Sa pag-iimbestiga, nakita sa CCTV na naglalakad pa patungo sa entrance/exit ng harap ng mall ang babae bandang 6:50 ng gabi.
Sa inilabas na press statement ng City PNP, bandang 6:56 PM nang makitang sumakay ang babae sa isang puting multicab.
Matagal nang pinabulaanan ng pamilyang Gokongwei at ng artistang si Alice Dixson ang kuwento-kuwento tungkol sa taong-ahas na nambibiktima ng kababaihan sa Robinsons Malls.
(2 min. read) - Ayon sa kumakalat na Facebook post, isang babae sa Palawan ang pumasok sa isang mall ngunit hindi na nakitang nakalabas. Iniuugnay dito ang kuwento ng taong-ahas na sinasabing nakatira raw sa ilalim ng Robinsons Mall at nambibiktima ng mga kababaihan.
Imbestigasyon ng mga Pulis
Sa pahayag ng kapatid ng nawawalang babae sa isang programa, gabi ng Agosto 5 noong huli nila itong nakausap. Inaasahan ng mga kaanak na sa pagitan ng 7:00 hanggang 8:30 ng gabi ang dating nito mula sa kanyang trabaho sa Robinsons Place Palawan. Sinubukan pa nila itong tawagan ngunit hindi ito sumasagot sa telepono. Makalipas ang dalawang oras, tumungo na ang pamilya sa Puerto Princesa City PNP upang magpa-blotter.
Mula Agosto 6 hanggang 9, hiniling na ng mga pulis na makita ang CCTV footage ng mall upang maimbestigahan. Agosto 10 nang mapagbigyan ito at base sa CCTV, nakitang pumasok ang babae sa mall bandang alas-nuwebe ng umaga ngunit hindi na namataan sa lahat ng exit points mula 6:30 hanggang 10:00 ng gabi.
Sa pagsusuri ng isang CCTV video, nakita na naglalakad papunta sa entry/exit sa harap ng mall ang babae bandang 6:50 ng gabi. Ayon naman sa press statement na inilabas ng mga pulis, 6:56 PM nang makita sa CCTV na mula sa mall ay sumakay ang babae sa isang puting multicab. Kinumpirma naman ng mga kaanak na ang babaeng nawawala ang nakita sa video.
Taong-Ahas sa Robinsons Mall
May ilang netizen naman ang nag-ugnay ng pangyayaring ito sa “taong-ahas” na sinasabing nakatira sa mga Robinsons Mall. Ayon sa isang bersyon ng urban legend, may mga CCTV raw sa dressing room ng Robinsons Mall Galleria na nakikita ng taong-ahas. Kapag umano natipuhan nito ang babae sa dressing room, mayroon lamang siyang pipindutin upang mahulog ito mula sa butas sa sahig.
Matagal nang pinabulaanan ng mga Gokongwei, may-ari ng Robinsons Mall chain, ang kuwentong ito. Sa isang interview ni Robina Gokongwei-Pe noong 1991, sinabi niyang maaaring pakana lamang ito ng isang kompetitor at bibigyan niya ng pabuya ang sinumang makapagpapatunay na mayroong taong-ahas sa Robinsons Mall.
Isa pa sa matunog na pangalang bumuhay sa kuwento ng taong-ahas sa Robinsons Mall ang sinasabing pagkabiktima nito sa aktres na si Alice Dixson. Sa iba’t ibang panayam, makailang ulit nang itinanggi ng aktres na siya ay naging biktima ng taong-ahas. Ginawan pa niya ito ng vlog upang maipaliwang ang katotohanan sa likod ng sabi-sabi.
SOURCES
[1] https://www.youtube.com/watch?v=N4nyzPKS64Q
[2] https://www.facebook.com/CouncilorElginDamasco/posts/362496096067036
[3] https://www.facebook.com/watch/?v=460134292643270
[5] https://news.abs-cbn.com/lifestyle/10/25/12/robinsons-snake-returns-new-malls-open
Ariel
Sep 12, 2024 08:07 pm
Maituturing na isa itong urban legend sa Pinas na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa tin kung totoo ba o hindi.
Anne
Mar 24, 2023 10:24 pm
bakit lahat nalang ng nawawala na nagpupunta sa robinson eh kesyo kinuha ng taong ahas😭 guys baka naman kase kinidnap ng tao talaga, tsaka hindi pa nga sure kung totoo talaga yung taong ahas eh
Aaron
Mar 25, 2023 07:29 am
walang taong ahas sa robinson dahil hangang ngayon ay wala pang nakakapag patunay nito siguro ay may kumidnap or may pinag tatakpang ibang bagay kaya nila nasabing taong ahas yung kumuha sa nawawalang tao
Zoren
Mar 28, 2023 06:34 pm
I don't believe unless i will see the Taong Ahas!😅
Jerwin
Mar 29, 2023 10:34 pm
Huwag maniniwala sa mga urban legend unless ito ay may pruweba.. at totoo nga baka pakana lang yon ng isang competitor na mall kaya ganun nalang ang pagkakaroon ng kwento tungkol sa taong ahas
Page 1 of 8.6