FALSE: VP-Secretary Sara Duterte, kinatakutan daw ng mga bata sa pagbisita niya sa isang paaralan noong opening ng face-to-face classes?

August 25, 2022



  • Ang kumakalat na video ay edited lamang mula sa isang meme para sa katatawanan. 
  • Mapayapa ang naging pagbisita ng VP-Secretary sa Dinalupihan Elementary School bilang panauhin sa opisyal na pagbubukas ng face-to-face classes sa bansa.
  • Sa kabila ng maayos at matagumpay umano na opening, nakitaan ng kakulangan ng classrooms at maging pagbaha sa ilang mga paaralan sa bansa.

(2-min. read) - Sa isang kumakalat na video, makikitang nagulat at natakot ang mga bata sa isang classroom nang pumasok si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte. Ito ay edited lamang para sa katatawanan at hindi makatotohanan. Ang edited na bahagi ng video kung saan makikitang may natakot na bata ay mula lamang sa isang sikat na video meme sa internet.

Pagbubukas ng face-to-face classes ng DepEd

Nitong Lunes lamang, Agosto 22, nang pormal na buksan ng Department of Education (DepEd) ang unang araw ng face-to-face classes para sa taong 2022-2023 sa buong bansa. Idinaos ng kagawaran ang programa para sa pagbubukas ng balik-aral sa sa Bataan, kung saan dumalo si VP-Secretary Duterte bilang panauhin. 

Sa orihinal na video mula sa DepEd (53:22), makikitang bumisita si VP-Secretary sa isang classroom ng Kindergarten students matapos ang kaniyang talumpati sa simula ng programa. Nakihalubilo ito nang mapayapa sa mga bata at walang anomang ‘di inaasahang insidente ang naganap.

‘Generally smooth’ school opening -DepEd spox

Tinatayang maayos at mapayapa ang kauna-unahang face-to-face school opening sa public schools sa loob ng 2 taon ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa“Base po sa mga updates ng ating mga Regional Directors, maayos at mapayapa po ang pagbabalik Eskwela ng ating mga learners”, sabi ng tagapagsalita sa isang Viber message.

Dagdag pa ng Philippine National Police, nag-deploy sila ng 23,653 police personnel para siguruhin ang ligtas na balik-eskwela ng mga estudyante. Kasama na rito ang ilang pulis na tumututok para masiguro ang minimum public health protocols iwas COVID-19. 

Shortages, pagbaha sa ilang classrooms

Ngunit sa kabila ng matagumpay umano na pagbabalik-paaralan, mayroon pa ring shortage na 40,000 classrooms ayon kay DepEd Spox Michael Poa. Kaunti na raw ito kompara sa unang naitalang 91,000 ni DepEd Usec. Densing noong Agosto 19.

Bukod pa rito, may naitalang pagbaha rin sa ilang mga paaralan sa Bulacan at Pampanga sa gitna ng unang araw ng klase. Dahil umano ang mga ito sa high tide at malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Florita.


SOURCES

[1] https://www.youtube.com/watch?v=270n6tQfs_A 

[2] https://www.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/videos/3322794151337589/ 

[3] https://mb.com.ph/2022/08/22/first-day-of-classes-orderly-and-peaceful-so-far-deped/ 

[4] https://www.pna.gov.ph/articles/1181843 

[5] https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/842441/deped-reports-40k-classroom-shortage-nationwide-even-as-classes-start/story/ 

[6] https://www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/842419/students-wade-through-flood-in-bulacan-and-pampanga-to-get-to-class/story/ 

Anne

Mar 24, 2023 10:17 pm

bakit naman kinatakutan be, hindi naman multo si vp sara😭

Jerwin

Mar 29, 2023 01:50 am

Grabe sa kinatakutan, huwag agarang maniwala sa social media kailangan talag i #PakCheck

Aaron

Apr 02, 2023 05:31 am

Edited o fake lang ang Video. Dapat ay hindi ginagawang biro at katatawanan ang mga ganitong bagay

Carlo

May 29, 2023 09:09 pm

jusqqq ano sya multo😭

Jade

Jun 07, 2023 06:50 am

Baka kasi tinatakot sya ng mga kanyang magulang kay VP Duterte dahil alam naman naten na kapag ayaw sumunod ng bata o matigas ang ulo ay tinatakot naten sila para hindi gawin ang isang bagay kaya natatakot ang bata sakanya ay baka ginawang panakot si VP Duterte sakanya

Page 1 of 8.8


eboto.ph