NO BASIS: Ayon daw sa CIA, mas maraming human rights violations noong panahon ni Cory kaysa kay Marcos?

June 29, 2022



Ayon sa isang netizen, mas maraming atrocities ang isinagawa ng Aquino administration kumpara sa panahon ng batas militar, ayon umano sa declassified CIA documents. Ito ay walang batayan. Ang nilalaman ng naturang document ay komento lamang sa isang New York Times article, hindi opisyal na findings ng CIA. Ayon dito, mahirap kumpirmahin ang eksaktong bilang ng atrocities noong panahon ng administrasyon ni Aquino.

Walang basehan ang pahayag na ito dahil walang sapat na ebidensya ang nagpost. Ang isinaad lamang nitong ebidensya ay isang Central Intelligence Agency document na isinapubliko noong 2012 na nagkokomento lamang sa isang New York Times article noong 1988 na nagsasabing mas sagana ang mga atrocities ng panahon ng Aquino administrasyon.

Isinaad ng CIA na hindi masasabing makatotohanan ito. Ayon dito, “We cannot confirm whether these abuses are more frequent now than during the Marcos era. It is very difficult to collect unbiased data on human rights abuses in the Philippines.” 

Mayroong isang CIA document na isinapubliko noong 2013 tungkol sa pag-request ni Cory Aquino sa US ng isang air strike laban sa mga rebelde na gustong patalsikin ang administrasyon. Ayon sa Rappler, ito ay misleading. Ang report ng airstrike na ito ay lumang balita na inulat pa noong 1989. Wala ring ebidensyang may airstrike o coup na naganap na sangkot ang US.

Comparison ng atrocities ng Marcos at Aquino administrations
May mga nahanap na ebidensya na mayroong human rights violations noong panahon ng Cory Aquino administrasyon ngunit walang eksaktong numero ang mga ito. Isang Inquirer article ang nagsasabing mayroong mga biktima ng panahon ni Cory Aquino na hindi pa nakukuha ang kanilang reparations. Ang mga reparations na ito ay para sa isang rally noong 1987 ukol sa paglaban ng mga magsasaka para sa land reform o mas kilala bilang ‘Mendiola Massacre.’

Ang pamilya ng 13 na magsasaka na pinatay sa Mendiola ay hindi pa nabibigyan ng compensation bilang reparasyon batay sa Republic Act No. 10368 o Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013.

Kung ikukumpara, dokumentado ang ebidensya ng human rights violations at atrocities sa panahon ng Martial Law. Ayon sa Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, mayroong higit 11,103 biktima ng Martial Law, kung saan 2,326 ang pinatay o mga desaparecidos, 1,922 ang natorture, at marami pang mga atrocities. 

Mga aksyon ng Aquino administrasyon ukol sa human rights
Ayon sa isang 1988 report ng Amnesty International, ang administrasyong Aquino ay gumawa ng mga karagdagang aksyon para protektahan ang mga karapatang pantao ng mga Pilipino katulad ng pagpapalaya sa mga political prisoners, pag-abolish sa National Intelligence and Security Authority na nagsasagawa ng mga EJKs, at ang pagkatatag ng Commission on Human Rights sa ilalim ng bagong 1987 Philippine Constitution. 

Bagamat may mga aksyon ang administrasyon na hindi mangyari ang maraming mga human rights violations sa ilalim ni Marcos, walang maibigay ang report ng wastong numero ng mga human rights atrocities noong panahon na ito.


SOURCES
[1] https://www.cia.gov/readingroom/docs/CIA-RDP90M00005R001300030044-2.pdf 
[2] https://www.nytimes.com/1988/12/18/world/torture-said-to-rise-in-philippine-drive-on-rebels.html 
[3] https://www.cia.gov/readingroom/docs/CIA-RDP90M01243R001000300020-6.pdf
[4] https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/236361-cia-reveals-cory-aquino-requested-us-airstrikes-1989/
[5] https://newsinfo.inquirer.net/866428/pay-victims-of-abuses-under-cory-too-left
[6] https://hrvvmemcom.gov.ph/list-of-victims-recognized-motu-proprio/
[7] https://www.amnesty.org/en/wp-content/uploads/2021/05/ASA350021988ENGLISH.pdf
[8] https://thediplomat.com/2021/01/the-mendiola-massacre-decades-on-philippines-land-reform-remains-mired-in-blood/

Naitan

Jul 15, 2023 11:17 pm

sabi ng aking lolo ay hindi ito totoo dahil mas maraming human rights violation na nalabag noong panahon ni Marcos Sr ngunit dahil yon sa mga taong lumalaban sa gobyerno at pamahalaan

Aaron

Oct 31, 2023 09:24 pm

kahit naman na anong panahon eh merong Human Rights Violation hindi lamang nalalantad ngunit kailangan pabang patunayan kung sino ang mas maraming nangyaring Human Rights Violation sakanilang administrasyon kailangan ba itong ipag malaki o paramihan ng Biktima? kahit sino ang mas maraming biktima sakanila ay parehong hindi maganda ang kanilang naging pagpapatakbo dito

Jemma

Nov 03, 2023 03:01 pm

Pareho namang hindi naging maganda ang kanilang pamamalakad at maraming mga na violate na Human Rights ang parehong panahon nila

Rpie

Nov 05, 2023 09:39 pm

mas marami daw nalabag noong panahon ni Marcos dahil daw sa mga tanong lumabag sa gobyerno

Vaidi

Nov 26, 2023 01:19 pm

mahirap itong patunayan dahil ang iba sa mga biktima ay hindi nalamang lumantad kaya hindi sila nabilang

Page 1 of 7.2


eboto.ph