
Hindi totoo na si dating Presidente Ferdinand Marcos Sr. ang nagpatayo ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Ayon sa Official Gazette of the Philippines, ang pagpapatayo ng NAIA o dating Manila International Airport ay nagsimula noong 1947 sa termino ni Manuel Roxas. Ayon naman sa MIAA, taong 1953 nang matapos ang runway ng paliparan, samantalang noong 1961 naman natapos ang control tower nito. Ilang taon pa ang nagdaan bago naluklok si Marcos Sr. bilang Pangulo noong 1965.
Panukalang Batas na palitan ang pangalan ng NAIA
Inihain kamakailan ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr ang House Bill No. 610 na naglalayon na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing “Ferdinand E. Marcos International Airport” dahil itinayo raw ito noong panahon ng panunungkulan nito.
“It is more appropriate to rename it to the person who has contributed to the idea and execution of the said noble project,” saad ni Teves sa introductory note ng kanyang panukalang batas.
Kasaysayan ng NAIA
Nagsimula sa termino ni dating pangulong Manuel Roxas noong 1948 ang pagpapatayo ng NAIA. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang paliparan ay dating US Air Force base at taong 1953 nang matapos ang konstruksyon ng “international runway and associated taxiway” ng paliparan, samantalang noong 1961 naman natapos ang control tower nito.
Taliwas ito sa introductory note ng House Bill No. 610 na isinusulong ni Teves mula Negros Oriental na naglalayon na palitan ang pangalan ng paliparan na NAIA at gawin itong “Ferdinand E. Marcos International Airport” o FEMIA.
Rehabilitasyon ni Marcos sa NAIA
Rehabilitasyon at pagpapaunlad ang naging kontribusyon ni Marcos Sr. sa paliparan. Noong 1972, inilabas ni Marcos ang Executive Order No. 381 na nag-uutos na paunlarin ang international airport ngunit hindi ito nangangahulugan na siya ang orihinal na nagpatayo ng proyekto.
Sa pamamagitan naman ng Republic Act 6639, na naisabatas noong Nobyembre 27, 1987, napalitan ang pangalan ng paliparan at ito ay naging Ninoy Aquino International Airport o NAIA bilang paggunita kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na pinatay noong 1983.
SOURCES
[1] https://www.officialgazette.gov.ph/1948/01/26/manuel-roxas-the-nation-on-the-road-to-prosperity-third-state-of-the-nation-address-january-26-1948
[2] https://web.facebook.com/CNNPhilippines/posts/372964931625341
[3] https://www.miaa.gov.ph/index.php/about-miaa/history-of-miaa
[4] https://www.officialgazette.gov.ph/1972/03/03/executive-order-no-381-s-1972/
[5] https://www.officialgazette.gov.ph/1987/11/27/republic-act-no-6639/
Aaron
May 29, 2023 10:01 pm
Kahit naman siguro na sino o kaninong administrasyon nagsimula ipatayo ito dapat ay kinuha nalang ang pangalan sa ating bansa dahil eto naman ang Sentro o mas nagagamit na paliparan sa Pilipinas
Carlo
Jun 02, 2023 01:21 pm
kahitt anong istraktura ang ipatayo kung ikaw mismo ang nag bayad sa lahat lahat syempree ikaw narin mismo ang maaring maglagay na kahit anong pangalan na gusto mo
Jade
Jun 07, 2023 12:20 pm
Kahit naman sino pa ang nag patayo nyan eh wala naman sakanilang dalawa dapat ipamana ang pangalan dapat ito ay ipamana sa Pilipinas dahil sa bansang ito yan pinatayo at mas maganda o kaaya aya pa iyon para sa mga turistang mamamasyal sa pilipinas na sa airport na yan ang byahe
Naitan
Jun 26, 2023 10:01 pm
hindi totoo na noong panahon ni marcos ipinatayo ang airport dahil noon ito itinayo nang administrasyon ni Manuel Roxas tyka kung papalitan pa ito ay parang makakagulo lamang
Aaron
Nov 01, 2023 12:20 am
wala na tayong magagawa dahil nanjan na yan dapat ay bago pa ito pinangalanan o ipatayo ay inayos na nila ito at hindi ngayon uma apela
Page 1 of 7.4