FALSE: International State College of the Philippines, totoong unibersidad nga ba?

August 09, 2022



  • Ang ISCP ay isang meme page na unang sumikat dahil sa mga nakakaaliw na viral satire posts nito.
  • Maraming netizens, kabilang ang TV personality na si Kim Atienza, ang napaniwala ng satire page na ito.
  • Ang satire ay hindi lehitimong source ng balita at hindi dapat ituring na credible source ng impormasyon.

(1.5 min. read) – Usap-usapan ngayon ang bagong ‘unibersidad’ sa Facebook na tila kapani-paniwala dahil sa viral na contents nito. Ngunit kung susuriin, ito ay isang satirical na institusyon lamang. 

ISCP, nag-viral dahil sa nakakaaliw na content 

Ang International State College of the Philippines o ISCP ay kinilala ng mga netizen dahil sa viral satire posts nito. Nagsimula sa memes tungkol sa program offerings nito hanggang sa unti-unti pagdagdag ng mga kilalang personalidad bilang kanilang mga propesor o empleado. Sumali rin ang mga netizen sa pag-post ng mga profile ng mga propesor, programa, at maging school website

Patuloy ang pag-post at pagsali ng mga netizen sa trend ng ISCP na makikita sa Facebook at Tiktok. Nakagawa rin ang isang netizen ng campus extension na patuloy ang pag-akyat ng likes at shares. Kinaaaliwan din ang paggawa ng mga post batay sa memes na nag-trend na at nagagawan ng koneksyon sa ISCP katulad ng simpleng field trip

Kuya Kim, nabiktima ng satire posts

Naglabas ng statement si Kim Atienza noong August 5 na scam ang post ng ISCP na siya umano ang dean ng unibersidad. Ngunit pagkatapos ng ilang araw ay sinabayan din ni Kuya Kim ang trend ng ISCP sa social media, kabilang na ang pagiging dean nito sa paaralan, at pagbibigay ng mga reaction paper para sa mga estudyante ng ISCP. 

ISCP at satire content

Ayon sa Merriam-Webster dictionary, ang salitang satire ay ang paggamit ng sarcasm. Marami ang nabiktima ng satire posts ng ISCP dahil sa kapani-paniwalang mga edit nito, ang website ng ‘unibersidad’ ay naturing mas maganda pa kaysa sa mga website ng mga government agencies ng bansa. Dahil sa creativity ng mga netizen sa pagtrend ng ISCP, sa pagpost nila ng kanilang mga ID, pagpasa sa naturing unibersidad, hanggang sa paggawa ng content online. Unti-unti na ring sumasali ang mga content creators sa ISCP trend.


SOURCES

[1] https://www.facebook.com/kuyakimatienzaph/posts/619216026241913 
[2] https://www.merriam-webster.com/dictionary/satire 
[3] https://www.facebook.com/ISCPFreedomWall/posts/106582215488841 
[4] https://www.facebook.com/groups/622482131717096/posts/1118788735419764/ 
[5] https://www.facebook.com/TiktoClockGMA/posts/125980150145867/ 
[6] https://www.facebook.com/ISCPhilippines/photos/a.105358548941314/111874648289704 
[7] https://www.facebook.com/hellomacoy/videos/590023319198955/

Jerwin

Mar 30, 2023 08:06 am

Isa din ako sa namangha sa katalinuhan ng tao upang magbigay aliw at magpasaya, dahil during that time nasa pandemic era pa tayo so yung ISCP ang inaabangan ko pampagaan ng loob at libang

Aaron

May 29, 2023 06:30 pm

marami na talagang mga bagay na magagawa ngayon dahil sa mga apps ay nakakapag edit na tayo ng mga memes,picture o video na nakakatulong at nagagamit natin araw araw lalo na ang mga vlogger at influencers

Jade

Jun 07, 2023 08:50 am

Ayos naman iyon para kahit papaano eh may pinag lilibangan ang mga kabataan pero dapat ay wag mag edit ng mga fakenews o iba pang makakasira sa kapwa

Naitan

Jun 10, 2023 03:35 pm

ayos lang naman yang mga ganyang bagay para sa katuwaan paminsan minsan pero dapat ay wag gagawa o mag eedit ng ikakasakit ng damdamin ng iyong kapwa o paninira

Aaron

Oct 31, 2023 11:11 pm

false po ito ay hindi totoo at fakenews lang matuto tayong mag search sa balitang inyong balitang nabalitaan para makahanap pa ng ibang balita kung totoo ito

Page 1 of 7.6


eboto.ph