FALSE: Hoax daw ang pagpatay sa mga sundalong Moro sa "Jabidah Massacre"?

April 12, 2022



ANG HATOL: FAKE NEWS!

Isinaad ni Francisco "Kiko" Pangilinan sa kaniyang speech noong Leni-Kiko Rally sa Zamboanga (March 18, 2022) na hindi raw dapat makalimutan ang Jabidah Massacre. Ayon sa kaniya, "the killing of our Moro brothers in the Jabidah Massacre during the Marcos regime is a tragic part of our national narrative that we must never forget…"

Ngunit sinalungat ito ni Rigoberto Tiglao na ang Jabidah Massacre ang kauna-unahang fake news ng mga "Dilawan". Binanggit niya sa kaniyang The Manila Times column, "...demolishing completely this for-propaganda myth of the "Jabidah Massacre," which fantasy-weavers claim occurred on March 18, 1968 but which never happened. I have written over eight columns to prove, without a shadow of a doubt, that the Jabidah massacre was a hoax, and nobody, not even the Moro National Liberation Front (MNLF) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF), have questioned my assertions."

Maraming ebidensya ang nagsasabi na ito ay isang totoong pangyayari kung saan ang mga sundalong Moro ay pinatay noong March 18, 1968. Ang mga recruit sa special commando unit na ito na kinilala bilang "Jabidah" ay sumali sa Philippine Army sa ilalim ng operasyon na pinamagatang "Oplan Merdeka", kung saan ang tunay na layunin ay sakupin at  ibalik sa pamamahala ng Pilipinas ang Sabah, Malaysia sa utos ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos. [1][2][3]


Ang pagkakatatag ng Special Forces Unit, Jabidah, para sa "Oplan Merdeka"

Ang unang petsa ng pagkatatag ng "Oplan Merdeka" ay noong November 1967 kung saan si Cpt. Cirilo Oropesa ng AFP ay inatasan na bumuo ng isang provisional Special Forces unit, ang "Jabidah." Higit na 200 sundalo ang sinanay sa mga guerrilla tactics sa Corregidor at nasabi na ang misyon nila ay para gumawa ng gulo sa Sabah, Malaysia. Sila'y magkukunwaring mga sundalo umano ng Sultan ng Sulu. Ang layunin ng mangyayaring kaguluhan ay bigyan ng rason na mag-intervene ang Pilipinas para mas madaling maitakda ni Marcos ang pag-angkin sa Sabah. [4][6]

Ayon sa mga datos mula sa Official Gazette ng Gobyerno ng Pilipinas, ang rason sa pag-massacre sa mahigit na 10 hanggang 68 na Morong sundalo ay dahil naglabas ang mga ito ng kanilang hinaing sa pamamagitan ng pagsusulat ng petition sa Malacañang tungkol sa stipend na hindi pa nila natatanggap. Kasama rin sa petisyon na ito ang malalang kondisyon ng pagkain at pabahay sa kanilang kampo. [3][4][7] 

Ang Nag-iisang Survivor ng Jabidah Massacre

Noong 2009, si Jibin Arula, ang nag-iisang survivor ng massacre ay ikinuwento ang kaniyang istorya sa MindaNews tungkol sa pangyayaring ito. Isinaad niya na: "...kung magkagulo na ron sa Malaysia, eh di ang Philippine government na, kung halimbawa mag-complain ang Malaysia sa United Nations, eh sumagot na ang Presidente ng Pilipinas na kine-claim ng mga Philippine Muslim ang Sabah, Malaysia kasi sa kanila. Pero palabasin daw ng Philippine government na hindi naman kami tunay na military kundi sundalo lang kami ng mga sultan ng Muslim."[6]

Ayon kay Arula, naalala niya mismo ang araw ng massacre noong March 18, 1968 na: "Wala na akong narinig na nakatawag nanay, nakatawag ng Diyos, wala akong narining sa labing-isang kasama ko. .. ako pang-anim sa katapusan, halos kalagitnaan ako eh. Wala akong narinig na nakatawag sa nanay o sa Diyos. Tumba sila lahat. Pagtingin ko kaliwa't kanan, natumba sila, duguan."[6]

Epekto ng Jabidah Massacre

Taliwas sa pahayag ng author na hindi kinuwestyon ng MNLF ang pagtanggi sa Jabidah massacre, sa ika-51 anibersaryo ng MNLF noong 2019 ay kanilang iginunita na ang Jabidah Massacre ang nagbunga sa pagkakatatag sa Moro National Liberation Front.[5] Ayon naman sa Official Gazette, isinaad din na ang Jabidah ang isa sa mga rason ng higit dalawang dekadang armadong rebelyon sa Mindanao na kung saan higit na 2 milyong tao ang na-displace, 120,000 na buhay ang nawala, at mahigit na $2-Bilyon hanggang $3-Bilyon ang gastos pang-ekonomiya. [4]

Noong 1971, pinawalang-sala ng military court ang mga opisyal na pangunahing inakusahan sa Jabidah Massacre matapos ipasa ng Korte Suprema ang jurisdiction ng kaso sa korte militar.[4]



SOURCES

[1] https://bangsamoro.gov.ph/news/latest-news/remembering-jabidah-and-the-seeds-of-the-struggle/

[2] https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/216785-hoax-teddyboy-locsin-forced-falsify-jabidah-massacre-ninoy-order/
[3] https://www.rappler.com/newsbreak/24025-jabidah-massacre-merdeka-sabah/

[4] https://www.officialgazette.gov.ph/2013/03/18/jabidah-timeline/

[5] https://newsinfo.inquirer.net/1096984/mnlf-marks-51st-anniversary-remembers-jabidah-massacre-in-cotabato

[6] https://www.mindanews.com/top-stories/2009/03/q-and-a-with-jibin-arula-41-years-after-the-jabidah-massacre/

[7] https://www.cnnphilippines.com/life/culture/2018/03/21/operation-merdeka-50-years-later.html

(The number of Moros killed vary from 10 to 68, depending on the source.)



Aaron

Apr 01, 2023 10:50 am

Fakenews lang yan ng mga Dilawan para manira yan ang kanilang kauna unahang fakenews nila

KRISTA MAE

Apr 01, 2023 02:12 pm

una palang fake news na HAHAHA

Jade

May 28, 2023 10:06 pm

Fake news lang ang balitang ito dahil satingin ko ay gusto lang nila na siraan ang presidente noon

Carlo

Jun 03, 2023 07:05 pm

pagkakita ko palang alam kona na di totoo

Naitan

Jul 01, 2023 09:43 pm

hangang ngayon ay mahirap parin patunayan ang issue na yan at maraming tao parin ang pinag aawayan ang usapan sa issue nato

Page 1 of 9.8


eboto.ph