Gaano kahanda ang Pilipinas sakaling tumama ang “The Big One” earthquake sa bansa?
Muling lumutang ang ukol sa Senate Resolution No. 67 na inihain noon ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na para aniya sa paghahanda sakaling may tumamang kalamidad sa bansa, kasunod ng pagtama ng magnitude 6.8 earthquake sa Turkey at Syria, kung saan marami ang nasawi.
Ito ay naglalayong mahimok ang national at local government units (LGUs) na magsagawa ng agarang pag-audit at pagrepaso sa mga kasalukuyang gusali at istruktura sa ilalim ng kani-kanilang jurisdiction.
Kamakailan lamang, ginisa ni Sen. Revilla ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nahuling hindi handa sa pagsumite ng status ng infrastrucure audit. Bukod kay Sen. Revilla, kasama rin sina Sen. Tulfo, Dela Rosa, Tolentino, at Pimentel sa nasabing hearing.
National Building Code, dapat nang i-update?
Napag-usapan rin ang ukol sa National Building Code na nasa 50 taon na ang tanda at maaaring hindi na akma sa kasalukyang panahon.
Ayon sa scientists, ang pagkasira ng mga imprastraktura sa Turkey ay pangunahing sanhi ng mababang kalidad ng konstruksyon.
DPWH, kwinestyon
Kinwestyon ang aksyon ng DPWH at mga building officials ng LGUs sa mga imprastrakturang napatunayang hindi sumusunod sa standard ng National Building Code of the Philippines.
Binalaan din ang ahensya dahil sangkot sila sa paggamit ng mga substandard na materyales sa ilang mga proyektong pang-imprastraktura sa Baguio City na nagresulta sa mga kaso laban sa kanila.
Jerwin
Mar 22, 2023 02:13 pm
Dapat ito ay pagtuunan ng pansin ng gobyerno lalo na ito ay hindi isang birong sakuna na walang kasiguraduhan kung kailan mangyayari, marapat na pagtuunan ito ng panahon para maihanda at tulungan ang mga tao at bigyan ng kaalaman kung ano ang kanilang gagawin kung sakaling mangyari na ang sakuna na THE BIG ONE. Marahil ito talaga ay nakakatakot , bagkus tayo dapat ay magkaisa upang mailigtas ang ating mga sarili sa kapahamakan.
Reynaldo
Mar 22, 2023 02:37 pm
Sa aking plaagay ay hindi pa ganoon kahanda ang ating bansa para sa tinatawag nilang "the big one", sapgkat kung handa man ang ating mamamayang Pilipino sa kung anong gagawin nila kapag ito ay kasalukuyang nangyari. Ang tanong gaano ba kahanda ang ating pamahalaan sa pagrescue at pagbibigay ng tulong para sa mga luhang naapektuhan nito.
KRISTA MAE
Mar 24, 2023 01:23 pm
Hindi pa ganon kahanda ang ating bansa sa sakuna na tinatawag nilang the big one.
Patrick
Mar 24, 2023 04:56 pm
hindi pa handa ang bansa sa The Big One
Anne
Mar 24, 2023 05:09 pm
hindi pa handa ang ibang mamamayan sa the big one
Page 1 of 17.4