NO BASIS: Facebook Philippines, kontrolado daw ng fact-checkers?

May 31, 2022



Binatikos ng isang kolumnista na si Rigoberto Tiglao ang Facebook Philippines at Meta, ang kumpanyang may-ari sa Facebook, sa kadahilanang “kontrolado” raw ito ng mga fact-checker. Ito ay matapos lumabag si Tiglao sa istriktong community standards ng Facebook laban sa fake news. Walang katotohanan at walang anumang basehan labas sa sariling interpretasyon ang pahayag ni Tiglao. Ilang beses na ring napatunayang nagpakalat ng maling impormasyon at fake news ang naturang kolumnista.

Lumabag si Tiglao sa community standards ng Facebook hinggil sa fake news, kaya ito napatawan ng parusa. Marami itong inilathalang opinion articles na nagkakalat ng maling impormasyon. Kabilang na rito ang kanyang pahayag na ‘hoax’ di umano ang Jabidah Massacre at Palimbang Massacre, na iniwan ‘di umano ni dating DFA Secretary del Rosario ang dating presidetial bid ni outgoing Bise Presidente Leni Robredo, at na hindi daw naangatan ng bilang ng google searches ni outgoing VP Leni Robredo si Bongbong Marcos.

Walang ebidensya
Matapos i-restrict ng Facebook ang isang post na mula sa kanyang article sa Manila Times na naglalaman ng samu’t saring maling impormasyon, iginiit ng kolumnista na hindi nito nilabag ang community standards ng Facebook. Sa article na ito, inudyok ni Tiglao na “mamundok,” o sumali sa New People’s Army (NPA), ang mga kritiko ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Mahigpit namang ipinatupad ng Facebook ang standards nito laban sa violence and incitement. 

Nang arestuhin ang kanyang pahayag, ito ang sentimyento ng kolumnista: “I think it is obvious enough that FB has been controlled both by the Reds and the Finks, although they of course are careful not to make it obvious.” Labas sa personal na interpretasyon ng kolumnista, wala itong naibigay na pruweba upang pagtibayin ang kanyang pahayag, isa sa mga dahilan kung bakit ito ay ilang beses nang napatawan ng parusa sa Facebook.

Hindi pinapalusot ng Meta ang mga kolumnista na naghahayag ng maling impormasyon sa kanilang opinion articles sa Facebook. “Opinion pieces may include reported facts or quotes, but emphasize the author’s own thoughts, personal preferences and conclusions… However, content presented as opinion but based on underlying false information may still be eligible for a rating,” ayon sa polisiya ng Meta hinggil sa fact-checking.

Fact-checkers at Facebook vs. Fake News
Ang Meta ay katuwang ng independent fact-checkers upang labanan ang laganap na pagkalat ng fake news, misinformation, at disnformation sa platform. Ayon sa website nito, ka-partner nila ang third-party fact-checkers upang ma-identify, review, at rate ang misinformation sa Facebook. 

Para masiguro nito ang kredibilidad ng kaniyang partners, pinipili ng Meta ang mga fact-checking organizations na certified ng International Fact-Checking Network, o IFCN. Tinitiyak ng Meta na sumusunod ang mga partners nito sa IFCN Code of Principles. Kabilang sa mga prinsipyong ito ang pagiging non-partisan (o walang kinikilingan), transparency sa sources, pondo, organisasyon, at isang open ang honest na polisiya sa pag-correct ng maling impormasyong posibleng mailathala.

Bukod pa rito, tinatanggal din ng Meta ang mga account na nagpapakalat ng spam at clickbait links. Sa kabila ng mga paglalahad na gumagamit sina President Rodrigo Duterte at pamilyang Marcos ng troll farms, noong 2018 ay 134 pages at accounts ng mga ito ang tinanggal ng Meta. Noong 2019 naman ay tinanggal ng Facebook ang higit-kumulang 200 pages, groups, at accounts na may kaugnayan kina Marcos at Duterte. 

Basahin ang aming Pak Check hinggil sa paggamit ng troll farms ng pamilyang Marcos dito: https://bit.ly/MarcosTrollsPakCheck 


SOURCES
[1] https://eboto.ph/fact-check/FALSE-Wala-raw-kontraktwalisasyon-noong-panahon-ni-Ferdinand-Marcos-Sr
[2] https://www.tsek.ph/columnist-tiglao-falsely-claims-palimbang-massacre-is-fake/
[3] https://www.tsek.ph/former-foreign-secretary-del-rosario-not-leaving-robredos-presidential-bid/
[4] https://www.tsek.ph/tiglao-falsely-claims-philstar-wrong-on-robredo-topping-google-search/
[5] https://transparency.fb.com/policies/community-standards
[6] https://transparency.fb.com/policies/community-standards/violence-incitement/
[7] https://www.facebook.com/business/help/315131736305613?id=673052479947730
[8] https://about.fb.com/news/h/fact-checking-philippines/
[9] https://www.facebook.com/journalismproject/programs/third-party-fact-checking/how-it-works
[10] https://transparency.fb.com/policies/community-standards/misinformation/
[11] https://www.poynter.org/ifcn/ 
[12] https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/ 
[13]  https://technology.inquirer.net/80533/facebook-removes-pages-linked-to-duterte-marcos 
[14] https://about.fb.com/news/2019/03/cib-from-the-philippines/ 

Carlo

Jun 03, 2023 06:41 pm

Hindi kontrolado ng fact-checkers ang Facebook Philippines. Ang Facebook ay mayroong sariling proseso at kriterya sa pagpili ng mga fact-checking organizations na kanilang kasama sa kanilang programa. Ang mga fact-checkers ay nagtatrabaho nang independiyente at hindi nakikipag-ugnayan sa Facebook sa pagpili ng mga artikulo na kanilang fact-check. Ang Facebook ay nagbibigay lamang ng mga impormasyon at kagamitan sa mga fact-checkers upang matiyak na tama at kumpleto ang kanilang pag-evaluate ng mga artikulo.

Jade

Jun 07, 2023 09:10 pm

Nalabag ni Tiglao ang community standards ng Facebook tungkol sa fake news kaya siya ay napatawan ng parusa ipinakalat niya ang maraming opinion articles na naglalaman ng maling impormasyon olan sa mga ito ay ang pahayag na ang Jabidah Massacre

Naitan

Jul 15, 2023 10:40 pm

wala parin itong kasiguraduhan at alam naman natin na hindi ito totoo at gusto lang nila itong siraan

Aaron

Oct 31, 2023 08:32 pm

hindi po ito totoo ngunit sana ay pag higpitin papo ang mga security o passcode ng Facebook para maiwasan parin po ang mga hackers na mapadali sila sa pang hahack sa mga account

Jemma

Nov 03, 2023 02:37 pm

Ito ay sabi sabi palamang at walang buong konteksto ng kwento kaya hindi pa natin masasabi kung totoo ito

Page 1 of 8


eboto.ph