FALSE: Sa tigre nga ba madalas naihahalintulad ang mga kurap na pulitiko sa Pilipinas?

August 19, 2022




  • Maraming netizens ang sumang-ayon sa contestant ng isang game show na naghalintulad ng tigre sa kurap na mga pulitiko. 
  • Ayon sa mga pag-aaral, mas kilala ang buwaya bilang simbolo ng korapsyon at panlilinlang sa pulitika.
  • Ang tigre naman ay kinikilalang “king of all beasts” sa China at ibang East Asian countries dahil sa pagpapamalas nito ng katapangan at kapangyarihan.


(2-min. read) - Ayon sa isang contestant ng game show, maliban sa “buwaya”, “baboy” at “ahas”, ang “tigre” rin ay maaaring sagot sa tanong na "Sa anong hayop inihahalintulad ang kurap na pulitiko?" Dahil dito, maraming kumakalat na posts sa social media ang sumang-ayon sa paghahambing at tumanggap sa sagot ng naturang contestant.

Tigre, simbolo ng katapangan at kapangyarihan

Kilala ang tigre sa Chinese culture bilang “king of all beasts”, dahil isa itong makapangyarihan at dakilang hayop. Ginagamit ang imahe nito bilang talisman ng mga sundalo dahil nagpapahiwatig ito ng leadership at nagpapamalas ng katapangan at kalakasan. Sa East Asian art, inuukit at pinipinta rin ang imahe ng tigre upang ipahiwatig ang katapangan ng mga sinaunang tao at bilang proteksyon na rin laban sa masasamang nilalang.

Samantala, ayon sa isang pag-aaral, ginamit din ng mga Asian leaders ang mga tigre o ang pag-aalaga ng mga tigre upang ipamalas ang kanilang political power noong ika-16 hanggang ika-20 siglo. 

Buwaya, simbolo ng korapsyon

Sa paper na “A Cultural History of Crocodiles in the Philippines: Towards a New Peace Pact?”, agad na inilahad ang negatibong reputasyon ng buwaya bilang man-eaters at banta sa kabataan at mga inaalagaang hayop. Madalas ding maihalintulad ang buwaya sa mga kurap na pulitiko o sa mga sakim at mapanlinlang na tao. Kahit pa man noong panahon ng mga Kastila ay inihambing na ni Jose Rizal ang mga prayle sa mga matatakaw na cayman o buwaya. Ginamit niya ang pagtutulad na ito bilang pagsimbolo sa nepotismo at colonial suppression ng mga prayle.

Tigre at Halimaw

Sa Timog-Silangang Asya naman, may kaparehong ugat ang mga salitang halimaw at tigre. Ang salitang “halimaw” ay nagmula sa proto-malayo-polynesian na terminong qari-mauŋ na nangangahulugang “panther,” at iba pang malalaking pusa. Ang salitang ugat na ito ay nagkaroon ng sangay sa iba’t ibang mga kontemporaryong salita, katulad ng harimau sa Malay at halimaw sa Tagalog. Ang Malay na harimau ay direktang nangangahulugang “tigre,” habang ang pagsasalin naman ng Tagalog na halimaw sa Ingles ay “monster.”


SOURCES

[1] https://www.youtube.com/watch?v=xfBudTX4qzw 

[2] https://www.jstor.org/stable/43304080  

[3] https://www.globaltimes.cn/page/202201/1250273.shtml 

[4] https://www.bbc.co.uk/bitesize/articles/zsksf82 

[5] https://issuu.com/museumofkorea/docs/nmk_v43/s/12345669 

[6] https://www.researchgate.net/publication/233554573_A_Cultural_History_of_Crocodiles_in_the_Philippines_Towards_a_New_Peace_Pact 

[7] https://etymologeek.com/poz-msa-pro/hari-mau%C5%8B/19245828 

[8] https://educalingo.com/en/dic-ms/harimau 

[9] https://www.lionheartv.net/2022/08/netizens-stun-lyca-gairanod-after-likening-tiger-to-a-corrupt-official/ 

Aaron

Apr 03, 2023 04:36 am

False dahil sa Buhaya nila madalas ikumpara ang mga Kurap na opisyal ng pulitiko

Carlo

May 29, 2023 09:16 pm

pede ren madali silang kumagat lalo pag pera ang basihan

Jade

Jun 07, 2023 07:09 am

Hindi totoo na sa tigre hina halintulad ang mga corrupt na politiko kung hindi sa Buwaya sila madalas ikumpara

Naitan

Jun 10, 2023 02:45 pm

sa buhaya palaging naikukumpara ang mga politikong corrupt at hindi sa tigre o pwedi ding sa ahas o baboy

Aaron

Oct 31, 2023 04:54 am

kapag sa Tigre ka ikinumpara bilang Pulitiko ikaw daw ay isang matapang na tao at kapag ikaw ay ikinumpara naman sa Buwaya bilang Pulitiko ay isa kang Kurap

Page 1 of 7.6


eboto.ph