NO BASIS: Leaked information na gamit sa text scams, galing daw sa telcos?

September 13, 2022



  • Wala pang kahit anong conclusive evidence ang nagpapatunay kung saan galing ang mga data leaks. On-going ang imbestigasyon ng iba’t ibang gov’t agencies pati na ng Senado ukol sa mga text scams.
  • Ayon sa National Privacy Commission, nag-iimbestiga na ang National Telecommunications Commission (NTC) para hanapin ang sanhi ng information breach ng mga subscriber.
  • Habang patuloy ang imbestigasyon sa isyu, hinihikayat ng gobyerno at telco companies ang publiko na huwag pansinin ang scam text messages at i-report sa mga awtoridad.

(2-min. read) - Laganap ngayon ang text “smishing” kung saan ang pangalan ng SIM subscriber ay ginagamit upang mang-scam sa text messages. Wala pang kahit anong conclusive evidence ang nagpapatunay kung saan galing ang mga data leaks. On-going ang imbestigasyon ng iba’t ibang gov’t agencies pati na ng Senado ukol sa mga text scams.

Ayon kay privacy commissioner John Henry D. Naga, iniimbestigahan na ito ng National Telecommunications Communications (NTC) upang hanapin ang sanhi ng information breach ng mga subscribers at protektahan ang mga ito sa anumang scam text messages na natatanggap nila. Binibigyan ng sampung araw ng National Privacy Commission ang mga telco para mag-submit ng kanilang mga position papers.

Ano ang “text smishing”?

Ang text smishing ay isang uri ng kriminal na gawain kung saan hinihikayat ang mga SIM card subscriber na magbigay ng kanilang personal na impormasyon, tulad ng password at credit card number o kaya mag-download ng malicious programs tulad ng ransomware.

Ayon kay DICT Usec. Alexander Ramos, nagkaroon na ng initial na imbestigasyon ang DICT kung saan maaaring galing sa ibang bansa ang operasyon ng text scams. Nakikipag-ugnayan na raw ang kagawaran sa international counterparts nito.

Aksyon ng telcos laban sa text scams

Sa kasalukuyan, ang Globe Telecom ay nakapag-block ng 784 million scam at spam messages, nakapag-deactivate ng 14,058 SIM cards na may koneksyon sa sa scam, at nakapag-blacklist ng 8,973 SIM cards at 610 websites. Nakapag-invest din sila ng Php 1.1 Billion upang labanan ang mga ito. Ayon naman sa PLDT - Smart, wala silang nakikitang data breach sa kanilang network at patuloy na hinahanap ang sanhi ng scam messages na ito.

Habang patuloy na iniimbestigahan ng telco companies at ahensya ng gobyerno ang isyu, hinihikayat ng gobyerno at telcos ang publiko na huwag paniwalaan ang text messages na ito at i-report sa mga awtoridad ang makitang phone numbers na gamit sa text scams.


SOURCES:

[1] https://newsinfo.inquirer.net/1660190/watch-smishing-personalized-text-scams-in-the-philippines

[2] https://newsinfo.inquirer.net/1657789/telco-contractors-may-be-sources-of-data-in-text-scams

[3] https://www.onenews.ph/articles/dict-international-crime-ring-eyed-in-text-scams

[4] https://www.bworldonline.com/corporate/2022/09/07/472901/pressure-mounts-on-telcos-to-combat-text-scams/

[5] https://businessmirror.com.ph/2022/09/09/npc-orders-telcos-to-cooperate-in-probe-into-smishing-barrage/

[6] https://www.bworldonline.com/corporate/2022/09/07/472901/pressure-mounts-on-telcos-to-combat-text-scams/

[7] https://www.pna.gov.ph/articles/1183034

[8] https://www.gmanetwork.com/news/topstories/content/844472/dict-says-text-scams-may-be-coming-from-sources-abroad/story/

Aaron

Mar 25, 2023 03:03 am

kahit na may sim registration na meron parin mga scammer na nakakapag text pero ito kumpara dati ito ay bumaba na

Jerwin

Mar 27, 2023 09:23 am

Good job ang ginawa ng mga telco companies na gunawa ng registration site para iparegister ang mga valid sim cards ng mga tao upang maalis ang mga text scams lalo na laganap ito

Shejane

Jun 04, 2023 06:43 pm

napabuti ngayon dahil unti unti ng nababawasan ang mga scammer dahil sa pag register ng sim

Jade

Jun 06, 2023 07:03 pm

Wala pa namang ebidensya na nag papatunay nito pero buti nalang at may Sim Registration na tayp at dahil dito ay hindi na sila mahihirapan na ma trace at mahuli ang mga scammers

Naitan

Jun 07, 2023 05:16 pm

buti nalang ay may sim registration at agad ma t-trace ang mga scammers

Page 1 of 8.2


eboto.ph