FALSE: Office of the Ombudsman, nagsampa raw ng kasong perjury laban kay re-elected Senator Risa Hontiveros?

July 06, 2022



Ayon sa isang YouTube video, sinampahan daw ng Office of the Ombudsman si Senador Risa Hontiveros ng perjury at sedition kakabit ng imbestigasyon ng Senado sa Pharmally deal. Ito ay walang katotohanan. Walang opisyal na record na sinampahan ng Office of the Ombudsman si Hontiveros. Wala ring basehan ang alegasyon nito na ‘binayaran’ umano si Hontiveros ng isang dating empleyado ng Pharmally.

Anomalya sa Pharmally Deal
Noong 2021, pumatok ang balita hinggil sa ma-anomalyang deal sa pagitan ng administrasyong Duterte at Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang government contractor na inakusahang nag-supply ng overpriced equipment sa gobyerno noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Habang iniimbestigahan ang Pharmally, nanawagan ang abogado ng kumpanya na si Atty. Ferdinand Topacio ng isang imbestigasyon laban sa mga tauhan ni Hontiveros sa alegasyong sinuhulan umano nito ang isang empleyado ng Pharmally upang magbigay ng “false statement” sa Senate Blue Ribbon Committee.

Hontiveros vs. Pharmally
Sinampahan naman ng isang Pharmally employee si Hontiveros sa panunuhol umano nito sa isang testigo. Nagsumite ng reklamo ang empleyado sa Office of the Ombudsman ng sedisyon at perjury laban sa senador. Agaran naman itong itinanggi ng kampo ng senador. “I just want to remind everyone that we have receipts, and that’s what solidifies our investigation,” ani Hontiveros.

Dapat umanong buhayin ng Senado ang imbestigasyon nito sa Pharmally deal. Ngayong Hulyo, 2022, ipinahayag ni Hontiveros na magahahain ito ng resolusyon sa ika-19 na Kongreso upang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa anomalya.


SOURCES:
[1] https://newsinfo.inquirer.net/1532484/2021-pharmally-scandal-rubs-salt-on-pandemic-wounds 
[2] https://businessmirror.com.ph/2021/10/25/overpricing-bribery-tax-issues-in-documents-hidden-by-pharmally/ 
[3] https://www.pna.gov.ph/articles/1155088 
[4] https://www.sunstar.com.ph/article/1912065/manila/local-news/sedition-complaint-filed-against-hontiveros 
[5] https://newsinfo.inquirer.net/1605408/risa-wants-to-keep-pharmally-probe-alive 
[6] https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/833606/hontiveros-very-willing-to-seek-new-pharmally-probe-in-next-congress/story/ 

Jade

Jun 07, 2023 03:10 pm

Wala naman palang katotohanan na nag sampa sya ng kaso kay Risa Hontiveros eh at wala ring basehan ang alegasyon nito na binayaran umano si Hontiveros ng isang dating empleyado ng Pharmally kaya fakenews lang ang balitang kumakalat nato

Aaron

Nov 01, 2023 12:30 am

false o fakenews lamang po ito dahil malinis po ang kanyang intensyon sa ating bayan at talagang mapag kakatiwalaan

Jemma

Nov 03, 2023 03:06 pm

Hindi naman pala totoo na mag sasampa sila ng kaso kay Senator Risa

Rpie

Nov 05, 2023 09:22 pm

fake news dahil malinis ang kanyan intensyon

Vaidi

Nov 26, 2023 01:08 pm

kung wala naman syang ginawang mali dapat ay wag syang mag alala dahil hindi naman sya makukulong

Page 1 of 7.8


eboto.ph