
Sa birthday message ni VP Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos, pinasalamatan niya ang presidente sa pagpapahiram ng chopper nito upang makauwi sa kanyang pamilya.
Nag-viral sa social media ang isang post na sinasabing araw-araw umuuwi si VP Sara Duterte sa kanyang pamilya sa Davao City gamit ang chopper ng Philippine Air Force.
Nilinaw ng kanyang spokesperson na ang pamilya ni VP Sara ay nasa Manila at ginagamit lamang niya ang presidential chopper sa mga opisyal na biyahe.
(1 min. read) - Binati ni VP Sara Duterte si President Bongbong Marcos sa kanyang 65th birthday noong September 13. Sa kanyang social media post, nagpapasalamat siya sa presidente sapagkat pinayagan ito na gamitin ang Presidential Airlift Wing (PAW) upang makauwi sa kanyang pamilya gabi-gabi. Dagdag ni VP Sara Duterte, “Thank you for putting a premium on the desire of a working mother to be present in her children’s lives.â€
“Home in time to tuck my children to bed.â€
Nag-viral sa social media ang post ni VP Sara Duterte kung saan makikita sa larawan ang chopper ng 250th Presidential Airlift Wing (PAW) na pinahiram daw ng presidente upang makauwi siya sa Davao City gabi-gabi para makasama ang kanyang pamilya. Halo-halong pagbatikos sa social media ang natanggap ng post.
“Thank you, PBB, and your 250th PAW for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed,†ani Duterte matapos pasalamatan si Marcos sa pagpapagamit dito ng airlift upang makauwi sa kanyang tahanan.
VP Sara vs. Spox
Agad naman naglabas ng statement ang kaniyang Spokesperson na si Reynold Munsayac na sinasabing hindi araw-araw umuuwi si VP Sara Duterte sa Davao City sapagkat ang pamilya niya ay nasa Manila. Dagdag nito, ginagamit lamang ng VP ang chopper sa mga importanteng opisyal na byahe kung saan kinakailangan ang VP sa madaling panahon at ang pangunahing transportasyon ng ni VP Sara ay land-based vehicles pa rin.
Ayon sa mandato ng Presidential Airlift Wing, sila ang official provider ng air transportation ng presidente, immediate family nito, visiting head of states at mga local and foreign VIPs.
Saan naka-base si VP Sara?
Sa kabila ng pahayag ng kanyang spokesperson na sa Maynila ito naninirahan, papalit-palit ang pahayag ng kampo ni Duterte sa kung saan nga ba ito naninirahan kasama ang kanyang pamilya. Noong Hunyo 19, sabi niya na gagamitin niya ang dating opisina ni former VP Leni Robredo sa Quezon City. Noong Hulyo 10, siya raw ay magre-relocate ng kanyang opisina sa Mandaluyong. Pagdating ng Hulyo 20, sa Davao City pa rin umano siya maninirahan, ngunit luluwas ito sa Metro Manila para gampanan ang kanyang mga responsibilidad.
SOURCES:
[2] https://www.facebook.com/MayorIndaySaraDuterteOfficial/posts/1003071747203703
[3] https://www.facebook.com/CNNPhilippines/posts/429609615960872
[4] https://rtvm.gov.ph/250th-presidential-airlift-wing-paw-bluebirds-night/
[5] https://mb.com.ph/2022/06/19/sara-duterte-to-hold-office-at-qc-reception-house/
[6] https://www.bworldonline.com/the-nation/2022/07/10/460336/vp-sara-to-relocate-office-to-mandaluyong/
[7]https://www.reportr.world/news/sara-duterte-plan-to-divide-time-between-manila-davao-a4833-20220620
Anne
Mar 24, 2023 10:00 pm
sana all po kung ganon, dapat jan kung totoo man yan eh nagbabayad dapat sya pag magpapahatid sya sa davao, para walang reklamo mga netizens😁😁
Patrick
Mar 24, 2023 10:35 pm
libreng sakay 😂
Aaron
May 29, 2023 05:19 pm
kung may mahalagang dahilan o dahil may okasyon ay maaari pa pero ang araw araw na gamitin satingin ko ay hindi dahil yan ay galing sa pera ng taong bayan
Shejane
Jun 02, 2023 06:51 pm
wag naman sana abusuhin, kung ito ay mahalaga at kailangan talaga pwede naman gamitin pero kung lagi na lang at walang ka kwenta kwentang bagay wag naman sana
Rhea ann
Jun 04, 2023 05:05 pm
grabe naman, hindi naman dapat abusuhin
Page 1 of 8.8