Ang bilis ng panahon, no? Parang dati lang, naka-envelope lang ang mga P1,000-bills na ibinibigay ng mga kandidato kapalit ng boto.
Sa papalapit na Barangay and SK Elections ngayong October 30, mayroon nang iba't ibang paraan ang mga kandidato para makabili ng boto - tulad na lamang ng paggamit ng e-wallets.
📱 Teka muna! Ano ba ang 'digital vote-buying'?
Ito 'yung pagbibigay o pagkukumbinsi gamit ang pera o kung anu-ano para iboto mo ang isang kandidato sa eleksyon. Ipinagbabawal ito sa ilalim ng Section 261 ng Omnibus Election Code. Pero ngayon, meron nang digital vote-buying!
Ang mga e-wallets ay nagbibigay daan para sa mas madali at mabilis na pag-transfer ng pera, sa kasamaang palad, kabilang na ang perang ginagamit sa vote-buying. Sa pamamagitan ng e-wallets, ang isang tao ay maaaring magpadala ng pera sa isa pang tao gamit lamang ang kanyang cellphone number.
Throwback: NO BASIS: Vote buying sa GCash through phone collection, totoo raw sabi ni Norberto Gonzales?
💰 Paano gumagana ang digital vote buying?
Posibleng bago pa man ang eleksyon, may mga kandidato o supporters na bumibili ng listahan ng cellphone numbers ng mga botante - o tinatawag na database. Ginagamit ‘to para mas madali silang maka-contact ng mga tao sa isang specific na barangay.
‘Pag malapit na ang eleksyon, pwedeng bigla ka na lang makakatanggap ng pera sa e-wallet mo. Tapos, maaaring humingi rin sila ng picture ng balota para siguruhin na binoto mo nga ang kandidato nila.
Ang tricky dito, dahil digital, mabilis at mahirap ma-trace! Mas mahirap ma-detect kumpara sa old-school na vote-buying. Tapos, mahirap rin ma-trace ang transactions dahil sa mga privacy features ng apps. Nagbabala tungkol dito ang PNP noong 2022 National and Local Elections.
📩 Anong ginagawa ng gobyerno at e-wallet operators laban dito?
Kamakailan, nagbabala ang COMELEC na maaring gamitin ng mga kandidato ang e-wallet apps para sa vote-buying ngayong BSKE. Ayon sa COMELEC, may mga botante na binayaran umano ng P100 hanggang P2,000 kapalit ng kanilang boto.
Dahil dito, pinapayuhan ng COMELEC ang e-wallet companies na magkaroon ng mas mahigpit na monitoring ng malalaking transactions sa kanilang apps, lalo na sa mga araw na papalapit sa eleksyon.
Dahil dito, ang e-wallet operator na GCash ay nagbigay ng suporta sa ‘Kontra-Bigay’, ang anti-vote-buying campaign ng COMELEC. Ayon rin sa GCash, hihigpitan nito ang user verification sa app upang malimitahan ang mga unverified accounts na nagpapadala ng malalaking halaga.
Rozell
Oct 30, 2023 12:10 pm
dapat nilang bantayan ang mga nangangampanya at sa mga humahabol naman maging patas kayo 'wag mandaya sa eleksyon
Roselyn
Oct 30, 2023 12:13 pm
bantayan Ang mga nangangampnya para maging patas ang boto ng mga tao, wag mandaya sa pag boboto
Riza
Oct 30, 2023 01:17 pm
Hanggad ko ang isang matagumpay na BSK elections at kung sino man ang manalo ay sana umunlad tayo bilang isang komunidad. At ang mga nandaya naman ay bahala na talaga ang karma sa inyo.
anthony
Oct 30, 2023 02:22 pm
dapat nilang mabantayan ang mga nangangampanya upang maiiwasan ang vote buying sa pilipinas dapat maging patas tayo at saka sundin ang mga rules and regulations o guidelines
Aaron
Oct 30, 2023 08:04 pm
tama sana ay walang mangyaring vote buying at para sa mga ibang tao ay wag po natin ipag palit ang maliit na halaga para sa kinabukasan ng ating komunidad
Page 1 of 17.6