Lagpas P13.5 trillion na ang utang ng Pilipinas.
Ang tanong, dapat ba natin itong ikaalarma? O hindi dahil hindi naman natin mararamdaman ang epekto nito?
Sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas, sinasabi ng mga ekspertong MAS MAGHIHIRAP ANG MGA MAHIHIRAP sa lumolobong utang ng bansa.
Paano? Ito ang dahilan.
Una, dapat nating tandaan na ang presyo ng mga bilihin ay patuloy pang tumataas. Nagtala tayo ng 8.1% na inflation rate nitong nakaraang taon. Malayong malayo na ito sa 4% na target ng administrasyon.
Ano ang direktang epekto ng inflation sa’yo? Mas konti na ang mabibili ng pera mo ngayon kumpara sa dati.
Ngayon, para mabayaran ng Pilipinas ang utang nito, kukuha ang gobyerno ng pera mula sa sariling budget nito.
Ang problema, sapat pa ba ang budget natin para may ma ipambayad sa ating utang? Ang malungkot na sagot, HINDI NATIN SIGURADO.
Inaasahan ng mga ekonomista na sa mga darating na taon, magpapataw ng mga panibagong buwis ang gobyerno para makapaglikom ng pondo pambayad sa utang ng bansa.
Sino ba ang mas makakaramdam ng dagdag-buwis sa Pilipinas?
Mas ramdam ng mga mahihirap ang epekto ng karagdagang buwis kaysa sa mga nakakaangat sa buhay. Kaya sa sitwasyong ito, mas pamahal ng pamahal ang mga bilihin habang padagdag rin ng padagdag ang mga buwis na kinokolekta ng pamahalaan sa mga tao.
Kahit halos pagpantayin pa ang mga buwis na babayaran nating lahat, mas mabigat sa mga mahirap ang epekto nito.
May epekto ba ang utang ng bansa sa mga libreng pagamot, pag-aaral, pabahay, imprastraktura, at iba pang serbisyo ng gobyerno?
May posibleng maging epekto ang lumolobong utang ng bansa sa mga pampublikong serbisyo natin.
Ang mga mahihirap, lumalapit sa mga pampublikong ospital para sa libreng pagamot at sa pampublikong eskwelahan para sa libreng pag-aaral. Ang mga kalsada at imprastruktura natin na naghahatid ng pag-unlad at trabaho para sa lahat ay nakadepende rin sa pamahalaan.
Ang mga pondo nila para sa mga serbisyong ‘yan ay nanggagaling lahat sa budget ng gobyerno. Habang lumolobo ang utang natin, mas tumataas ang interes na kakailanganin nating bayaran.
Kaya para makapagbayad tayo ng utang natin, may posibilidad na madamay ang mga serbisyo ng gobyerno na sinasandalan ng mga nangangailangan sa bansa.
Ang bigat, ‘di ba?
Kaya sabi ng mga eksperto, dapat ay maging transparent ang pamahalaan kung saan mapupunta ang mga inuutang natin. Saan ang mga ito gagastusin? Anong mga paglalaanan ng perang ito?
Dapat nating pag-usapan ang mga bagay na ito dahil sa dulo’t dulo, mula rin sa perang pinaghirapan at pinagpawisan natin ang ipambabayad sa mga inuutang ng gobyerno.
Hindi man direkta, pero sa sariling bulsa rin natin manggagaling ang perang gagamitin ng mga taong niluklok natin sa pwesto.
📌 Ano ang national debt?
Ang “national debt” o “government debt” ay ang kabuuang halagang hiniram ng pamahalaan mula sa lokal at internasyonal na ahensya at institusyon. Ginagamit ito madalas upang matustusan ang iba’t ibang proyekto ng gobyerno o para matugunan ang pangangailangan ng publiko sa panahon ng kagipitan o sakuna.
Sa kabila ng paghina ng piso kontra dolyar na palitan, patuloy pa rin ang paghiram ng Pilipinas mula sa foreign leaders sa pamamagitan ng bond offering.
📌 Magkano ang bagong utang ng Pilipinas?
Kamakailan lamang, nanghiram ng panibagong $3 billion o Php 164 billion mula sa pagkakabenta ng triple-tranche dollar-denominated bonds ang administrasyong Marcos. Ito ang pangalawang pagsisikap na makalikom ng pondo ng Pilipinas sa offshore debt market.
Ang pamahalaan ay nakalikom ng $500 milyon para sa 5.5-taong tranche, $1.25 bilyon para sa 10.5-taong tranche, at $1.25 bilyon para sa 25-taong ESG o environmental, social at governance bond.
Sinabi ng Bureau of Treasury na nilalayon ng gobyerno na gamitin ang mga nalikom ng 5.5-taon at 10.5 na taon na bonds para sa "pangkalahatang layunin ng Republika, kabilang ang suporta sa budget.
Sa kabila ng pangungutan ng bansa, ano-ano nga ba ang maaaring masama at mabuting dulot nito sa mga simpleng mamamayang Pilipino? Alamin sa post na ito.
References:
- https://www.thebalancemoney.com/what-is-the-public-debt-3306294
- https://www.facebook.com/116724526976/posts/10161529199766977/
- https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/856873/marcos-admin-raises-3b-from-us-dollar-denominated-bond-offer/story/
- https://www.facebook.com/watch/?v=448147976645900
- https://www.facebook.com/watch/?v=4147221841968217
- https://www.treasury.gov.ph/wp-content/uploads/2023/01/NG-Debt_Nov22_web.pdf
Anne
Mar 24, 2023 07:03 pm
mababaon sa utang ang pilipinas at posibleng madamay ang mga trabahador dahil posibleng bumaba ang kanilang sahod at sa taas ng bilihin ngayon ay baka wala na silang makain
Mary Ann
Mar 27, 2023 11:25 pm
May posibilidad na bumaba ng bumaba ang pagtingin ng ibang bansa sa ating bansa dahil sa mga record na puro utang at hirap lang ang napupuntahan ng sistema natin.
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 11:43 am
sure na mas ikahihirap nating mga pilipino ang issue nato kung hindi pa natutunan ng pansin ang issue nayun. dapat lang maalarma para magawan ng paraan kahit paunti unti. una sa pagpapaunlad ng bansa at pag maunlad saka nanatin babayaran lahat ng utang
Aaron
Apr 01, 2023 11:26 am
maaring maapektuhan ang ating mga trabahador at ang ating mga public school at mga public hospital at pag laki ng babayaran nating buwis
Emanuel
Apr 04, 2023 11:35 pm
Maaring bumagsak ang ekonomiya at ang ating bansa ay ikakahirap nito ng lubusan maraming maaapektuhan pagbaon ng utang ng bansa natin
Page 1 of 13.4