NO BASIS: Leni Robredo walang sweldo sa kanyang trabaho sa Angat Buhay ngunit meron bilang Hauser Leader sa Harvard?

September 08, 2022



  • Walang batayan na walang pasahod ang Angat Buhay Foundation sa mga opisyal o empleyado nito, at wala ring opisyal na dokumento na nagpapakita ng sahod ng Hauser Leaders sa Harvard University.
  • Magsisimula ang fellowship ni Robredo bilang Hauser Leader ngayong Fall 2022 semester sa Harvard kung saan siya ay magtuturo, magpapayo, at makikisali sa mga estudyante at propesor.
  • Ayon kay Atty. Robredo, kahit wala siya sa Pilipinas dahil sa fellowship na ito, ipagpapatuloy pa rin niya ang trabaho niya bilang chairperson ng Angat Buhay.

(2-min. read) - Walang batayan na walang pasahod ang Angat Buhay Foundation sa mga opisyal o empleyado nito, at wala ring opisyal na dokumento na nagpapakita ng sahod ng Hauser Leaders sa Harvard University. Ito ay matapos banggitin ni Atty. Leni Robredo sa isang thanksgiving event para sa mga Pampanga volunteer na wala siyang nakukuhang sweldo sa Angat Buhay ngunit mayroon sa Harvard. Ayon kay Robredo: “...Payagan niyo na ‘kong pumunta sa Harvard kasi may sweldo ako d’on, sa Angat Buhay wala. Kailangang mabuhay.”

Hauser Leader Program

Ang Hauser Leaders Program, sa ilalim ng Harvard Kennedy School Center of Public Leadership, ay nag-iimbita ng mga leader mula sa iba’t ibang sektor para makipag-ugnayan, payuhan, at turuan ang mga estudyante at propesor sa Harvard para makatulong sa pagbuo ng mga epektibong public leaders na gagawa ng mabuting pagbabago. Ang programang ito ay nasa pang-walong taon kung saan ngayong Fall 2022 semester, si Robredo ay pupuntang Amerika para makipag-engage sa mga estudyante, propesor, at iba pang stakeholders tungkol sa kanyang mga karanasan bilang public leader.

Sabi ni Robredo sa kanyang opisyal na pahayag: “I'm both thrilled and humbled [to] be given this space to share my advocacies and experiences, alongside this roster of distinguished leaders from various fields and sectors. What a blessing it is to be returning to Cambridge for this opportunity.” Si Robredo ay isa sa dalawang Pilipino na naging parte ng Hauser Leaders Program. Naging fellow rin si Rappler CEO at Nobel Laureate Maria Ressa noong 2021.

Bukod sa pagiging isang Hauser Leader sa mga susunod na buwan, sinabi ni Robredo na patuloy pa rin siyang magtatrabaho bilang chairperson ng Angat Buhay. Sa nasabing event sa Pampanga, sinabi niya na kahit wala siya sa Pilipinas: “...I will be on top of it, hindi siguro ako makakatulog nang hindi ko minamanage ang Angat Buhay sa araw-araw… Yung mga plano natin tuloy-tuloy.”    


SOURCES:

[1] https://politics.com.ph/2022/09/04/robredo-gets-real-about-harvard-fellowship-may-sweldo-ako-doon-kailangang-mabuhay/ 

[2] https://cpl.hks.harvard.edu/hauser-leaders-program 

[3] https://twitter.com/mariaIeonor/status/1566012537744764928 

[4] https://twitter.com/mariaIeonor/status/1566074145275727872 

[5] https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/posts/670528651096241

[6] https://www.esquiremag.ph/politics/news/maria-ressa-to-deliver-lectures-at-harvard-a00203-20211031 

[7] https://www.facebook.com/2278123262450964/posts/pfbid02mjJ7ckZAJheFqUggkGnnU7G7Dg259GBHPCChLQdfieR4mGisH88y8KCxVDPJMhhxl/

Aaron

May 29, 2023 02:39 pm

tama hayaan nyo sya kung gusto nya bumalik ng Havard dahil doon ay may sweldo syang natatangap dahil lahat naman tayo ay kailangan kumita para mabuhay.Ngunit nakaka hanga dahil kahit wala syang natatangap na sweldo sa angat buhay eh nag stay sya dito

Rhea ann

Jun 04, 2023 05:03 pm

sino man ang gusto bumalik ng havard ay nakayatanggap ng sweldo para kumita

Shejane

Jun 04, 2023 06:43 pm

hindi natin masasabi kung totoo ito, pero napaka buti ng mga nag t-trabaho angat buhay. Iniaalay nila ang kanilang oras para tumulong sa iba ng walang kapalit.

Jade

Jun 06, 2023 07:14 pm

Wala parin itong batayan pero ang pag t trabaho at mag lingkod ng walang sahod ay mabuti dahil pinapakita nito ang malinis na intensyon nya at handa syang mag lingkod saten ng walang kapalit

Naitan

Jun 07, 2023 05:24 pm

hayaan kung gustong bumalik sa havard dahil may sweldo doon pero nakaka hanga dahil kahit Wala siyang sahod sa angwt buhay ay nananatili parin siya dto at handa siyang mag lingkod

Page 1 of 6.4


eboto.ph