Ayon sa isang 1978 Washington Post article, ang speedboat na ito ay ibinigay ni Imelda Marcos kay Charles sa tulong ng kaibigan ng mga Marcos na si Eduardo Marcelo, ang dating CEO ng Manila Bay Enterprises.
Sa isang imahe ng Getty Images, makikitang nakasakay si dating Prince Charles, na ngayon ay ang bagong Hari ng United Kingdom, sa isang speedboat na nakapangalang ‘Imelda’ noong pagbisita niya sa Isle of Scilly.
Ito ay iniregalo ni Imelda Marcos noong siya ay First Lady ngunit walang mahanap na eksaktong petsa o larawan ng pagbibigay ni Imelda ng speedboat kay King Charles III.
(1.5-min. read) - Sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II, viral ngayon sa social media ang pagreregalo umano ni dating First Lady Imelda Marcos ng isang speedboat kay dating Prince Charles, ang bagong Hari ng United Kingdom. Ito ay makatotohanan.
Ang ‘Imelda’ speedboat ni King Charles III
Ayon sa isang 1978 Washington Post article, ang speedboat na ito ay ibinigay sa tulong ng kaibigan ng mga Marcos na si Eduardo Marcelo, ang dating CEO ng Manila Bay Enterprises, na mayroong boat building firm noong panahon ni Marcos Sr.
Sa isang lumang imahe ni King Charles III, nakasakay ito sa isang speedboat na may pangalang ‘Imelda’ noong siya ay bumisita sa Isle of Scilly noong 1982. Ayon din sa caption ng larawan sa Getty Images, ito ay iniregalo ni Former First Lady Imelda Marcos noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Ang pagpanaw ni Queen Elizabeth II
Pumanaw si Queen Elizabeth II noong Setyembre 8 sa kanyang Scottish estate sa edad na 96. Siya ang longest reigning monarch sa United Kingdom na nakaupo sa kanyang puwesto nang 70 na taon. Ang kanyang anak na si Charles ang kasunod sa line of succession ng Royal Family sa edad na 73. Opisyal siyang pinangalanan siyang King Charles III.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si President Bongbong Marcos at ang kanyang pamilya sa pagpanaw ng reyna. Binisita ni Marcos, Jr. at ng kanyang pamilya si British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils para lagdaan ang condolence book para kay Queen Elizabeth II.
Ariel
Sep 06, 2024 09:21 pm
Kung totoo man ito, hindi imposible sapagkat hindi lingid sa taong bayan ang mga yaman at tagong yaman ng pamilya Marcos.
Anne
Mar 24, 2023 10:01 pm
wag nyo na pong pakelaman yung mga bagay na yan tagal na nyan eh kung binigyan nya man pera naman nya ginamit😁
Patrick
Mar 24, 2023 10:36 pm
anong pake nyo 😂
Aaron
Mar 25, 2023 03:05 am
halatang gusto lang manira ng tao nyan kahit sobrang tagal na ng issue binabalik parin
Jerwin
Mar 25, 2023 08:35 am
Hayaan na iyan, kahit ano pang binigay wala na tayong magagawa
Page 1 of 8.6