NEEDS CONTEXT: Matagumpay raw ang Masagana 99 ayon kay Imee Marcos?

May 06, 2022



Ayon sa isang Facebook post ni Senador Imee Marcos, nagtagumpay raw ang Masagana 99  (M-99), ang programang agrikultural ng kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ‘Ika nito, “Masagana 99 briefly succeeded for the simple reason that the program provided small, marginal farmers access to a package of technology without which it is impossible to grow decent, profitable crops of rice.” 

Ito ay kulang sa konteksto. Ang konsensus ng maraming mga eksperto at mga mananaliksik ay mayroong “short-lived” na tagumpay ang M-99, ngunit mas maraming long-term na negatibong epekto iito para sa kapaligiran, mga magsasaka, sektor ng agrikultura, at pangkabuuang ekonomiya ng Pilipinas.

M-99 legacy: utang at bankruptcy
Ang M-99 ay programang agrikultural ni Marcos. Ito ay sinimulan noong 1973 at naglalayong pataasin hanggang 99 cavans, o 4.4 tonelada, ang produksiyon ng palay sa pamamagitan ng paggamit ng modernong irigasyon, imprastraktura, at iba pang teknolohiya. Nilayon ng M-99 na gawing self-sufficient sa bigas ang bansa upang solusyonan ang rice shortage noong 1972. 

Bahagi ng implementasyon ng M-99 ay ang pagpondo nito sa pamamagitan ng pagkalap ni Marcos ng malalaking halaga ng utang panlabas. Ayon sa isang discussion paper ni economics expert Mahar Mangahas noong 1974, ang inisyal na pondo para sa M-99 ay P77.5-M mula sa US Agency for International Development (USAID). Lumobo nang lumobo ang mga pautang sa mga magsasaka hanggang makaabot ito sa P503-M noong Abril 1974.

Landowners, nakinabang; magsasaka, nabaon sa utang
Naging problematiko ang M-99 sapagkat hindi ito naging sustainable para sa sektor ng mga magsasaka at mangagawang agrikultural. Bagkus, mas nakinabang pa ang mga landowners sa programa. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Social Science Council noong 1981, dahil sa kakulangan sa isang epektibong programa para sa reporma sa lupa, hindi tumataas ang produksyon sa pagsasaka. Dahil nagbabayad pa ang mga magsasaka ng porsyento ng kanilang output sa mga landowner, hindi rin nila mabayaran ang loans na ipinamahagi ng programa. 

Ang pangunahing benepisyaryo ng M-99 ay ang mga landowner, samantalang nabaon sa utang ang mga magsasaka. Buhat ng pagiging unsustainable ng programa na hindi sinagot ang ugat na problema sa sektor ng agrikultura, ang konsensus ng mga eksperto galing sa UP College of Agriculture ay kahit may maliliit na tagumpay ito, problematiko, kung hindi palpak, ang M-99. 

Dagdag pa rito, nagkaroon ng negatibong epekto sa kapaligiran ang pagiging highly-dependent ng M-99 sa fertilizers at pesticides.

Dominguez: M-99 nagsara ng 800 bangko, walang export
Ibinandera ni Senador Imee Marcos sa isang Senate meeting ang posibleng pagbuhay muli sa M-99 upang matulungan ang mga magsasaka at informal settlers sa panahon ng COVID-19 pandemic noong 2020. “During the Masagana 99 in the 70s, there was also an effective use of commercial banks, rural banks and even cooperative banks and I believe that scheme would truly work,” ani Marcos.

Salungat sa pahayag ni Marcos, sinagot naman ito ng dating Secretary of Agriculture na si Carlos Dominguez III. Ayon sa kaniya, maraming rural banks daw ang nalugi dahil sa M-99. “I was the Secretary of Agriculture who cleaned up the mess that was left by Masagana 99. There were about 800 rural banks that were bankrupted by that program and we had to rescue them,” sabi nito. 

Nang sumagot si Marcos na ang tagumpay umano ng M-99 ay wala sa larangan ng banking, kundi nasa rice exportations, muli itong itinama ni Dominguez. “We never exported rice [during that time], ma’am,” sabi niya.



SOURCES

[1] https://www.officialgazette.gov.ph/1983/03/01/executive-order-no-879-s-1983/ 

[2] https://verafiles.org/articles/success-masagana-99-all-imees-head-researchers 

[3] https://www.rappler.com/business/261503-dominguez-schools-imee-marcos-masagana-program-left-farmers-debt/ 

[4] https://ageconsearch.umn.edu/record/135512/files/fris-1975-14-03-171.pdf 

[5] https://bit.ly/1981PSSCM99study 

[6] https://uplb.edu.ph/all-news/masagana-99-both-a-success-and-a-failure-experts-say/ 

[7] https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/146869-tragedy-martial-law-marcos/ 

[8] https://interaksyon.philstar.com/politics-issues/2020/05/22/169053/dominguez-vs-marcos-when-imee-marcos-attempts-to-revise-history-again-but-fails/ 

[9] https://youtu.be/BnTz4dxHjpM?t=297


Carlo

Jun 03, 2023 06:51 pm

Ang programa ng Masagana 99 ay isa sa mga polisiya ng pangangasiwa ng gobyerno ng dating pangulong Ferdinand Marcos noong dekada '70. Sa kalaunan, pinawalang-bisa ito dahil sa mga isyu sa korupsyon at epektibong hindi na nakatulong sa mga magsasaka. Hindi naman masasabing matagumpay ang Masagana 99, dahil maraming mga magsasaka ang hindi nakinabang sa programang ito at nabigo itong bigyan ng tunay na tulong ang sektor ng agrikultura sa bansa. Ang pangangalaga sa magsasaka ay patuloy na napapabayaan at mahalaga na magkaroon ng mas epektibong programa na tutulong sa sektor ng agrikultura.

Jade

Jun 07, 2023 10:08 pm

Ang pagiging matagumpay ng Masagana 99 ay isang usapin ng debateng politikal at pangkasaysayan ngunit nagresulta ito sa pansamantalang pagtaas ng produksyon ng bigas, may mga kontrobersiya at isyu ng korapsyon na kinasangkutan ang programa kaya hindi ko masasabing naging matagumpay ito

Naitan

Jul 01, 2023 10:35 pm

iyon ay sakanyang pahayag lamang ngunit naging masagana ngaba talaga ito? maraming nag sasabi na hindi ito naging matagumpay lalo na ang mga historian o mga taong nakaranas sa panahong iyon

Aaron

Oct 31, 2023 08:08 pm

ayon lamang po ito sakanyang sariling Social Media post at wala pa naman pong suma sang ayon dito kaya hindi nya masasabi kung ito ba ay talagang masagana o hindi

Jemma

Nov 02, 2023 12:13 pm

Kung totoong naging masagana noon sana ay mangyari ulit ngayon at gawin din nila ngayong panahon

Page 1 of 7.6


eboto.ph