
Kumalat sa social media ang isang pekeng video kung saan sinisigawan umano ng isang lalaki si bagong halal na Senador Alan Peter Cayetano hinggil sa ‘pangako’ nitong P10,000 na ayuda para sa bawat pamilyang Pilipino. Walang katotohanan ito, sapagkat ang naturang video ay manipulated at walang maririnig na taong naninigaw kay Cayetano sa orihinal na video.
Naging tampok sa iba’t ibang social media platforms ang isang edited na video ni Cayetano at ang kaniyang asawa na si Taguig Mayor Lani Cayetano na naglalakad sa isang mall. Sinusundan umano ang mga ito ng isang lalaking hinihiyawan ang senador. Maririnig na sinasabi nitong “Huy si ano, si ano [Cayetano]... Sir 10k ko, sir! Sir, sir 10k!”
Ang video na ito ay manipulated, at edited ang audio nito. Sa orihinal na version ng video, walang maririnig na pagsigaw kay Cayetano. Kung susuriing maigi, mapapansin ding walang reaksyon ang mga taong naglalakad sa mall at ang mga nakapaligid kay Cayetano.
Pangakong P10,000 sa bawat pamilya
Kumalat ang pekeng video matapos umani ng kritisismo ni Cayetano sa ‘di nito pagtupad sa kaniyang ‘pangako’ na sampung libong pisong ayuda para sa bawat pamilyang Pilipino. Noong Pebrero 2021, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, isinulong ni Cayetano, na noo’y Taguig-Pateros Representative, kasama ng iba pang mga mambabatas, ang House Bill 8597 o mas kilala bilang “Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program.” Naging matunog ngayong pagkalipas ng 2022 elections ang pangako ni Cayetano matapos ito mabatikos sa pag-air ng ads hinggil sa P10k na ayuda sa gitna ng pandemya.
Nilalaman ng programa ang P10,000 cash assistance para sa bawat pamilyang Pilipino, o P1,500 para sa bawat miyembro ng pamilya, alinman ang mas mataas. “This bill ensures that each and every Filipino is given additional assistance, in recognition that we all have been affected by the pandemic, economic setbacks, and all the hardships brought about in the year 2020,” ani Cayetano.
"Sa mga namba-bash sa 10K ayuda (aid), kung kaya ko lang silang bigyan ng tig-sasampung libo, binigay ko na sa kanila… But the fact is this is still a legislative proporal,” ani Cayetano.
Bakit hindi natuloy ang BPP Assistance Program?
Noong Hunyo 2021, inaprubahan ng House of Representatives ang House Bill 9411, o mas kilala bilang “Bayanihan to Arise As One Act” o “Bayanihan 3.” Ginagarantiya ng bill na ito na mabibigyan ang bawat Pilipino ng P2,000, at gagawaran din ng subsidiya ang ilang mga key sectors at industriya. Ang cash assistance na ito ang ipinalit sa proposal ni Cayetano.
Nito namang Hulyo 2022, inihayag ng bagong halal na si Senador Cayetano na muli nitong isusulong ang panukalang batas sa Kongreso. Ika niya, kayang mapondohan ang programang ito sa pamamagitan ng pag-impose ng 5 porsyentong savings sa lahat ng opisina ng Gobyerno na suma-total ay magkakahalagang P250 Bilyon, na ayon sa kaniya ay sapat upang maipatupad ang programa.
Nilinaw naman ni Cayetano na ang panukalang batas na ito ay iba sa privately-funded na programang “Sampung Libong Pag-asa” na nag-disburse ng P10,000 cash aid bilang bahagi ng kaniyang economic recovery plan.
SOURCES
[1] https://www.facebook.com/isupportalanpetercayetano/videos/3286944514914572/
[2] https://www.philnews.xyz/2022/06/netizens-reminds-sen-cayetano-promise-criticize-p20-kilo-rice.html
[3] https://www.pna.gov.ph/articles/1129647
[4] https://hrep-website.s3.ap-southeast-1.amazonaws.com/legisdocs/basic_18/HB08597.pdf
[5] https://newsinfo.inquirer.net/1391954/cash-aid-for-families-affected-by-covid-19-pandemic-pushed-in-house
[6] https://hrep-website.s3.ap-southeast-1.amazonaws.com/legisdocs/first_18/CR00988.pdf
[7] https://www.pna.gov.ph/articles/1142204
[8] https://www.cnnphilippines.com/news/2022/7/1/Alan-Peter-Cayetano-10k-ayuda.html
[9] https://mb.com.ph/2022/03/18/find-out-how-cayetano-would-raise-p10k-in-ayuda-for-each-pinoy-family/
[10] https://www.pna.gov.ph/articles/1177970
[11] https://tribune.net.ph/index.php/2021/04/11/cayetanos-distasteful-tv-ads-during-these-covid-19-times/
[12] http://legacy.senate.gov.ph/lisdata/3516532050!.pdf
[13] https://www.youtube.com/watch?v=uZcO8jnfBEI&ab_channel=DRPSOne-OfficialChannelofPhilippineTVCs
[14] https://interaksyon.philstar.com/trends-spotlights/2022/07/01/221173/what-cayetano-said-about-viral-p10k-ayuda/
Carlo
Jun 02, 2023 01:25 pm
Ikaw ba naman mangako ng 10k tas di tutuparin HAHAHHAAH
Rhea ann
Jun 03, 2023 04:27 pm
sakit mo mangako cayetano
Jade
Jun 07, 2023 03:05 pm
False o fakenews lang ang isang video na kumakalat sa social media edited lamang ito at ginawa lang para sa katuwaan pero nasaan nangaba ang pangako mo na sampung libo cayetano🤣
Naitan
Jun 26, 2023 10:35 pm
hindi totoo na siningil sya dahil ang video ay edited lamang at oo nangako sya ngunit wala tayong magagawa kundi hindi niya iyon natupad at hindi natin sya pwede singilin dahil wala naman syang utang sa atin
Aaron
Nov 01, 2023 12:29 am
tama pero hindi naman natin sya pwedeng singilin dahil hindi naman iyon utang dahil yon ay isang pangako lamang
Page 1 of 8.4