
Ang mga Aquino ay nakalibing sa Manila Memorial Park - Sucat, hindi sa Libingan ng mga Bayani.
Doon nakahimlay ang tatlo sapagkat doon unang inilibing si Ninoy matapos itong paslangin noong 1983.
Qualified ilibing sina at Cory at Noynoy sa Libingan ng mga Bayani dahil sila ay dating mga pangulo ng bansa.
(1.5-min. read) - Ayon sa post ng isang Facebook user na masugid na tagasuporta ng Marcos-Duterte tandem, nais daw nilang magsimula ng petition na tanggalin sa Libingan ng mga Bayani (Heroes’ Cemetery) sina dating presidente Cory at Noynoy Aquino at dating senador Ninoy Aquino upang linisin ang imahe ng Pilipinas.
Ngunit ang claim na sina Cory, Ninoy, at Noynoy Aquino ay kasalukuyang nakalibing sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio ay walang katotohanan sapagkat sa Manila Memorial Park tunay na nakalibing ang mga ito.
Aquino Mausoleum sa Manila Memorial Park
Ang tatlong Aquino ay nakalibing sa Manila Memorial Park (MMP) sa Sucat, Parañaque sa isang family mausoleum.
Matatandaang si Ninoy Aquino ay inilibing sa naturang burial site noong 1983 matapos itong ma-assassinate sa Manila International Airport (NAIA ngayon). Sumunod na inilibing ang kaniyang asawa na si Cory noong 2009 at ang kanilang anak na si Noynoy matapos pumanaw sa renal disease nitong nakaraang taon lamang.
Bilang mga nagsilbing presidente ng Pilipinas, sina Cory at Noynoy ay parehong qualified na ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay ayon sa guidelines ng Armed Forces of the Philippines na siyang nagre-regulate sa property na ito.
Bukod sa tatlong Aquino, nakalibing din sa MMP ang ilang mga kilala at mahahalagang personalidad tulad nina dating DENR secretary Gina Lopez, mga negosyanteng sina John Gokongwei, Jr. at Eugenio Lopez, Jr. ng ABS-CBN, at maging ang mga artistang sina Anita Linda, Paquito Diaz, at Rico Yan.
SOURCES
[1] https://newsinfo.inquirer.net/1451484/former-president-noynoy-aquino-laid-to-rest-beside-ninoy-cory
[2] https://www.facebook.com/abscbnNEWS/posts/10159585738505168
[4] https://www.nytimes.com/1983/09/01/world/a-million-filipinos-line-the-aquino-funeral-route.html
[5] https://www.rappler.com/nation/aquino-family-statement-noynoy-aquino-cause-of-death/
[6] https://www.nytimes.com/2009/08/01/world/asia/01aquino.html
[7] https://www.rappler.com/nation/134509-heroes-cemetery-guidelines-afp/
Anne
Mar 24, 2023 10:20 pm
oo dun sila nakalibing presidente sila noon pero hndi rin alam ng mga mamamayan kung bakit doon sa libingan ng mga bayani sila inilibing, ang sabi naman ng iba ay ginawa daw silang bayani dahil sila ay naging presidente
Aaron
May 29, 2023 06:10 pm
bakit sila ililibing sa libingan ng mga bayani porket presidente sila? kaya nga libingan ng mga bayani eh tyka hindi naging maganda ang pamamalakad sa pilipinas noong sila ang naka upo kahit na ang ninoy administration nalang ang naabutan ko noon at mga nanabasa tungol sakanila kaya para saken ay hindi talaga maging maganda ang pamamalakad nila noon sating bansa
Jade
Jun 07, 2023 07:06 am
Hindi totoo na sa libingan ng mga bayani sila naka libing fakenews lang ang balitang iyon dahil sa Manila Memorial Park sila naka libing
Naitan
Jun 10, 2023 11:16 am
dapat eh hindi porket naging presidente ng pilipinas ay doon na ililibing dapat ay ang mga bayani lamang
Aaron
Oct 31, 2023 04:49 am
bakit naman sila doon ililibing eh hindi naman sila naging bayani naging Presidente sila at hindi bayani
Page 1 of 7.4