NO BASIS: DSWD Sec. Erwin Tulfo, piniling maging running mate ni former VP at Angat Buhay Chairperson Atty. Leni Robredo sa susunod na eleksyon?

August 31, 2022



  • Walang basehan ang isang post na nagsasabing nagkita sina DSWD Secretary Erwin Tulfo at dating VP Leni Robredo para pag-usapan ang posibleng tandem nila sa susunod na eleksyon
  • Noong August 26, nagkaroon ng isang pagpupulong ang mga opisyal ng Angat Buhay kasama si Sec. Tulfo para pagusapan ang posibleng tulong na maaaring maibigay ng Angat Buhay kasama ang DSWD
  • Pinasalamatan ni Sec. Tulfo si Robredo at ang Angat Buhay para sa tulong na ibinigay nila lalo na paghahatid ng impormasyon sa DSWD sa mga probinsya at lugar na tatamaan ng kalamidad

(2-min. read) - Ayon sa isang post, ang pagpupulong raw ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo at dating Vice President Leni Robredo ay para pag-usapan ang posibleng tandem nila sa susunod na 2028 Presidential Elections. 

Wala itong katotohanan at basehan marahil ang totoong rason ng pagpupulong nila ay para pagusapan ang posibleng programa at tulong na maaaring maibigay ng Angat Buhay para makipagtulungan kasama ang DSWD.

Ayon mismo kay DSWD Secretary Tulfo, "Dumalaw si dating Vice President Leni Robredo sa DSWD Central Office kasama ang ilang opisyal ng Angat Buhay kanina, August 26. Nagprisinta si Mrs. Robredo na tutulong ang kanilang volunteers sa mga probinsya sa pagbigay ng agarang impormasyon sa DSWD hinggil sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad para mahatiran agad ng ayuda,"

Iginiit din ng opisyal na Facebook account ng Angat Buhay ang totoong rason ng pagpupulong at sinabing: “We are excited to work with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) in uplifting marginalized Filipinos across the country!”

Angat Buhay NGO

Nilunsad ang Angat Buhay Non Governmental Organization (NGO) noong July 1, 2022 para ipatuloy ang kanyang programa noong siya ay bise presidente. Sa ngayon, si Robredo ang Chairperson ng Angat Buhay. Ayon dito, marami nang proyekto ang nailunsad ng NGO katulad ng Angat Bayanihan, ang kanilang volunteer program, Bayanihan E-Konsulta para sa abot-kayang medical consultations, at paglunsad ng relief operations para sa mga nasalanta ng kalamidad at iba pang mga sakuna ngayong taon.

SOURCES:

[1] https://newsinfo.inquirer.net/1653854/ex-vp-robredo-angat-buhay-ngo-execs-meet-with-dswds-tulfo-to-discuss-programs

[2] https://www.facebook.com/gmanews/posts/10161168061886977

[3] https://www.facebook.com/angatbuhaypilipinas/posts/131401599617530

[4] https://twitter.com/angatbuhay_ph/status/1542858314299494400/photo/1

[5] https://twitter.com/angatbuhay_ph/status/1557280856196399104

[6] https://twitter.com/angatbuhay_ph/status/1550802267271356416

[7] https://twitter.com/angatbuhay_ph/status/1552631153986637824

[8] https://twitter.com/angatbuhay_ph/status/1562763003103424514

Aaron

May 29, 2023 06:02 pm

Wala naman palang basehan ang balitang ito ngunit sa susunod na elections sa 2028 ay maari natin silang makitang mag tandem

Carlo

May 29, 2023 09:06 pm

Hindi naman basehan ang mga bilatang yan

Rhea ann

Jun 04, 2023 06:35 pm

wala pang kasiguraduhan pero kung totoo man ito, lalabas at lalabas rin ang balita

Jade

Jun 07, 2023 06:19 am

Wala naman palang basehan ang nakitang post pero sa susunod na ilang taon ay baka makita daw naten silang mag tandem at baka maaaring maging maganda ang kanilang koneksyon

Naitan

Jun 09, 2023 10:17 pm

wala naman palang katotohanan ang kumakalat na isang post sa social media pero sana sa susunod ay makita naten silang mag tandem

Page 1 of 7.6


eboto.ph