MISLEADING: Nilangaw raw ang campaign rally ni VP Leni Robredo sa La Union?

April 21, 2022



ANG HATOL: MISLEADING

Ayon sa isang post, nilangaw umano ang campaign rally ni VP Leni Robredo sa La Union. Dagdag pa ng poster, pinatunayan daw nito na totoo ang Solid North. Ito ay misleading. Ang larawan sa nasabing post ay hindi rally ni Robredo kundi ang Rosas Ti Ayat Music Festival noong gabi ng Abril 12. Ang itaas na bahagi rin ng larawan ay manipulado o edited. Umaga ginanap ang rally ng Bise Presidente sa South Luzon College sa La Union na dinaluhan ng maraming tagasuporta.

7:00 AM ng Abril 12 ang schedule ng campaign sortie ni VP Leni Robredo sa South Luzon College sa San Fernando City, La Union kasama ang iba’t ibang kaalyado. Samantala, 6:00 PM hanggang 9:00 PM naman ang Rosas Ti Ayat Music Festival na inorganisa ng mga tagasuporta ni VP Leni at ginanap sa City Plaza ng San Fernando. Hindi dumalo sa pagtitipon na ito ang Bise Presidente.

Sa parehong hapon naman ay tumungo ng Catanduanes si VP Leni Robredo para sa kaniyang scheduled People’s Rally sa probinsya na nagsimula nang 3:00 PM. Inabot ng gabi ang nasabing event na dinagsa rin ng kaniyang mga tagasuporta.


SOURCES

[1] https://www.facebook.com/PhilippineSTAR/posts/2650789075074757

[2] https://www.facebook.com/abscbnNEWS/videos/358386862738429/

[3] https://mb.com.ph/2022/04/12/pink-northerners-go-all-out-for-leni-kiko-in-la-union-rally/ 

[4] https://www.facebook.com/News5Everywhere/photos/a.182218585268237/3015643951925672/ 

[5] https://www.facebook.com/teamlenirobredolaunion/posts/166693935785623 

[6] https://www.facebook.com/gmanews/videos/647583556309419 



KRISTA MAE

Mar 29, 2023 04:56 pm

Iba talaga ang ugaling pilipino, lahat napapansin lahat pinakekealamanan HAHAHAHA

Jade

May 28, 2023 10:29 pm

Normal lang siguro talaga na mag asaran at mag kalat ng fakenews tuwing halalan para lang sa ikakasaya nila pinag lalaban nila ang kanilang mga sariling opinyon haha

Shejane

Jun 02, 2023 11:22 am

ngayong eleksyon marami talagang mga tao ang nag kakalat ng hindi totoong balita o troll para manalo ang kanilang kandidato

Carlo

Jun 03, 2023 07:01 pm

grabee fake news ngayon pati too hindi totoo na nilangaw ang campaign ni leni

Naitan

Jul 01, 2023 10:00 pm

bakit pati ito ay ginagawan ng issue sana kung hindi ka naman na aapektuhan o napeperwisyo ng isang pangyayari eh wag nang makisali para hindi kana nakakagulo

Page 1 of 9


eboto.ph