NO BASIS: Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista, naghiwalay na raw?

September 06, 2022



  • Kumalat ang mga social media posts na nagsasabing naghiwalay na ang socialite at influencer na si Heart Evangelista at ang asawa nitong si Senator Chiz Escudero.
  • Sa isang vlog, inihayag ni Heart Evangelista na may pinagdadaanan itong personal na problema sa kaniyang buhay. Hindi nito binanggit si Escudero sa vlog.
  • Wala ring batayan ang sinasabing dahilan ng hiwalayan na nakabuntis daw ng iba si Senator Escudero.

(1.5-min. read) - Walang batayan ang mga kumalat na social media posts na nagsasabing naghiwalay na si Senator Chiz Escudero at ang asawa nitong socialite at influencer na si Heart Evangelista. As of September 5, wala pang panayam mula sa mag-asawa na kinukumpirma o itinatanggi ang balitang ito.

“Personal Struggles” ni Heart

Sa isang vlog, inihayag ni Heart Evangelista na may pinagdadaanan itong personal na problema sa kaniyang buhay. “I’m not going to lie — I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind,” ani Evangelista. 

I feel a lot of pressure in my life, and basically now, I’m really in a search [of] just being happy,” dagdag niya. Samantala, naging usap-usapan rin ng mga netizens ang palaisipan hinggil sa relasyon nina Evangelista at Escudero, matapos tanggalin ni Evangelista ang apelyido ni Senator Chiz sa kaniyang Instagram account, ngunit “wife” pa rin ang introduction nito sa kaniyang sarili sa Instagram bio. Hindi na rin umano nito sinuot ang kaniyang wedding ring sa isang Instagram post.

Gayunpaman, walang ibinahagi si Evangelista na dahilan ng kaniyang personal na problema. Hindi rin nabanggit ang pangalan ng kaniyang asawa sa vlog.

Chiz, Nakabuntis?

Kasabay ng usap-usapang hiwalayan ng mag-asawa, ibinunyag umano nina Ogie Diaz at Mama Loi sa isang vlog na kaya nagkahiwalayan ang dalawa ay dahil nakabuntis umano si Escudero. Inamin naman ni Diaz na ‘kailangang ma-verify” kung totoo nga ba ang bali-balita. Samantala, hindi naman naniwala ang showbiz commentator na si Cristy Fermin na hiwalay na ang dalawa. "Wife pa rin siya ni Chiz," ani Fermin.

Matatandaang nag-propose ang Senador kay Evangelista noong 2014 sa Sorsogon. Matapos nito, ikinasal ang dalawa sa Balesin noong 2015.


SOURCES:

[1] https://youtu.be/h6rRJZ2hObM?t=159 

[2] https://entertainment.inquirer.net/463026/heart-evangelista-admits-shes-in-search-of-happiness-been-going-through-personal-struggles 

[3] https://www.instagram.com/iamhearte/?hl=en 

[4] https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/167699/heart-evangelista-chiz-escudero-tampuhan-a4118-20220809?ref=article_also_read 

[5] https://mb.com.ph/2022/09/03/heart-evangelista-opens-up-on-struggles-im-not-gonna-lie/ 

[6] https://entertainment.inquirer.net/463026/heart-evangelista-admits-shes-in-search-of-happiness-been-going-through-personal-struggles 

[7] https://youtu.be/vNltsDa2q98 

[8] https://kami.com.ph/entertainment/celebrities/146340-ogie-diaz-sa-tsismis-tungkol-sa-umanoy-hiwalayang-heart-chiz-kailangan-ma-verify/ 

[9] https://kami.com.ph/entertainment/gossip/145901-cristy-fermin-sa-nababalitang-hiwalayan-nina-chiz-heart-wife-pa-rin-siya-ni-chiz/ 

[10] https://www.youtube.com/watch?v=ZpF6ddXr3rE&ab_channel=GMANews 

[11] https://news.abs-cbn.com/entertainment/08/24/14/how-chiz-proposed-heart 

[12] https://www.rappler.com/entertainment/84002-photos-heart-evangelista-chiz-escudero-balesin-wedding-2015/

Anne

Mar 24, 2023 10:13 pm

labas na tayo don guys, balita ko rin mag kaibigan na lang daw? HAHAHAHHAAHHAHAHAHA

Jerwin

Mar 27, 2023 01:48 am

Huwag maniwala kung walang kasiguraduhan or assurance galing sa dalawang personalidad tungkol sa estado ng kanilang relasyon

Aaron

May 29, 2023 05:24 pm

alam ko ay hiwalay na sila ngayon? kaya totoo ang kumakalat na balita sana ay maayos pa nila ang kanilang pagsasama kung hindi pa naman gaanong kahirap ang sitwasyon nila

Carlo

May 29, 2023 09:04 pm

hiwalay naba tlga?

Jade

Jun 06, 2023 07:27 pm

Hiwalay na sila sayang naman ang kanilang pag sasama tapos ay sasabayan pa ng pag kakalat ng naka buntis ng iba si chiz hays mga pilipino talaga

Page 1 of 7.6


eboto.ph