punong Barangay:

  • Ipatupad ang batas at mga lokal na ordinansa

  • Magpatupad ng peace and order sa barangay

  • Mag-appoint ng mga barangay officials

  • Mag-handle ng mga emergencies sa security at kalamidad

  • Mag-approve ng budget at pamamahagi ng pondo ng barangay

  • Kontrolin ang polusyon at pangalagaan ang kapaligirian ng barangay

  • Pangunahan ang pag-aayos ng di-pagkakaunawaan sa lokalidad

  • I-monitor ang activities ng Sangguniang Kabataan (SK)

  • Siguraduhing tuloy-tuloy ang basic services tulad ng tubig at kuryente

  • Mag-organize ng annual na palarong pambarangay

  • Itaguyod ang welfare at kapakanan ng mga residente ng barangay

  • At iba pang responsibilidad tulad ng pangunguna sa meeting ng Barangay Council, mangalaga sa mga kontrata at pag-aayos ng mga di-pagkakaunawaan sa Katarungang Pambarangay


SK Chairman:

  • Magpatawag SK at youth meetings

  • Magpatupad ng barangay policies

  • Mag-appoint ng SK Secretary at Treasurer mula sa members nito

  • Manguna sa SK projects tulad ng livelihood, cutlure and sports, disaster response, at iba pa


SK Secretary:

  • Namamahala sa records ng SK tulad ng minutes at iba pang documents

  • Naghahanda ng forms para sa mga registration referendum, at plebisito

  • Iba pang tungkulin ayon sa direktiba ng SK Chairperson


SK Treasurer:

  • Pangalagaan ang pondo at kagamitan ng SK

  • Mangolekta ng monetary o material contributions sa SK

  • Mamahagi ng pondo ng SK at mag-prepare ng budget

  • Mag-submit sa audit ng SK at ng Sangguniang Barangay

  • Iba pang tungkulin ayon sa direktiba ng SK Chairperson

Rociel

Oct 26, 2023 01:27 am

Mas maganda Ang gawin nlang proyekto ay jod fair at livelihood progman para maiwas Ang mga kabataan sa mga bisyo magfufucos cla sa work at kung Hindi man ay magkakaroon cla Ng hanapbuhay na pwede nlang pagkakitaan

anthony

Oct 26, 2023 12:42 pm

mas pinakamaganda ang mga gawain ito para sa ating mga kabataan katulad nalang ng mga sports activities

Rpie

Oct 28, 2023 05:48 pm

madaming nagagawa ang sk tulad ng liggo ng kabataan mga activities para sa mga bata upsng Hindi sila tumakot bumoses

Karl Mateo

Apr 13, 2024 10:31 pm

Maraming kabataan ngayon ang naghahanap ng trabaho. Hindi matanggap sa trabaho dahil hindi equipped ng mga skills kaya dapat magprovide ng training seminar ang mga SK.

Riza

Oct 26, 2023 07:23 pm

Para sa akin disaster response and preparedness dahil sa barangay namin ang responde ng barangay tuwing may bagyo, noong pandemic, at lindol man ay walang kibo o tulong na ibinibigay. Kaya sana mapag-igting ito lalo na at nasa kabundukan kami at malayo ang hospital sa lugar namin.

Page 1 of 15.2


eboto.ph