Sa September 12 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nagtagpo si Jessica Soho at ang viral na look-alike nito na si Julia “Julie†Buena.
Nag-viral rin ang isang edited video ng episode na iniba ang sequence ng pag-uusap upang magmukhang hinihiling ni Julia na magkita ang kaniyang namayapang anak at si Jessica.
Ito ay misleading sapagkat ang pahayag ng anak ni Buena ay pumapatungkol sa “pangarap†nitong magkita ang kanyang ina at si Soho.
(1.5-min. read) - Misleading ang isang edited at clipped video ng September 12 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, na nag-viral kamakailan. Pabiro nitong ipinapakita na hinihiling ng isang Jessica Soho look-alike na magkita ang host at ang kanyang yumaong anak.
Napagkamalan bilang si Jessica
Nitong Setyembre, kumalat sa social media ang litrato ng isang look-alike ni TV host Jessica Soho na si Julia “Julie†Buena. Naaliw naman ang mga netizens dahil sa pagkakahawig ng dalawa.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na mayroong look-alike si Soho. Kumalat rin ang isang larawan ng kahawig ng host na naglalaro ng bingo. Matatandaan rin noong 2021 ay kumalat ang isang screenshot ng South Korean personality na si Jo A Young na kahawig rin ni Soho.
Jessica at Julia
Ilang araw matapos lumabas ang larawan, nai-feature sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, o mas kilala bilang KMJS, ang pagkikita nina Soho at Buena. Sa interview portion nito, inilahad ni Buena na hiniling ng kanyang anak na balang araw ay magtagpo sina Buena at Soho. Matapos yumao ang kanyang anak, nagkatotoo naman ang hiling nito, dahilan ng pagiging emosyonal ng kanilang talakayan.
Matapos mag-air ang episode, nag-viral ang isang clipped video kung saan tila sinabi ni Buena na gusto niyang makipagkita si Soho sa kaniyang pumanaw na anak. Ito ay misleading sapagkat ang pahayag ng anak ni Buena na “Sana ma, balang araw ma, magkita kayong dalawa,†ay pumapatungkol sa “pangarap†nitong magkita ang kanyang ina at si Soho.
SOURCES:
[1] https://www.facebook.com/nyoraofficial/posts/641015010716951
[2] https://www.facebook.com/photo.php?fbid=641019107383208&set=p.641019107383208&type=3
Ariel
Sep 06, 2024 09:19 pm
I- KMJS na yan! heheheh
Jerwin
Mar 25, 2023 08:37 am
Grabe naman sa makipagakita sa yumaong anak. Kahit ako matatakot don e
Anna Patricia
Mar 25, 2023 07:20 pm
Sobra naman ay kahit sino ma tatakot sa balitang yan
Aaron
May 29, 2023 05:16 pm
HAHAHAHA noong napanood ko ang balitang to ay natawa ako baka nag kamali lang ng pag kasabi ang ka look a like ni jessica soho at iba ang ibig nyang sabihin
Rhea ann
Jun 04, 2023 05:05 pm
nakakatakot naman yan, pero kung may lakas loob si jessica bakit hindi lalo na't ito ang dahilan para makapag pasaya siya ng ibang tao
Page 1 of 8.8