FALSE! Sen. Imee Marcos, graduate nga ba bilang Cum Laude sa UP College of Law noong 1983?

July 27, 2022




  • Inihayag ni Sen. Imee Marcos na nakapagtapos siya bilang Cum Laude sa UP College of Law.
  • Ayon kay former UP EVP Ted Herbosa, walang record ng graduation o honors si Imee sa University Registrar’s office ng UP.
  • Ilang beses na ring napatunayang peke ang credentials niya ng pagtatapos maging sa ibang mga paaralan.

(2 min. read) – Inihayag ni Sen. Imee Marcos sa kanyang Curriculum Vitae sa House of Representatives na siya ay nakapagtapos bilang cum laude sa UP College of Law.

Imee, walang record bilang UP Graduate

Ayon mismo kay former UP Executive Vice President Teodoro Herbosa, walang record na nagtapos ng pag-aaral si Imee sa UP College of Law o kahit ano mang honor o academic award na natanggap si Imee noong 1983 batay sa record ng University Registrar's office.

There is no record of her graduation from UP nor any honors or academic distinctions received with the University Registrar's office,” ani Herbosa sa pinadalang mensahe sa mga news organizations.

Imee, hindi graduate, walang undergrad degree

Ayon sa librong “The Turning Point: Twenty-six accounts of February events in the Philippines,” sinabi ni dating UP Law Dean Froilan Bacungan na kahit walang ipinakitang bachelor's degree, pinayagan daw ni Bacungan na mag-enrol si Marcos sa UP Law sa pangakong magbibigay siya ng kopya ng kanyang diploma mula sa Princeton, bagay na hindi ibinigay ng Ivy League School sa kaniya noong panahong iyon.

Samantala, may nakalap din na mga litrato mula sa isang netizen. Laman ng Facebook post nito ang kopya ng UP Yearbook noong 1983, ebidensiyang walang katotohanan umano ang sinasabi ni Marcos na graduate siya ng UP Law. 

Pekeng academic credentials ni Imee

Ilang beses na ring binatikos si Imee hinggil sa kaniyang mga mali o pekeng credentials, tulad ng pagiging graduate sa Santa Catalina School, Asian Institute of Management, at Princeton University. 

Ayon sa Santa Catalina School, nag-aral lamang ito ng maikling panahon sa paaralan at hindi opisyal na nakapagtapos. Bagama't tumanggi ang Asian Institute of Management na magbigay ng impormasyon, tiniyak ng paaralan na hindi ito nag-aalok ng kursong MA Management and Business Administration. “In our 50 years of providing world class programs we never offered an MA MBA,” giit ng Director nito. 

Nakasaad din sa biography ni Marcos na naka-post sa kanyang official Facebook account na kabilang siya sa “first female graduates from an Ivy League School — Princeton University, graduating with honors.” ngunit batay sa e-mail ni University De­puty Spokesman Michael Hotchkiss sa The Daily Princetonian, nag-aral si Marcos ng Religion and Politics sa Princeton noong 1973 hanggang 1976 at bumalik noong 1977 hanggang 1979.

Our records do not show that Ms. Marcos was awarded a degree,” ayon kay Hotchkiss.


SOURCES

[1] https://web.archive.org/web/20051224170710/http:/www.congress.gov.ph/download/cv/marcoscv.pdf
[2] https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/222831-imee-marcos-record-up-college-law-graduated-cum-laude/
[3] https://www.facebook.com/abernardojr/posts/10157133606108980
[4] https://twitter.com/sandraguinaldo/status/1103084670432903168/photo/4
[5] https://ortigasfoundationlibrary.com.ph/collections/library-holdings/turning-point-twenty-six-accounts-february-events-philippines-1
[6] https://news.abs-cbn.com/news/12/21/18/viral-princeton-graduate-imee-marcos-dodges-question
[7] https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/226319-imee-marcos-class-valedictorian-santa-catalina-school-california/
[8] https://news.abs-cbn.com/news/03/22/19/imee-marcos-aim-degree-true-or-false
[9] https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/221395-false-imee-marcos-princeton-degree/
[10] https://www.dailyprincetonian.com/article/2019/02/filipino-governor-senate-candidate-falsely-claims-to-have-graduated-from-u

Aaron

May 29, 2023 08:59 pm

Kahit naman ibalik natin ang mga dating issue ay wala na tayong magagawa dahil ito ay nakaraan na ngunit maganda ito para malaman ng mga kabataan ngayon ang mga kaganapan noon

Jade

Jun 07, 2023 11:16 am

Wag nanatin ibalik ang nakaraan hayaan nalang natin ito dahil alam naman naten sa sarili naten kung totoo ang sinasabi nyang graduate sya o hindi dahil kahit i tangi nya yan atlis alam naten ang katotohanan kung totoo yan o hindi

Shejane

Jun 11, 2023 03:45 pm

hindi naman pala totoo na nakapag tapos si imee hahahaha, pinag tatakpan lang talaga

Naitan

Jun 20, 2023 08:10 pm

ayon kay dating UP executive vice president Teodoro Herbosa walang record ng pagtatapos o anumang karangalan si sen Imee Marcos sa UP

Aaron

Oct 31, 2023 11:43 pm

para sakin ay hindi ito importante hangat nagagawa nyang mag lingkod ng tama sa bayan kahit ano pa ang history ng pamilya nila

Page 1 of 7.6


eboto.ph