NO BASIS: Anak ni former Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso, may anak na raw?

July 13, 2022



Isiniwalat ni Cristy Fermin sa kaniyang YouTube channel na "Showbiz Now Na" noong June 25 na di-umano ay may apo na si former Manila Mayor Isko Moreno sa anak nitong si Joaquin Domagoso. Ayon sa talk show host, Enero pa lamang ay ‘blind item’ na si Joaquin Domagoso at ngayon ay may 2 months old nang anak sa kaniyang non-showbiz girlfriend.

Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na official statement ang kampo ng mag-ama o ang non-showbiz girlfriend na binanggit sa issue. Dahil dito, walang sapat na basehan upang makumpirma ang naturang balita. Aminado rin ang talk show host na wala silang nakuhang pahayag mula sa kampo.

Hindi ito ang unang beses na naglabas ng kontrobersyal na balita ang batikang talk show host at columnist. Ilang beses na rin itong nadawit sa pagpapakalat ng mapanlinlang o walang basehang balita tungkol sa pribadong buhay ng mga celebrity. Taong 2008 nang mahatulang guilty ng Supreme Court sa kasong libel si Cristy Fermin na isinampa ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Anabelle Rama noong 1995. Noong Oktubre 2008 din ay sinuspende ng ABS-CBN ang host mula sa lahat ng mga programa nito sa estasyon.

Ang paglabag sa karapatan sa privacy ay maaaring maparusahan sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code of the Philippines. Hindi man ito isang criminal offense, maaaring magbayad ng kaukulang danyos ang partidong mapapatunayang nagpapakalat ng impormasyon tungkol sa pribadong buhay ng isang indibidwal o ng pamilya nito. Samantala, kung mapatunayan namang nagpapakalat ng maling impormasyon ang isang partido sa porma man ng pagsusulat o online, maaari itong kasuhan ng krimen ng libel o cyberlibel alinsunod sa Revised Penal Code at posibleng makulong sa loob ng ilang taon.

SOURCES
[1] https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/content/87898/cristy-fermin-accepts-sc-decision-on-libel-case/story/ 
[2] https://news.abs-cbn.com/entertainment/10/16/08/abs-cbn-suspends-cristy-fermin 
[3] https://www.officialgazette.gov.ph/1949/06/18/republic-act-no-386/ 
[4] https://www.officialgazette.gov.ph/1930/12/08/act-no-3815-s-1930/ 

Jerwin

Apr 03, 2023 10:32 pm

Ang issue na ito ay naliwangan na ngayon at totoo nga ang balita, its good naman na inamin niya na may anak siya at hindi siya natakot kahit na paoausbong palang ang carreer nito sa industriya ng showbiz. Pero bilang host ng isang programa dapat ay mga totoong balita o chismis man ang dapat isiwalat

Aaron

Mar 25, 2023 07:47 am

Hahahaha fakenews lang to halatang gusto lang siya siraan ng mga tao

Carlo

Jun 02, 2023 01:23 pm

Totoo ang balita na mayroon anak ang anak ni isko nakita korin sa balita

Rhea ann

Jun 03, 2023 04:31 pm

totoo 'yan mga lods, trust me

Jade

Jun 07, 2023 12:34 pm

Totoo ang balitang ito at ang babaeng nabuntis nya ay ang nakababatang kapatid ni Claire Castro na si Raffa Castro

Page 1 of 8.2


eboto.ph