
Ayon sa report na inilabas ng Ookla noong June 2022, inisaad na nagkaroon ng malaking improvement ang 4G at 5G coverage sa bansa kasabay ng pagpasok ng telecommunications company na DITO. Ito ay kulang sa konteksto. Hindi lamang ang pagpasok ng isang bagong Telecommunications provider sa bansa ang nagpapasya sa bilis ng mobile internet. Ang mobile network capacity, lokasyon, at available na teknolohiya sa area ay mahahalagang factors din na dapat sukatin.
Deciding factors sa bilis ng mobile data
Hindi lamang ang introduksyon ng isang bagong telecom company sa bansa ang nagpapasya ng bilis ng mobile internet. Ilan sa mga factors na kaugnay nito ay ang hindi pagkakapantay-pantay ng signal coverage batay sa lokasyon ng user, ang kapasidad ng network na ginagamit ng ibang users, at ang available na 4g at 3g technologies sa isang area.
Ayon naman sa telecom company na Globe, bukod sa topograpiya ng bansa na nangangailangan ng aerial, terrestrial, at submarine connections, malaking factor rin ang personal na kapasidad ng mga users na mag-avail ng mas mataas na broadband offer. Ayon dito, 80% umano ng users ang bumibili ng pinakamurang broadband offer, at naapektuhan nito ang national average speed. Ang mataas na presyo rin ng cell site ownership dahil sa kawalan ng suporta mula sa gobyerno sa pagpapatayo ng imprastraktura ay nakakapagpabagal din ng mobile internet.
Kasaysayan ng PH mobile data speedtests
Batay sa data ng Ookla, ang bilis ng mobile data sa Pilipinas ay ika-100 sa mundo noong 2017, na bumagsak sa ika-107 noong 2018, at ika-115 noong 2019. Umakyat nang bahagya ang Pilipinas sa mobile internet speed ranking patungong ika-109 noong 2020 hanggang makaakyat sa ika-89 na spot sa pangunguna ng Smart Communications bilang leading provider. Sa mga unang buwan ng 2022, ang Pilipinas ay ika-93 sa pangunguna pa rin ng Smart, na sinusundan ng DITO, at nasa huling place naman ang Globe.
Ngayong Marso 2022, naitala ng Internet analytics firm na Opensignal na Smart Communications ang nangunguna sa download speeds sa 19.7 Mbps, na sinusundan ng DITO sa 14.8 Mbps, at panghuli naman ang Globe sa 11.9 Mbps. Nangunguna rin ang Smart sa 5G availability at reach, ayon sa analysis ng Opensignal.
Investments ng Globe at Smart sa imprastraktura
Sa isang pahayag ng Globe, umani umano ang mga subscribers nito ng ‘positive results’ buhat ng agresibong network expansion ng kumpanya. Tinataya nitong makakapagpatayo ng 2,000 bagong cell sites noong 2021. Noong 2022 naman ay namuhunan ang Globe ng P21-Bilyon para sa pag-upgrade ng network at telco towers nito.
Isinaad rin ng Globe ang 100% improvement sa connectivity speed ng users nito sa mga area kung saan nagpatayo ang kumpanya ng 199 na bagong cell sites at nakakumpleto ng 1,619 site upgrades noong 2021. Sa pagtatapos ng taong 2021, itinala ng Ookla na may 51% improvement sa download speed at 24% naman sa upload speed ng Globe kumpara sa performance nito sa simula ng taon.
Tinawag na most consistent mobile network in the Philipines ang Globe sa Q1 ng 2022 dahil sa patuloy na magandang experience ng mga user. Nag-improve rin ang 4G/LTE at 5G ng Globe Prepaid, Postpaid, Platinum at Touch Mobile (TM) na hindi lang naramdaman sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga probinsya sa Visayas at Mindanao. Patuloy din ang pagdiskubre ng Globe ng mga bagong teknolohiya para mas lalong makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga users katulad ng space-based broadband technology at metaverse.
Bumilis ang mobile internet sa Pilipinas mula 2017 hanggang 2020 sa rate na 62%, ayon sa Smart. Ito ay matapos mag-invest ang kumpanya ng aabot sa P260-Bilyon sa imprastraktura. Ipinahayag rin ng Smart na ito ang may pinakamalawak na coverage sa bansa at tinatayang available ang imprastraktura nito para sa 96% ng populasyon. Nagsimula rin mag-invest ang Smart para sa nationwide rollout ng 5G noong December 2021 at umabot sa 30% ang paglago nito sa mobile data traffic.
Mas pinabilis na pagpapatayo ng telco towers
Noong Hulyo 2021, nilagdaan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Revised Joint Memorandum Circular No. 1, s. 2021 na sinasabi nitong makakapagpabilis sa proseso ng pagpapapundar ng mga telco companies ng kanilang mga imprastraktura, tulad ng mga cell sites. Hiniling rin ng ARTA na magpatayo pa ng mas maraming cell towers ang mga telco companies. Ayon naman sa Department of Information and Communications Technology (DICT), aabot sa 1,500 permits para sa pagpapatayo ng mga cell site ang kanilang inaprubahan noong 2020.
Binabaan din ang Right of Way rules na naging daan para mas lalong mamuhunan ang telecommunication companies sa pagpapabuti ng kanilang mga serbisyo sa 5G. Nanguna ang Smart sa 5G speeds at availability, kasunod ang Globe, habang kakasimula pa lang ng DITO Telecommunity mag-offer ng 5G sa mga user nito.
SOURCES
[1] https://www.traficom.fi/en/communications/broadband-and-telephone/factors-affecting-speed-and-quality-internet-connection
[2] https://www.globe.com.ph/community/welcome-and-guidelines.topic.html/5_factors_that_affec-BQLq.html#gref
[3] https://www.rappler.com/technology/features/philippines-ookla-fixed-broadband-speedtest-index-june-2020-2021/
[4] https://www.opensignal.com/reports/2022/04/philippines/mobile-network-experience
[5] https://www.globe.com.ph/about-us/newsroom/corporate/globe-intensive-builds-yield-positive-results.html#gref
[6] https://smart.com.ph/About/newsroom/full-news/2021/01/19/speeds-improve-as-telcos-hike-network-investments
[7] https://mb.com.ph/2022/07/04/5g-in-ph-on-the-rise-says-ookla/
[8] https://arta.gov.ph/wp-content/uploads/2021/07/Revised-Telco-JMC-.pdf
[9] https://arta.gov.ph/press-releases/arta-key-agencies-sign-expanded-jmc-for-streamlining-of-telco-towers-permitting-process/
[10] https://arta.gov.ph/press-releases/arta-key-agencies-sign-expanded-jmc-for-streamlining-of-telco-towers-permitting-process/
[11] https://dict.gov.ph/1500-permits-for-building-towers-approved-dict-expects-faster-roll-out-of-cell-towers-with-lgus-support/
[12] https://news.abs-cbn.com/business/07/04/22/ookla-says-dito-entry-improved-4g-and-5g-speeds-in-ph
[13] https://www.globe.com.ph/about-us/newsroom/consumer/customers-experience-improvement-network-builds.html#gref
[14] https://www.globe.com.ph/about-us/newsroom/corporate/globe-network-closes-2021-substantial-improvements.html#gref
[15] https://businessmirror.com.ph/2022/06/27/globe-is-most-consistent-mobile-network-in-phl-ookla/
[16] https://mb.com.ph/2022/04/29/globe-partners-with-space-based-broadband-firm/?amp
Aaron
Mar 25, 2023 07:45 am
oo mabilis ang DITO sim dahil isa din ako sa mga gumagamit ng ganitong sim at kahit na nasa skwelahan o san mang lugar ay mabilis ang cignal nito
Carlo
Jun 02, 2023 01:21 pm
dikoo pa alam TNT lang naman gamit ko simula noon
Rhea ann
Jun 03, 2023 04:34 pm
edi nice
Jade
Jun 07, 2023 02:44 pm
Marami akong nakikitang post sa social media na mabilis daw ang Dito Sim at mga kakilala pero hindi ko pa ito nasusubukan sa kadahilanang parang mahirap sya i load kasi thru Gcash daw ito na loload o sa mga 7/11
Naitan
Jun 26, 2023 10:21 pm
pwedeng depende sa lugar ang lakas ng cignal ng dito sim dahil dito sa amen ay ayos naman ang cignal nyan mabilis sya dahil yung tita namen eh dito sim po ang gamit
Page 1 of 8