
ANG HATOL: NO BASIS
Sa isang interview sa kaniya ng CNN noong April 18, 2022, inilantad ni presidential aspirant Norberto Gonzales ang sinasabi nitong “vote buying” umano sa ilang mga campaign rally. Sabi nito, kinokolekta raw ang mga cellphone ng mga lumalahok at kapag naibalik sa kanila ay may pera na sa kanilang GCash account. Ito ay walang batayan. Walang opisyal na ebidensyang isiniwalat ni Gonzales upang mapatotohanan ito. Salungat din sa pahayag ni Gonzales, hindi kailangang kolektahin ang mga cellphone upang magsagawa ng GCash transaction.
Vote buying sa eleksyon? Gonzales, walang patunay
Iginiit ni Gonzales sa isang panayam sa kaniya[1] ng The Source ng CNN na mayroong nagaganap na dayaan ngayong halalan sa pamamagitan ng vote buying o ilegal na pamamahagi ng pera kapalit ng boto. “I know for a fact there will be cheating in the next elections," sabi nito. Nang matanong kung ano ang kaniyang pruweba, sabi ni Gonzales, “You will say I have proof? Ask every governor...as friend, they will tell you, may pera na kami, nakahanda na kami dyan.”[1][2]
Bagamat wala itong kandidatong pinaparatangan, ang pahayag na ito ay kaugnay ng diskusyon nya hinggil sa di-umanong 90% o 73 mula sa 81 na gobernador sa bansa na sinusuportahan si presidential aspirant Bongbong Marcos. Sabi ni Gonzales, “So what will he say on what these people will do during election time… 90% of the governors. So do you mean that what… you know, the practice of vote buying, they will have ballots. Nakalista doon there’s the president, there’s the vice (president), there’s the senators… wholesale ang bilihan, kung minsan.”[1][3]
Walang ibinigay si Gonzales na patunay hinggil sa paratang na ito. As of April 17, wala ring katotohanan ang inilabas ng kampo ni Marcos na 73 mula sa 81 na gobernador ay ineendorso sya. Basahin ang Pak Check ng e-Boto hinggil dito: https://tinyurl.com/90govendorsements
Gonzales: dayaan sa halalan, GCash ang pamamaraan
Nang mapunta sa isyu ng digital vote buying, nagbabala si Gonzales na ginagamit umano ang GCash upang magbenta ng boto - hindi online, ngunit sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga cellphone sa campaign rallies. “Do you know that in some rallies, I will no longer name (candidates) ‘no, cellphones are being collected. Returned after the rally, meron nang GCash na nakalagay doon sa cellphone,” sabi nito.[1][3]
Wala ring ebidensya na ibinahagi si Gonzales upang mapatunayan ito. Dagdag pa rito, ayon sa step-by-step instructions ng official GCash website ay online ang cash transfer transactions sa mobile app nito.[4] Nangangahulugan ito na hindi kailangang kolektahin ang cellphone ng isang user upang magkaroon ng palitan ng pera, taliwas sa pahayag ni Gonzales.
Noong Marso 2022 ay naglabas ng pahayag ang GCash na paiigtingin nito ang security measures upang malabanan ang digital vote buying. Gagawin daw nitong mas istrikto ang verification process ng users “to enhance traceability of transactions within the GCash platform,” ika ni GCash President at CEO Martha Sazon.[5]
Ang pagbili ng boto ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas, ayon sa Artikulo 22 ng Omnibus Election Code, maging ito man ay sa porma ng cash handouts o digital transactions.[6]
SOURCES
[1] https://www.facebook.com/CNNPhilippines/videos/3186484114947638/ (from 22:34)
[2] https://www.cnnphilippines.com/news/2022/4/18/Gonzales-poll-cheating-vote-buying-Marcos-victory.html
[4] https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360017722873-How-do-I-Send-Money-to-another-GCash-account
[5] https://business.inquirer.net/343158/gcash-adopts-stricter-kyc-process-to-beat-vote-buying
[6] https://comelec.gov.ph/index.html?r=References/RelatedLaws/OmnibusElectionCode/OECArt22
Aaron
Mar 30, 2023 06:54 pm
ang hatol ay no basis pero sana tayo ay wag maging gahaman sa pera dahil kinabukasan at kaunlaran ng atin bansa ang apektado sa ating pag boto kaya sana ay wag natin ipag palit ng kinabukasan ng atin bansa para sa pan sariling kapakanan
KRISTA MAE
Apr 01, 2023 02:17 pm
maraming issue na ganito e, yung boto binibili ng pera HAHAHA! Wag naman sana nting ugaliin yung ganon dahil ito ay para sa ating kinabukasan at kinabukasan ng ating bansa.
Jade
May 28, 2023 10:31 pm
Hindi naman natin maiiwasan ang mga ganitong pangyayari sa panahon ng Eleksyon pero sana ay wag naman natin ibenta ang ating Boto sa maliit na halaga. Dahil kinabukasan natin at ng ating Bansa ang nakasalalay dito
Carlo
Jun 03, 2023 07:00 pm
ang ganitong panguayari ay hindii maiiwasan pero sana maging honest kung ano ang gustong iboto yun sana
Naitan
Jul 01, 2023 10:03 pm
kung totoo man to ay nakakalungkot na balita ngunit hindi naman natin sila masisisi dahil sa kahirapan ay nagagawa nilang ibenta ang kanilang boto at sana ay higpitan pa ng COMELEC ang pag papatupad ng mga batas tuwing eleksyon para maiwasan natin ang vote buying at pandaraya
Page 1 of 9.2