NEEDS CONTEXT: Mga estudyante ng isang paaralan sa Maynila, sa sahig daw umupo dahil sa armchair shortage?

August 24, 2022



  • Ayon sa reporter ng nasabing balita, ibinahagi lamang nito na kulang ang mga upuan sa silid-aralan.
  • Ang sabi ng DepEd at Division of City Schools ng Manila, walang kakulangan sa upuan ang paaralan na nabanggit sa report.
  • Mula sa datos ng DepEd, kulang ito ng mula 40,000 hanggang 91,000 na silid-aralan bago magsimula ang pasukan.

(2-min. read) - Pinabulaanan ng DepEd ang isang balitang nakaupo sa sahig ang ilang mga estudyante sa isang paaralan sa Maynila dahil sa kakulangan sa armchairs. Ayon sa kanilang guro, pinaupo lamang umano nito ang mga estudyante sa sahig upang magsagawa ng isang psychosocial activity. Ayon sa reporter ng nasabing balita, ibinabahagi lamang nito ang kanyang natunghayan na kulang ang mga upuan sa silid-aralan.

Armchair shortage

Ayon sa DepEd, “psychosocial activities” ang dahilan kung bakit nakaupo sa sahig ang mga estudyanteng ipinakita sa isang tweet mula sa isang reporter noong Agosto 22. Sabi umano ng guro sa klaseng ito, na-rearrange lamang ang mga upuan upang magbigay ng espasyo para sa pagkondukta ng nasabing aktibidad. Ayon sa press statement ng Division of City Schools (DCS) Manila, ang paaralan na nabanggit sa report ay karaniwang mayroong 51 na upuan sa bawat silid-aralan.

Ayon naman sa reporter na nag-ulat ng nasabing balita, ibinahagi lamang nito ang kaniyang natunghayan. Kulang ang mga upuan nang nagsidatingan ang mga estudyante bandang 9AM. Sabi nito, iniulat ng principal ng paaralan na mayroong lamang ‘miscommunication’ sa mga janitor at ‘lack of initiative’ ng mga guro na maglipat ng mga upuan.

Kakulangan ng silid-aralan

Ayon sa datos ng DepEd, kulang ito ng mula 40,000 hanggang 91,000 na silid-aralan bago magsimula ang pasukan. Sa isang memo, idineklara ng DepEd na lahat ng pampublikong paaralan ay magsisimula na sa ‘face-to-face’ classes nitong Agosto 22 sa kabila ng moderate risk ng COVID-19. Ani VP at DepEd Secretary Sara Duterte, hindi hadlang ang COVID at kakulangan sa silid-aralan para sa balik-eskwela ngayong 2022.

Matatandaan ring noong eleksyon 2016, ipinangako ng administrasyon ng ama ni VP Sara na si dating pangulong Rodrigo Duterte na pupunan nito ang kakulangan sa mga silid-aralan at bibigyan ng dobleng pasahod ang mga guro sa mga pampublikong institusyon. Noong 2020, binawasan ng administrasyong Duterte ang budget na para sana sa pagpupundar ng mga silid-aralan.


SOURCES

[1] https://mb.com.ph/2022/08/23/deped-on-circulating-photos-of-students-sitting-on-the-floor-they-were-doing-psychosocial-activities/ 

[2] https://twitter.com/janebautistaINQ/status/1561545821581361153 

[3] https://twitter.com/janebautistaINQ/status/1561892360497549312 

[4] https://twitter.com/janebautistaINQ/status/1561892363395825665 

[5] https://twitter.com/janebautistaINQ/status/1561892366134673415 

[6] https://www.rappler.com/nation/deped-lacks-classrooms-school-year-2022-2023/ 

[7] https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2022/07/DO_s2022_034.pdf 

[8] https://www.rappler.com/nation/covid-19-pandemic-latest-situation-philippines-august-2022/ 

[9] https://newsinfo.inquirer.net/1651129/sara-classroom-shortage-covid-19-must-not-stop-students-return-to-school 

[10] https://www.philstar.com/headlines/2022/07/29/2198838/deped-data-shows-imminent-classroom-shortage-face-face-classes 

[11] https://newsinfo.inquirer.net/1210642/huge-challenge-deped-gets-lower-budget-for-classrooms

Anne

Mar 24, 2023 10:18 pm

ganito dapat yung mga pinagbibigyang pansin ng mga gobyerno dahil hindi makakapag aral ng maayos ang mga estudyante kung ganoon ang kanilang skwelahan

Jerwin

Mar 28, 2023 01:41 am

Dapat magsiyasat muna ng mabuti bago mag report, hindi lahat ng nakikita natin ay paniniwalaan natin at bibigyan ng kahulugan. Pero sana bigyan ng halaga ng gobeyerno ang edukasyon sa bansa lalo na sa mga guro ay dapat may kumpletong benepisyo

Zoren

Mar 28, 2023 06:53 pm

Fake news is very rampant now a days, we need to #Pakcheck everything so we can find the real solution in the problem. Check! Think! Solve!😄

Aaron

Apr 02, 2023 05:37 am

Madami na talaga ang kumakalat na fakenews sa panahon ngayon kaya dapat ay may matibay na ebidensya bago mo paniwalaan ang isang balita o kwento at sana tayo ay bago mag pakalat ng balita, larawan o video ay alamin muna natin ang buong detalye para hindi tayo makapag kalat ng fakenews

Carlo

May 29, 2023 09:11 pm

ganto dapat binibigyan pansin nh deped

Page 1 of 8.8


eboto.ph