FALSE: Ninoy Aquino, nakipag-sabwatan nga ba sa mga CPP top officials kaya nahatulan ng kasong Treason?

August 19, 2022



  • Walang katotohanan na magkasabwat si Ninoy Aquino at ang CPP kaya nagkaroon ito ng kasong Treason
  • Itinanggi ni Joma Sison na si Aquino ang nagtatag at nakipag-tulungan ito sa CPP
  • Ang mga kaso laban kay Aquino ay para sa iligal na pag-aari ng mga baril, pagpatay, at mga paglabag sa Anti-Subversion Act at hindi kasama ang Treason

(2-min. read) - Itinanggi ni Joma Sison, ang founding chairperson ng Communist Party of the Philippines, na si Ninoy Aquino ang nagtatag ng partido. Sinabi rin niya na hindi rin nakipagtulungan ang CPP kay Aquino.

Pahayag ni Sison

Sa isang panayam noong Marso 2016, sinabi ni Sison na si Aquino ay hindi maaaring maging isang komunista o tagapagtatag ng CPP bagkus ay pinasikat lamang nito ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbigkas sa mga isyu ng katiwalian at kalayaang sibil. 

Hindi rin nabanggit si Aquino sa artikulong isinulat ni Sison para sa ika-50 anibersaryo ng CPP noong 2018 na nagsasalaysay sa mga simula at mga dakilang tagumpay ng partido. Hindi rin kasama ang yumaong senador sa “brief review of the history” ng partido, na inilathala noong 1988.

Gayunpaman, inamin ni Sison na hindi hayagang kalaban ni Aquino ang CPP. Personal na kilala nina Sison at Aquino ang isa't isa at impormal at praktikal ang kanilang mga kooperatiba laban sa rehimeng Marcos.

Ninoy Aquino, walang kasong “Treason”

Noong Nobyembre 25, 1977, ibinaba ng tribunal ang desisyon nito, at si Aquino ay napatunayang nagkasala sa lahat ng mga kaso at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.

Dalawang iba pa ang nasentensiyahan: sina Bernabe Buscayno at Victor Corpus. Si Buscayno ay kilala rin bilang "Kumander Dante," isang pinuno ng Bagong Hukbong Bayan o New People’s army (NPA). Si Lt. Victor Corpus naman ay isang pulis na naging gerilya.

Kahit nahatulan ng kamatayan, di kailanman naipatupad ang pagbitay kay Aquino sa pamamagitan ng firing squad. Kalaunan, pinahintulutan siyang maglakbay sa Estados Unidos kasama ang pamilya para magpagamot matapos atakihin sa puso noong 1980. Pagkaraan ng tatlong taon, bumalik si Aquino sa Pilipinas. Sa kanyang pagbabalik noong Agosto 21, 1983, siya ay pinaslang.


SOURCES

[1] https://www.youtube.com/watch?v=UzdWZlDzTRM&t=825s

[2] http://209.151.22.101/Philippines/CPP/1988/BriefHistoryOfCPP-AL-881226.pdf

[3]https://www.washingtonpost.com/archive/politics/1977/11/26/marcos-opponents-sentenced-to-death/8131f09b-57e0-4bf1-9931-b255cb4f8951/

[4] https://www.officialgazette.gov.ph/ninoy-old/

[5] https://lawphil.net/judjuris/juri1975/may1975/gr_37364_1975.html

Aaron

May 29, 2023 06:13 pm

Wala naman palang katotothanan ang kanilang pakikipag sabwatan ngunit kung may mga matibay ibidensya man ay huli na ang lahat dahil dahil wala na sya at huli na para parusahan man sya kung mapatunayan man ito

Carlo

May 29, 2023 09:14 pm

wala pang matibay na ebidensya

Jade

Jun 07, 2023 07:21 am

Walang katotohanan na nakipag sabwatan ang dating Pangulong Ninoy Aquino sa CPP itinangi yon ni Joma Sison ang founding chairperson ng Communist Party of the Philippines

Naitan

Jun 10, 2023 03:02 pm

fakenews o hindi totoo na nakipag sabwatan si dating Pangulong Ninoy Aquino sa mga CPP dahil wala naman silang matibay na ebidensya

Aaron

Oct 31, 2023 04:58 am

hindi naman pala totoo na magka sabwat si Ninoy at ang CPP sana ay iwasan po natin ang magpakalat ng mga ganitong uri ng balita dahil lubha po itong mapanganib lalo na kapag tungkol sa mga Pulitiko

Page 1 of 7.2


eboto.ph